DEATH

77 6 0
                                    

   OhayoMarumia here :)

  John pov

Hay nako naman, minsan gusto ko na lang din na sumuko at wakasan na ang buhay ko para matakasan ko ang mga problema ko sa mundong ito, pero hindi ko un kaya takot ako, oo takot pa akong mamatay.

Nakaramdam ako ng pan.lalamig sa paligid pati ang katahimikan sa paligid at ito angl dahilan ng aking mas lalong pag.katakot.

''John sabi ko na nga ba at hindi mo ako iiwan eh, dito ka lang john sa tabi ko hindi kita papabayaan at mamumuhay tayo ng masaya dito john.''-papalapit na si Lily sa akin hawak pa rin ang duguang kutsilyo.

'Itigil mo na ito lilly, tutulungan kita mag.bago sisimulan ulit natin lahat mula sa umpisa hayaan mong tulungan kita sa problema mo.'

''Bagong simula, huh walang ganoon john. Ang pag.iwan sa mga taong mahal mo ang pinakamasakit na naramdaman ko sa buong buhay ko, una ang tatay ko, tapos si mama, tapos sila beth at lola, ngayon pati ikaw iiwanan mo na rin ako. Bagong simula ? Wag ka nga mag.patawa john.''-nakakatakot ang mga mata niya tila ba mata ng isang hayop na nakakita ng bibiktimahin, hindi na nga talaga siya ang lilly na kilala ko.

Tumakbo siya patungo sa akin, nagawa kong masangga ang una at ikalawa niyang mga pag.atake at nahawakan ang leeg at kamay niya.

'Makinig ka sa akin lilly, ito ba ang buhay na gusto mo, sinong tao ang mag.mamahal sa tulad mong isang mamamatay tao !'.-sigaw ko sa kanya

Ngumiti nanaman siya sa akin. Kung dati gustong gusto ko ang mga labing iyon ngayon ay nasusuklam na ako sa tuwing ngumingiti siya sa akin.

''Hindi ko na kailangan ng taong tatanggap sa akin, ang kailangan ko ay iyong taong hindi ko iiwan, naiintindihan mo ba ako john !.''

Ginamitan niya ako ng Headbutt nabitawan ko siya, kasalanan ko din naman dahil hindi mahigpit ang pag.kakahawak ko sa leeg niya sanhi na rin ng namamanhid kong kaliwang balikat.

Sinamantala niya ang mga bagay-bagay, tinulak niya ako sa may pintuan, sapat na ang pwersa niya para mapabagsak ako. Nakakatakot talaga ang mga matang iyon, parang mata ng lobo sa kabilugan ng buwan. Napakaitim at bigugan.

Wala na akong lakas para lumaban, pero may sapat pa akong lakas para tumakbo.

''Alam mo john minahal na din naman kita eh, minahal na kita noong una tayong nag.kita sa rooftop.''

''Pero sinayang mo lang ang pag.mamahal ko sa iyo, iiwanan mo din naman pala ako.''

Lumapit pa siya sa akin at dinikit ang kutsilyo sa bandang  adam's apple ko. Hindi ko alam pero nandirito pa din ang malamig na hangin sa paligid, napakalamig.

'Hindi pa ako pwedeng mamatay !, nagdilim na ang paningin ko at na kadampot ako ng isang basag na garapon at itinarak ko diretso sa leeg niya, bumaon na din ang kutsilyo sa leeg ko.'

Masamang katapusan, oo ganoon ko mailalarawan ang pag.wawakasn ng buhay ko. Hindi ko akalain na magagawa kong pumatay, at  yun babaeng mahal        ko pa.

''John masaya ako dahil hindi mo ko iiwan''.-wika niya sa akin habbang umuubo ng dugo.''

Siguro ito na nga ang katapusan ng buhay ko, nakayakap siya sa akin at yinakap ko na lang din siya.

'Patawad lilly, patawad.'-iyon na ang huling wika ko sa kanya.

    ...end of act 21...

the REBIRTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon