TEACHER

60 5 0
                                    

OhayoMarumia here :)

A/N CHRISTIAN version ang HELL na ginamit ko.

John pov

Puno ng nag.durusan mga tao ang lugar na ito, walang hangganan ang pag.tangis at kalungkutan ng bawat isa.

Mapapansin din ang mala-dagat na mga apoy na tila ba hindi na titila, ang lugar na ito ang pinaka.nakakatakot na lugar na nakita ko.

May mga bata din akong nakikita nakakaawa silang pag.masdan dahil sa kanilang pag.durusa. nakakabasag din ng taingga ang mga ungol na nang.gagaling sa lahat ng direksyon.

"Huwag mo silang intindihin, masasanay ka din sa lugar na ito, ako nga pala si namtar, pwede ka mag.tanong sa akin."

Hindi ko pinan.sin si namtar at nag.simula akong mag.dasal para sa lahat ng kaluluwang nag.hihirap at nag.durusa sa paligid ko.

"Kahit anong dasal mo bata, hindi mo na sila magagawang mailigtas, tumalikod sila sa Diyos at kagustuhan nila iyon, kaya walang say.say na pag.tuunan mo pa.sila ng pansin."-wika ni mammon.

'Hindi ninyo ako maiintindihan sapagkat hindi naman kayo mga tao, alam ko may kabutihan parin sila sa kanilang mga puso at hindi nararapat na basta na lamang silang husgahan, dahil minsan sa buhay ng tao kailangan gumawa ng mali para sa mga taong mahal mo.'

"Bahala ka kung anong paniniwala mo, basta ang malinaw nakasalan sila kaya sila na.punta dito."

"Sumunod ka sa amin ipa.pakilala na kita sa magiging guro mo, siguradong magugustuhan mo siya."

Wala na akong nagawa kung hindi sumunod sa kanila, inalala ko na lamang si lilly para hindi ko na masyadong mapansin ang paligid ko.

Napunta kami sa isang lugar na walang kahit anong apoy at inggay.

"Nandirito na tayo john, ang lugar ng iyong guro."

Nagulat ako ng nakita kong lumabas si papa, agad akong tumakbo para yakapin siya, hindi tulad sa lupa, buhay na buhay ang presensya niya, nahahawakan ko siya.

Nakasuot ng itim na damit si papa at kulay pula na ang kaliwang mata niya, ang tagal ko siyang niyakap.

"John natutuwa ako na.nag.kita muli tayo, pero anak bakit mo sinundan ang yapak ko, alam mo hindi iyan ang pinangarap ko sa iyo anak, sa ginawa mong iyan ipinag.palit mo ang kapayapaan at kalayaan mo."-sabi ni papa habang hinihimas ang ulo ko.

'Papa patawad po, ito nalang po kasi ang naiisip kong paraan para maituwid ang nagawa kong pag.kakamali eh.'

"Kahit ano pa man iyon anak, tandaan mo na mahal na mahal kita, kamusta na nga pala ang nanay mo."

'Mabuti naman po siya, kasama niya si lolo sa bahay kaya walang dapat na problemahin.'

"Mabuti naman kung ganoon, huhulaan ko kung bakit kayo naparito, mukhang ako ang napili ni lucifer na mag.turo sa iyo ng mga dark spells ah."

'Opo papa, pero ang pinaka.pakay ko po ay ang ritual ng rebirth.'

...end of act 30...

the REBIRTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon