Kung titingnan, parang isa ako sa mga masuwerteng babae sa mundo.Mayaman ang mga magulang ko, may maalaga ay protective akong kuya.
Pero, pagdating sa pag-ibig, laging talo, laging sawi. Sa totoo lang, hindi pa ako nagkakaroon ng boyfriend, kasi nga 'yung mga gusto ko, may gustong iba. At iyon ang dahilan kung bakit ako agad sumusuko at umuuwing luhaan.
Ilang rejections na yata ang natanggap ko.
Hindi naman ako pangit, pero alam kong wala namang kinalaman sa hitsura kung bakit ako laging nasasaktan. Talagang, ang mga taong nagugustuhan ko, ay malayo kong maabot.
I might've been hurt so many times now, but it doesn't mean that i'll just give up. I still want to feel what it feels like to be in a relationship.
"Hey,"
Nabalik ang aking atensiyon sa kasalukuyan, nang marinig ko ang boses ni Nikolai.
Tumingin ako sa kaniya. "Bakit?"
Ibinuka niya ang kaniyang bibig, ngunit agad niya rin itong itinikom. Na para bang may gusto siyang sabihin pero pinili na lamang niya na huwag sabihin sa akin.
"May sasabihin ka ba?" tanong ko.
Umiwas siya ng tingin, sabay kamot sa kaniyang batok. "W-Wala!"
Ngumuso ako at nagkibit-balikat na lamang. Nasa may park kami ngayon para mamasyal. Madami kaming nakikita na mga batang naghahabulan, at mga magka-relasyon.
Lumiwanag ang aking mga mata nang makakita ng isang ice cream shop.
"Wow! Ice cream!"
Narinig ko ang pagsinghal ni Nikolai sa inasal ko pero hindi ko siya pinansin.
Mabilis ang mga hakbang na nagtungo ako sa puwesto ng bilihan ng ice cream.
"Anong flavor hija?" tanong ng magtitinda sa akin.
"Strawberry po," pagsagot ko naman.
Nang makabili ay muli kaming naglakad-lakad ni Nikolai.
"Hindi ka pa ba nakakapunta rito?" tanong ko sa kaniya.
"Sa tingin ko ay hindi pa," maikling sagot niya.
Nasabi niya rin sa akin na unti-unti nang bumabalik ang kaniyang mga alaala. Subalit hindi pa ito ganoon malinaw.
Ang tanging natatandaan niya lang daw ay kung sino siya, kung sino ang pamilya niya, at kung saan siya nakatira. Pero hindi niya pa rin daw alam kung ano ang mga pangyayari sa buhay niya, at ang eksaktong nangyari sa kaniya.
Sabi ko naman sa kaniya, huwag niya na muna alalahanin iyon. 'Tsaka, alam na naman namin kung anong nangyari sa kaniya ah?
Pero... bakit hanggang ngayon ay hindi pa siya bumabalik sa katawan niya?
Hindi siguro iyon gano'n kadali.
Matapos kong kumain ng ice cream ay dinala ko si Nikolai sa likod ng school na pinasukan lo noong elementary. May malaking puno roon at medyo madamo, pero hindi naman gano'n kataas ang mga damo. Wala ring mga tao roon.
Tahimik, at payapa.
At mas makakapag-usap pa kami ni Nikolai, nang maayos.
"Dito ako madalas tumambay noong bata pa ako." Sabi ko at naupo sa ilalim ng puno.
Umupo rin si Nikolai sa tabi ko.
"Lagi kang nag-c-cutting class?"
Nanlaki ang mata ko at mabilis na umiling. "Hindi! Tumatambay lang ako rito 'pag nag-aaway sina sina papa at kuya."
BINABASA MO ANG
I Met A Ghost Named, Lai
RomantikPaano kaya kung ang isang buhay na tao at isang kaluluwa ay maging magkaibigan, o higit pa roon? At ano ang gagawin ng isa't isa kung magpatong-patong ang kanilang mga problema at sikreto? Magkakaroon kaya sila ng tinatawag na 'happy ending' ? Credi...