Ohayo Marumia here :)
sfx: knock, knock, knock ...
John pov
nakapag.tataka namang mayroon pang taong kakatakot sa amin ng ganitong oras. wala akong nagawa kung di tignan at usisain kung sino ang taong iyon. 11 na ng gabi kaya minabuti kong mag.inggat sa aking mga kilos. si mammon naman ay nasa kwarto ni mama, doon ko siya pinatulog dahil hindi umuwi si mama ngayong araw.
bahagya ko lamang binuksan ang pintuan para masilip ang mukha ng taong ito. hindi ko maaninag ng masyado ang mukha niya dahil na din sa dilim.
*uhmmm sino po sila.*
*ilabas mo na siya.*
sino naman kaya ang pakay ng taong ito, nakakapag.duda pati ang kinikilos niya. kaya sinara ko kaagad ang pintuan para makasiguro sa aming kaligtasan.
*makinig ka hindi ko alam kung anong pakay mo at kung ano man iyon wala akong intensyong tulungan ka kaya mabuti pa ay umalis kana.*
*ganoon ba, kung gayon ako na mismo ang kukuha sa kanya.*
sa mga narinig ko lalo akong kinabahan at sinigurado ko na nasara kong maigi ang pintuan namin.
*alam mo bata wala akong interes na makipag.laro sa iyo kaya huwag ka nang humadlang sa misyon ko, mas mabuti na mag.bulag-bulagan ka na lang.*
tekka lang papaano siya nakapasok sa bahay , iisa lamang ang pasukan at labasan ng aming bahay. isa pa napunta agad siya sa harapan ko ng hindi ko napapansin. sa ngayon kailangan kong protektahan ang bahay at si mammon. kaya kinuha ko ang paso sa gilid ng aming pinto at hinagis sa ulo ng lalaking ito.
ah.. tumagos lang sa kanya ang paso. anong nilalang siya.
*isa ka bang shinigami, sagutin mo ko at anong pakay mo dito sa bahay ko.*
*shinigami, huh! nag.papatawa kaba bata. ang lakas ng loob mong ihalintulad ako sa mga mabababang uring shinigami.*
kung hindi siya shinigami anong nilalang siya, upper class demon kaya siya, kung ganoon nalamang ang pang.mamaliit niya sa mga shinigami ibig sabihin na higit na mas mataas ang posisyon ng nilalang na ito.
*huling beses ko nang itatanong sa iyo ito bata. nasaan na si mammon!.*
si mammon ang pakay niya, pero bakit ? ano namang pakay niya. wala akong nararamdamang aura sa nilalang na ito. wala akong magagawa laban sa isang ito, bahala na nga. kailangan kong puntahan si mammon para bigyan ng babala at kung totoong malakas ang isang ito nasa panganib kaming dalawa ngayon.
*mammon !, gumusing ka mammon nasa panganib tayo ngayon.*
pasigaw kong sinabi habang tumatakbo sa kwarto ni mama.
*bilisan mo john kailangan na nating makaalis dito,*
gising na pala si mammon at napag.planohan na sa bintana kami dumaan para makatakas. dalawang palapag lamang ang bahay ko kaya nakaya ko naman na talunin ito, hindi ako athlethic kaya nasaktan ako sa pag.talon ko. kung oobserbahan ko naman ang kilos ni mammon, halatang nangangamba siya sa taong iyon.
tumakbo kami hanggang sa gubat na matatagpuan sa likod ng aming paaralan.
*mammon kilala mo ba ang taong iyon, anong kailangan niya sayo.*
hinihingal pa siya kaya hindi ko minadali ang pag.hahangad ng mga kasagutan mula sa kanya.
*ang taong iyon ... siya si constantine .*
*siya ang kaisa-isang demonyong nagawang makapasok sa langit.*
*demonyong nagawang makapasok sa kalangitan, para namang napaka.imposible noon mammon.*
*sa una hindi din ako naniniwalang mayroong demonyong makakagawa ng ganoong bagay pero sa kaso niya masasabing himala ang lahat ng nangyari sa kanya.*
*pero ano namang pakay niya sa iyo mammon.*
*nakapasok siya sa langit dahil tinalikuran niya ang kanyang demonic pledge, pero dahil tutol ang mga nilalang ng langit sa kanyang pag.kakahirang gumawa sila ng isang kasunduan.*
*at ano namang nilalaman ng kasunduan na iyon.*
*na tatanggalin ang kanyang kakayahang makakita, sa madaling salita mula pa noon ay hindi pa niya nasisilayan ang tunay na anyo ng langit.*
*kung ganoon iyon ang kapalit para maging lihitimong arkanghel siya.*
*hindi pa.. ang tunay na pakay niya ay ang matipon ang pitong prinsesa ng impiyerno pati na din ang 12 haste of death. sa ganoon paraan maibabalik niya ang paningin at opisyal na siyang maituturing na arkanghel.*
*ang kasunduan para sa pagiging arkanghel, ay tumutukoy sa mismong pag.talikod sa impiyerno. papaano ka naman niya nahanap kung isa siyang bulag.*
*sa pag.kakaalam ko isa siyang high-class demon kaya malakas ang pakiramdam niya sa mga aura, duda ko nahanap niya ako noong unang araw ko pa lamang dito sa lupa bilang taga.gabay mo. kaya ako nag.anyong tao ay para maitago ang aura ko at hindi niya ako masundan, pero dahil sa aura ng pagiging isang shaman mo siguro kaya niya tayo nagawang sundan.*
*kung ganoon magagawa niya parin tayong sundan sa kalagayan natin ngayon.*
*oo, iyan din ang iniisip ko, taglay gayon ni constantine ang hiram na kapangyarihan mula sa langit kaya hindi ko siya magagawang labanan ng sabayan, sa tingin ko kahit pag.tulungan natin siya mag.mumukha lang tayong mga talunan, kaya pag.takbo lamang ang magagawa natin sa ngayon.*
uhhhh ang lakas. ang lakas ng aurang nararamdaman ko. hindi kaya kay constantine ito nanggagaling.
*nararamdaman mo ba iyon mammon, ang aura, sobrang lakas.*
*hindi pero kung totoo nga iyon, mabuti pa at mag.hiwalay muna tayo john.*
*tekka lang. mammon. mag.iingat ka.*
*oo alam ko john.*
kakaiba ang lawak ng aura niya, pakiramdam ko ay nilalamon ako.
*john , hanggang kailan mo balak tumakbo.*
ah sumulpot na lang agad siya sa harapan ko, tekka bit-bit niya si Lilly.
*ang pinaplano mong gawi, bakit mo hawak ang katawan ni Lilly.*
*sa simula pa lang alam ko na magiging ganito ang kalalabasan ng lahat, hindi ko na pahahabain ang lahat, tatlong gabi mag.mula ngayon ang katawan ng babaeng ito kapalit si mammon. sa lugar na ito din mismo, mag.hihintay ako.*
A/N: Ohayo !
please vote this chapter thanks !
BINABASA MO ANG
the REBIRTH
FantasySHAMAN NECROMANCER AT SEALER yan ang mga taong kinakailang para magsagawa ng sakramentong rebirth. ito ay isang istorya na nagsasagawa ng mga forbiden rituals. SCI-FICTION/ROMANCE/GAMER yan po ang genre nito OHAYO MARUMIA HERE :)