"W-What?!" Nabuga ko ang iniinom kong juice dahil sa sinabi ni Charli."Umamin na sa'yo si Axel?!" Nanlalaki ang mga matang tanong ko sa kaniya.
Nasa cafeteria kami ngayon para mag-lunch. At habang kumakain, ay kinukwento ni Charli sa akin ang naging usapan nila ni Axel noong minsa'y magpunta kami sa bahay nila para isang group project.
"What do you mean by, 'umamin na' ?! May alam ka ba na hindi ko alam?" she asked.
Bahagya akong natawa. "Ikaw lang naman yata ang hindi nakakaalam. Obvious naman na gusto ka niya."
"R-Really?" Pansin ko ang pamumula ng kaniyang pisngi, kung kaya't tinusok-tusok ko ang kaniyang tagiliran.
"Ano? May gusto ka na rin ba sa kaniya?" panunukso ko.
"Hindi ko pa alam," nahihiyang sagot niya.
Mahina akong napatili dahil doon at mas lalo pa siyang tinukso.
"Sadie!"
Agad akong napatayo nang tawagin ni Ate Maine ang pangalan ko, mula sa may counter.
"Mamaya ulit kita tutuksuhin, kukuhanin ko muna order ko." Sabi ko kay Charli sabay kindat, bago tuluyang magtungo sa counter para kuhanin ang order kong spaghetti.
"Thank you po." Nakangiting pagpapasalamat ko habang maingat na hawak ang order kong nakapatong sa tray.
Habang naglalakad pabalik sa table namin ni Charli, bigla na lamang akong nadulas na naging dahilan upang mapa-upo ako at matapon sa akin ang pagkaing dala ko.
"Bes!" Mabilis na lumapit sa akin si Charli, ngunit bago pa 'man siya tuluyang makalapit sa akin, ay may kung sinong nag-abot sa akin ng kamay at tinulungan akong makatayo.
"A-Azrael?" gulat na tanong ko.
"Oh it's you, Sadie, right?" Sa pagngiti niya ay ang paglitaw din ng kaniyang mga dimple.
Parang gusto kong matunaw at humimlay dahil sa kaniyang mga ngiti, at dahil sa kaniyang boses!
"H-Hi,"
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, at 'tsaka niya hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Are you okay?"
Ngumiti ako at tumango. "Hmm, okay lang ako."
Magsasalita pa sana siya nang tawagin siya ng kaniyang mga kaibigan mula sa labas ng cafeteria. Akala ko ay iiwanan niya lang ako sa gitna ng cafeteria, ngunit nanlaki ang mata ko nang hubarin niya ang blazer ng uniform niya at isinuot sa akin, at 'tsaka siya ngumiti sa akin bago tuluyang sumunod sa mga kaibigan niya.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil sa kilig, hindi iniisip na may spaghetti ang uniform ko at maraming nakatingin sa akin.
"Hays, ang pogi niya!" Kinikilig na sabi ko habang nakatingin sa salamin sa loob ng cr, at pinupunasan ang uniform ko na may mantsa ng spaghetti.
"Well yeah, totoo naman." Sumandal si Charli sa may sink habang nakatingin sa akin. "Pero bes, masyado silang sikat at mapanganib,"
"Si Azrael ba ang tinutukoy mo? Sikat siya oo, at ang pamilya niya, pero hindi naman siya mapanganib." Pagtatanggol ko kay Azrael.
"Hindi mo ba alam? Dati silang miyembro ng isang gang, noon. Matagal nang binabaon sa limot ang tungkol doon pero paulit-ulit lang din namang umiingay sa social media. At sa pagkakaalam ko rin, ibang-iba talaga sila noong junior high school sila, at ngayong senior high school na sila. Sobrang nakakatakot at intimidating daw sila dati. Tapos ngayon, bigla na lamang silang naging mabait, matulungin at palangiti," she said.
Natigilan ako sa pagpupunas ng aking uniform at tumingin sa kaniya.
