SHAMANISM

147 9 0
                                    

  OHAYOMARUMIA here :)

John pov

Hindi ko alam kung ano na ang mga nangyayari, hindi ko maintindihan ang mga bagay.

Isa pa ako anak ng isang shaman, urgk! Anong kalokohan ito.

Tumulo na ang luha sa aking mga mata, namamanhid na rin ang buong katawan ko hindi ko alam kung bakit.

Pero napansin kong may yumayakap sa akin, at sigurado akong hindi ito tao.

Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa, sobrang lamig, iyon ang pakiramdam ng buong katawan ko.

"Apo nais kong ipakilala sayo ang ama mo, makikita mo siya ngunit hindi mo siya makakausap."- malumanay sa pag.bigkas ni lolo.

Ano bang iniisip ni lolo, totoo bang narito ang espirito ni papa ?, pero iisa lamang ang kaluluwang nakikita ko.

Marahil ito na nga si papa.

Bigla na lang akong may naramdamang init, kasabay ng isang tinig.

'Anak, ang laki mo na ah, pag.pasensyahan mo na kung maaga kang iniwan ni papa ah'.

Nang.galing ang tinig na iyon sa kaluluwang imiikot sa akin, napakapanatag na ng pakiramdam ko.

"Papa ikaw ba yan, alam mo po marami akong gustong ikwento sa inyo, miss na miss na kita papa !".-wika ko habang lumuluha.

Lorenzo pov (lolo ni john)

Mukhang tama ang sinabi ng shinigami na nakuha niya ang pagiging.shamanism ng anak ko.

Bukod sa kaya niyang makakita ng mga elemento at kaluluwa kaya na rin niya itong kausapin.

"Ganoon ba anak, patawarin mo ko kung hindi kita nasamahan sa pag.laki mo, wag ka mag.alala anak lagi ko naman kayong binabantayan eh."

John pov

At bigla nalang nag.laho si papa, parang usok ang istilo ng kanyang pag.laho, hindi ko maintindihan pero bumalik ang lamig na bumabalot sa akin kanina.

'Apo, masasanay ka din. Sigurado akong itong gabi na ang pag.sisimula ng panibagong yugto ng iyong buhay'

   ...end of act 10...

the REBIRTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon