OhayoMarumia here :)
John POV
Sino naman kaya ang babaeng ito, nakapag.tatakang alam niya na darating ako sa templo. Nakasuot siya ng damit na mistulang isang kimono na kulay itim at may disenyo ng pulang bulak.lak sa gilid.
Nagulat ako ng may tumapik sa likuran ko at inakbayan ako sa balikat, napakalakas ng aura ang taong ito, ramdam na ramdam ko ang mainit na aura niya tila ba binabalot siya ng apoy.
‘’kamusta na apo, nakikita kong napag.tagumpayan mo ang pag.sasanay mo sa under world, binabati kita apo sa pagiging isang shaman mo.’’
Si lolo pala ang taong umakbay sa akin, ngayon ko lang naramdaman ang aura ni lolo, siguro dahil na buksan na ang spiritual senses ko.
‘lolo namiss po kita, salamat kay papa at natapos ko agad ang pag.sasanay, at itinuro din niya sa akin ang mga espesyal na spells na alam niya, pinapasabi din ni papa na mahal ka niya.’
Hindi ko napigilan ang sarili Kong yakapin si lolo, samantalang hindi ko naman ito ginawa kay mama, siguro dahil mas alam ni lolo ang mga pangyayari sa buhay ko kaya na din naging mas bukas ako sa kanya.
‘’halika na sa loob John may ipapakilala pa ako sa iyong mga espesyal na taong tutulong sa atin sa hinahangad mong ritual para sa babaeng mahal mo.’’
Mga taong tutulong sa amin mukhang kilala ko na kung sino ang tinutukoy ni lolo, tama ang babaeng naka.kimono sigurado akong siya ang tinutukoy ni lolo.
Napakatahimik ng lugar na ito, madaming alitap.tap na lumiligid sa templo. Ng makasapasok na kami sa loob ng templo ay mga kandila lamang ang nag.sisilbing pa.ilaw sa buong lugar.
Yari sa kahoy ang bawat bahagi ng templo at maraming naka.lilok na mga imahe at sulatin sa mga pinto at kisame, ngayon lamang ako nakakita ng ganitong arkitektura at sining.
Pumasok kami ni lolo sa isang kwarto, sa pag.pasok namin sa kwartong iyon ay nakaramdam ako ng malamig na aura hindi tulad kay lolo.
Tama ang hinala ko siya nga ang tinutukoy ni lolo, ang babaeng naka.kimono.
Kapansin pansin ang aurang lumalabas sa kanya, kulay asul at halos walang katapusan ang pag.daloy nito sa kanya, sigurado akong isang beterano ang babaeng ito sa pag.gamit ng spiritual essence, halata naman sa pag.gamit ng kanyang aura eh.
‘’ipinakikilala k osa iyo John si elsie, isang babaylan.’’
Babaylan ano naman kayang kakayahan ang taglay niya, ngayon ko lang nalaman na may ganoong rango pala sa underworld.
Sa pag.kakaalam ko tatlong tao ang kinakailangan para sa ritual ng renascentia ito ang : shaman, necromancer at sealer, at isang reserbang posisyon para sa mga demonyo; ang exorcist.
‘ano po ba ang isang babaylan lolo.’
‘’ang babaylan ay kabahagi ng shamanism pero mga babae lang ang miyembro nito, tulad mo ay bihasa sila pag.mamanipula ng mga espirito at may kakayahan din sa pang.gagamot.’’
‘isang sa kabahagi ng shamanism, pero lolo kung dalawang shaman ang gagawin natin sino ng gaganap sa posisyon ng pagiging isang sealer.’
‘’isang class-A shamanist ang babaylan na kaharap mo John, hindi lang iyon na kayanan na niyang malag.pasan ang kakayahan ng pagiging isang shaman, kung tutuusin isa siyang obsidian sa kalupaan kaya mag.bigay ka ng respeto kay elsie.’’
Class-A na shamanist, ganoon siya ka galing, nagkamali akong maliitin ang kakayahan niya, napaka.hambog ko upang pag.dudahan agad ang isang taong hindi ko pa naman lubusang kilala.
‘’hahayaan ko muna kayong mag.usap John, may sasabihing mahalagang inpormasyon sa iyo si elsie kaya makinig.kang mabuti.’’
At umalis na nga si lolo para makapag.usap kami ni elsie ng maayos.
‘sa nakikita ko ngayon kakayanin mo pang lumakas sa darating na mga panahon, dahil iyon sa bloodline mo, hindi malabong kayanin mong maging isang exorcist.’ –wika ni elsie
Nakaupo lamang siya sa gitna ng kwarto at tila ba nag.memeditate, nakapikit ang kanyang mga mata pero sigurado akong malinaw niya kaming na oobserbahan.
‘’elsie patawad kung minaliit kita sa unang pag.kikita natin, humihinggi ako ng kapatawaran, kung maaari ay tulungan mo akong mas maging malakas.’’-pag.papakumbaba Kong wika kay elsie.
‘hindi ko tungkulin ang mga bagay na iyan, tungkulin iyan ng mga shinigami mo, ang maiaalok ko lamang na tulong ay ang renascentia.’
‘’ganoon ba salamat na lang kung ganoon.’’
‘linawin natin ang lahat sa ritual na ito ay gagampanan ko lamang ang posisyon ng pigiging isang sealer, kung wala tayong makukuhang exorcist wala kang magagawa kung hindi gampanan ang dalawang posisyon ng pagiging isang shaman at exorcist.’
‘’ano bakit naman ako,hindi ba nasa obsidian na ang ranggo mo bakit hindi na lamang ikaw ang gumawa ng posisyon na iyon, isa pa napakababa pa ng lebel ko sa pagiging isang shaman.’’
‘bilang isang babaylan labag sa aming kontrata ang pag.aaral ng exorcist kaya naman hindi ko tinangkang pag.aralan ang mga bagay na saklaw ng mga bagay na iyon.’
‘isa pa tandaan mo na kapag walang exorcist sa isang ritual, may isang daang porsiyento ng pag.kabigo ang ritual na ito.’-dag.dag pa sa akin ni elsie.
Isang daang porsiyento ng pag.kabigo, hindi maaari ang bagay na iyon, hindi ako maaaring mabigo.
‘’anong gusto mong palabasin, na dapat kong maabot ang lebel ng pagiging isang exorcist sa lalo’t madaling panahon, parang napaka.imposible naman niyang pinapagawa mo.’’
‘ang katawan ng bubuhayin anong kalagayan nito.’
‘’binalik ko sa normal na estado ang kondisyon ng katawan niya sa pamamagitan ng regeneration whisp.’’
‘kung ganoon may pitong araw pa ulit bago mabulok ang katawan ng taong iyon, ibig sabihin pitong araw na palugit pa ang nag.hihintay para mapag.tagumpayan mo ang posisyon na ito.’
Pitong araw para makapa.handa, at ang mga shinigami ang mag.tuturo mismo sa akin, wala akong magagawa kung hindi gawin ang lahat ng makakaya ko.
‘sa ngayon dalhin mo ang katawan niya dito sa templo upang maalagaan at mapabagal natin ang proseso ng pag.kasira ng katawang niya.’
‘’sige, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para maging isang exorcist sa loob ng pitong araw.’’
... end of act 40 ...
BINABASA MO ANG
the REBIRTH
FantasySHAMAN NECROMANCER AT SEALER yan ang mga taong kinakailang para magsagawa ng sakramentong rebirth. ito ay isang istorya na nagsasagawa ng mga forbiden rituals. SCI-FICTION/ROMANCE/GAMER yan po ang genre nito OHAYO MARUMIA HERE :)