"Baka naman may nangyaring hindi maganda sa buhay nila kaya sila nagka-gano'n. Pero huwag na lang natin silang husgahan, Charli. Hindi natin sila masyadong kilala, at hindi lahat ng nasa social media ay totoo. May mga bagay na mas pinipili ng ibang tao na manahimik na lang at magbagong buhay,"
Ngumuso ito at yumakap sa braso ko. "Hindi ko naman sila hinuhusgahan, curious lang ako sa nangyari sa kanila."
Buong maghapon ay wala akong ibang inisip kun'di ang mga impormasyon na sinabi sa akin ni Charli. Hindi ako mahilig gumamit ng social media, dahil masyado itong toxic para sa akin.
Hindi ko lubusang maisip kung totoo ba na naging miyembro ng gang si Azrael?
Gosh! Nacu-curious na rin tuloy ako!
"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo,"
"Ay Azrael!—omygosh, Lai! Bakit ba ang hilig mong manggulat ng tao??" Nakahawak sa dibdib na tanong ko sa multong lagi na lamang bigla-biglang sumusulpot.
"You're not even a 'tao'," Nikolai said.
Nginitian ko siya sabay lapit ng mukha ko, sa kaniyang mukha. "Ikaw din."
Oops, foul! Haha!
I heard him 'tss' because of what I said, and that made me laughed.
Dala-dala ang aking libro ay muli akong napasulyap sa kaniya na tahimik lamang na sinasabayan ako sa paglalakad. Nakapamulsa ito habang diretso ang tingin sa aming dinadaanan.
Wala sa sariling napalunok ako habang pinagmamasdan ang side view niya. Hanggang kili-kili niya nga lang yata ako dahil sa katangkaran niya! Hindi siya payat, at hindi rin siya mataba. Sakto lamang ang kaniyang hugis at timbang, pero ang mas naagaw ng aking pansin ay ang matipuno niyang dibdib na lumilitaw dahil string-shirt ang kaniyang kasuotan.
Lumingon ito sa akin habang nakataas ang isang kilay.
Bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa kulay berde niyang mga mata.
"The hell are you looking at?" masungit na tanong niya na para bang may kinaiinisan siya.
Pero hindi ko iyon pinansin at ngumiti sa kaniya.
"Fuck!" He silently cursed. "I wanna know who's Azrae—"
"I really like your eyes, Nikolai Lewis." I cut him off.
Nawala ang masungit na ekspresiyon niya, kasabay nito ang kaniyang pag-iwas ng tingin sa akin.
Taka akong sumilip sa kaniya pero sinakop niya ang buong mukha ko gamit ang isa niyang kamay, na para bang ayaw niyang makita ko siya.
"May tinatanong ka kanina, ano ba 'yon?" Mukha kasing may balak siyang itanong sa akin kanina ngunit nagsalita ako kaya hindi na siya nakapagtanong.
"You're driving me crazy, Sadie Acosta." Ang huling sinabi niya bago siya tuluyang maglaho.
Driving him what?
Muli akong ngumuso at pinagpatuloy ang paglalakad papunta sa library.
Isang oras na akong nag-aaral at nagbabasa ng mga libro pero wala akong maintindihan kahit isa! Binigyan kami ng time ng teacher namin na mag-aral para sa paparating na exam, pero nasayang ang isang oras na iyon dahil wala akong maintindihan!
Isinubsob ko ang mukha ko sa braso kong nakapatong sa lamesa.
Balak kong labhan ang blazer ni Azrael, tapos ibibigay ko iyon sa kaniya bukas. So ibig sabihin, magkikita ulit kami!
Kinikilig na napangiti ako.
Hindi naman siguro totoo 'yung sinabi sa akin ni Charli.
Mabait kaya si Azrael!
BINABASA MO ANG
I Met A Ghost Named, Lai
RomancePaano kaya kung ang isang buhay na tao at isang kaluluwa ay maging magkaibigan, o higit pa roon? At ano ang gagawin ng isa't isa kung magpatong-patong ang kanilang mga problema at sikreto? Magkakaroon kaya sila ng tinatawag na 'happy ending' ? Credi...