OHAYOMARUMIA here :)
John pov
Nakakapag.taka naman na meron mala.masiong bahay sa gitna ng kagubatan.
Nag.lakad lakad ako sa bahay ni lilly at halos mangalay ang mga paa ko sa kakalakad, mayroong tatlong palapag at halos labing apat na kwarto ang nakita.ko.
Nakakapag.taka lamang dahil sa laki ng bahay ni lilly ay wala man lang akong nakitang tao sa paligid, siya lang ang nakatira dito.
*-*-*hahaha lola*-*-*hintayin mo ako lola*-*-*maglaro pa tayo...*-*-*-...
May nadinig akong tinig ng tila isang batang babae, siguro kapatid ni lilly yon.
Hinanap ko ang pinang.gagalingan ng mga boses at napad.pad ako sa isang dulong silid sa may ikalawang palapag ng bahay nila lilly.
Sfx : knock ,knock knock...
Magandang araw po kaibigan po ito ni lilly.
Pag.bati ko sa kanila...
Hay nako naman !, bakit lagi na lang walang pumapansin sa akin pag.kumakatok ako sa pinto.
*-*-*lola haha isang beses nalang*-*-*-maglaro pa ulit tayo*-*-*-...
Patuloy kong nadirinig ang mga tinig ng batang babae, pero kung nasa loob talaga sila ng silid bakit hindi man lang nila ako pinapansin.
Ayoko sanang maging bastos, pero hindi ko na pigilan ang sarili kong buksan ang pintuan.
Pag.kabukas ko sa pintuan ay may mga imahe akong nakita, ilang sandali pa ay nakita ko na lang ang sarili ko sa mismong silid na iyon pero may isang batang babae sa harap ko.
Siguro sa kanya na nang.gagaling ang mga tinig na iyon, nilapitan ko agad siya para kausapin.
"Magandang araw, anong pangalan mo ?"-masayang bati ko sa kanya.
Hindi man lang niya ako nilingon, na para bang wala man lang siyang narinig.
Hinawakan ko siya at nagulat ako dahil tumagos lang ang aking kamay sa kanya.
Huh ! Anong nangyayari !, Pati sa mga bagay ay hindi ako nakahawak, anong kalokohan nanaman ito.
Ilang sandali ay may kumatok sa pintuan.
'Halika na beth kakain na daw sabi ng lola mo.'-sabi ng isang babae.
Hindi ko masinagan ang mukha niya pero ang mga tinig na iyon katulad na katulad kay lilly.
"Opo ate lilly, mamaya ateh samahan mo kong mag.laro ng binili sa aking manika ni ama huh."
'Oo ba, basta pangako mo huwag mo kong iiwan huh.'
"Opo naman ate, dito lang ako sa tabi mo hindi kita iiwan promise ko yan sayo."
'Haha ikaw talaga sige tara na, sigurado akong magagalit ang lola mo kung hundi pa tayo bababa.'
Tama nga ako si lilly ang babaeng iyon, pero hindi ko parin maintindihan bakit ko nakikita ang mga ito, mistula akong spectator isang palabas.
Sinundan ko sila papunta sa hapag.kainan nila, napakaraming handa, ngunit tatlo lamang silang kumakain.
"Lilly may sasabihin ako sa iyo."-sabi ng matandang babae.
'Ano po iyon lola, bakit hindi po ba ninyo nagustuhan ang mga niluto ko'.
"Hindi lilly, hindi ito tungkol sa mga luto mo, alam mo simula ng iniwan ka ng mga magulang mo sa amin, alam mo namang napamahal ka na sa amin hindi ba.".
'Opo naman lola basta nandito kayo hindi ko maalala ang paet ng nakaraan ko.'
"Gusto ko lang ipaalam sayong dalawang linggo nalang kami dito sa Pilipinas, kinukuha na kasi kami ng tatay ni beth para sa america na kami tumira."
'Talagah lola, diba may snow dun lola yehey america ! Gusto ko doon lola'-masayang wika ni beth.
"Pero beth diba na ngako kang walang iwanan, bakit naman biglang nag.kaganoon."
Nakita ko si lilly na halos umiyak na sa lungkot
'Eh kung isama na lang natin si lilly lola nangako kasi ako sa kanyang walang iwanan kami !.'
"Pasensya na pero hindi natin maaaring isama si lilly sa america dahil walang sapat na papeles at hindi natin kakayanin ang gastos, pasensya ka na lilly."
"Pero pwede ka parin namang manatili dito sa bahay kung gusto, tungkol sa pag.kain mo buwan buwan kaming mag.paladala ng pera sayo kaya wala ka namang poproblemahin."-paliwanag ng lola ni beth.
'Sawa nakong maiwan, nakakasawa na, madali lang sa inyong talikuran ako ?, bakit minahal ko naman kayo ah.'-sigaw ni lilly at tumakbo siya papunta sa kwarto niya.
Gusto kong damayan si lilly pero hindi ko magawa.
...end of act 16...
BINABASA MO ANG
the REBIRTH
FantasySHAMAN NECROMANCER AT SEALER yan ang mga taong kinakailang para magsagawa ng sakramentong rebirth. ito ay isang istorya na nagsasagawa ng mga forbiden rituals. SCI-FICTION/ROMANCE/GAMER yan po ang genre nito OHAYO MARUMIA HERE :)