033

45 7 0
                                    

Wrenna's POV

Dumadagundong sa kaba ang puso ko habang nakasakay pa kami sa kotse na hiniram pa ni Mireya sa pinsan nya. Ganito naman ako palagi kapag pinupuntahan namin sya. Sobrang namimiss ko na sya. Si Aldric kasi yung madalas mag biro at napapatawa nya ako ng husto. Walang boring na moments kapag kasama namin sya. Kahit pa nagmumuka na kaming baliw kakatawa kapag nasa kalagitnaan ng daan. Sabi nga ng mga taong nakakakilala saming tatlo, hindi na raw namin kailangan pa ng alak para lang magmukhang lasing. Kahit hindi pa nakakainom lakas tama na kasi.

Ngayon na bibisita kami ay mas lalong bumabalik ang mga alaala. Napatulala ako habang patuloy na umaandar ang kotse.


"Wrenna tama?" Tanong ni Aldric na nakalunod sa harapan ko.

Nakaupo kasi ako sa sahig habang puno ng mga basura ang uniform. Ito yung panahon na ipinagtanggol ako ni Aldric laban doon sa mga nambubully sa'kin bago pa sila tuluyang mapaalis sa school. Nasa middle school pa lang kami noong mga panahon na iyon. Pakiramdam ko nga sya ang knight and shinning armor ko, parehas sila ni Mireya.

Napatulala lang ako sa kanya noong mga oras na iyon. Pa'no ba naman ako hindi matutulala eh kung mukha talagang prinsepe yung kaharap ko. Blonde ang buhok nya, may konting freckles sa mukha at maputi ang balat nya. Hindi ko sya gano'n kakilala noon dahil di ko rin naman sya madalas makita kahit pa mag kaklase kami.

Ilang sandali pa at natauhan din ako kaya naman tumango ako ng dahan-dahan sa tanong nya at yumuko. Ayokong tumingin sa kanya para kasi syang nakakasilaw.

"Ako naman si Aldric," pagpapakilala nya saka nya ako tinulungan na tumayo.

Magmula noon ay madalas na kaming magkausap. Magkakasama na kami ni Mireya kapag recess or lunch. Sobrang saya ko talaga noon lalo na at wala ng nang-aapi sa'kin.

Noong una iniiwasan pa kami ng mga studyante. Mas iniiwasan nila sina Mireya at Aldric dahil nga akala nila mga foreigner. Si Mireya kasi half mexican at half korean. Madalas din talaga syang tuksuhin dahil nga mas maitim  ang balat nya kumpara sa mga nakatira dito. Tapos si Aldric naman gaya nga ng sabi ko, maputi ang balat nya kaya ayun iniiwasan sya ng mga kaklase namin. Half american at half korean naman sya na lumaki sa new york pero lumipat sila noong middle school. Nahihirapan silang makipagkaibigan dahil akala ng mga kaklase namin english lang ang alam nilang language. Pero duda ako do'n. Mas tinitingnan lang talaga nila ang appearance ng isang tao. Kasi kahit ako iniiwasan nila dahil nga maliit ako. Hindi ko alam bakit napaka gulo ng mga tao. Kahit na anong itsura mo talagang kukutyain ka nila na akala mo sila na yung pinaka perfect.

Wind Flower [WheeSa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon