FAREWeLL

47 4 0
                                    

OhayoMarumia here :)

At ako'y nanatili sa underworld ng dalawang araw pa, upang maka.sigurado akong naabot ko na ang sapat na kakayahan at kapangyarihan ng pagiging isang shaman para sa isasagawa kong ritual, ang ritual ng renascentia.

sa gitna ng aking pag.sasanay ay hindi inaasahan na dumating sila mammon at namtar, marahil ay tapos na ang panaho ng aking pag.sasanay at ibabalik na nila ako sa lupa.

''Aba anak, nandirito na pala sila mukhang ito na ang oras ng pamamaalam natin sa isa't.isa john, anak mag.iingat ka palagi, alam kong hindi sapat ang maikling panahon na kasama mo ako para makabawi ako sa lahat ng pag.kukulang ko sa iyo pero sa sa nag.daang oras na kasama mo ako ay sana magawa mo akong mapatawad sa lahat ng pag.kukulang ko sa iyo.''

Hindi na ako sumagot kay papa bagkus ay yinakap ko na lamang siya, sapagkat alam kong mahabang panahon pa ang bibilangin para lamang mayakap ko ulit siya ng ganito ka higpit.

''Paumahin sa nagawa namin abala ngunit john sapat na ang panahong iginugol mo dito sa underword para sa iyong pag.sasanay at sa tingin ng mga nakakataas sa amin ay sapat na ang kakayahan mo para sa ritual na nais mong gawin sapagkat na abot mo na ang sapat na antas ng pagiging isang shaman.''-wika ni mammon, hawak ang isang scroll na may simbolo ng tatlong sungay.

'Papa paalam na po, huwag kang mag.alala papa dahil para sa akin isa kang mabuting tao, na mamuhay ka para sa ibang tao at hindi iyon matatawaran, lagi kitang ipag.mamalaki papa.'

''Salamat anak, salamat.''

Masaya ako at nagawa kong masabi kay papa ang mga bagay na matagal ko ng nais na sabihin sa kanya. Pero ito na ang oras para maisabuhay ko ang lahat ng mga turo ni papa at gumawa ng sarili kong landas.

Sa bawat hakbang na ginawa ko papalayo kay papa ay nakakaramdam ako ng pag.kalungkot, kayat hindi ko na nagawang lumgingon kay papa dahil alam kong mas lalong bigat ang mararamdaman kong ito kung lilingon pa ako sa kanya.

'Kamusta ang naging karanasaan mo dito sa underworld john, patawad kung ngayon lang ulit tayo nag.kita, ang nakatalagang misyon sa akin ay ang pag.babantay sa iyong lolo kaya't nanatili ako sa lupa upang matupad ko ang utos sa akin ng mga nakaatataas.'-wika sa akin ni namtar.

''Ayos lang iyon nandito naman si mammon para makasama ko eh, si lolo kamusta na nga pala siya.''-sagot ko kay namtar.

Nakakatawa ang naging reaksyon ni mammo, sa pag.kat namula siya bahagya at hindi na nagawaang maka.tingin sa amin na para bang mayroon siyang lihim na itinatago.

'Ayos naman ang iyong lolo, sa katunayan mahigit isang araw pa lamang ang nakakalipas sa mundo ninyo matapos mong umalis, teka at ano nanaman ang pinag.uusapan ninyo ni mammon.'

''Tigilan na nga ninyo ang mga wang kabuluhang pag.uusap na iyan, mag.pakita ka naman ng konting dignidad namtar.''-pasigaw na sabii ni mammon.

Lumapit ako sa kanya at inakbayan siya sa balikat, himala at hindi siya nagagalit pero nakakapag.taka parin ang pamumula ng kanyang mukha.

'Mammon mukahang may lihim kayo ng taga lupa ah, ibahagi mo naman sa akin yan.'-sabi ni namtar

''Alam mo kasi namtar' tulad mo kaibigan ko na din si mammon.''

Bigla na lamang ako sinuntok ni mammon sa sikmura at agad akong bumaggsak.

''Hanngal ! Sinong nag.bigay sa iyo ng pahintulot na maging kaibigan ko.''

Hindi ko maintindihan kung anong ikinagagalit niya, pero sigurado ako na ako ang pinaka.unang taong naging kaibigan niya.

...End of act 35...

the REBIRTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon