Tatlong araw ko nang nararamdaman na para bang may sumusunod sa akin, kahit saan ako magpunta o kahit na ano mang ginagawa ko.Simula nooong gabi na iyon, natatakot na akong tumingin sa paligid ko. Dahil feeling ko kahit na ano mang oras ay may hihila sa akin papunta sa isang madilim na lugar.
"Aray!" Daing ko nang hindi ko namalayan na nabunggo na pala ako sa isang poste ng kuryente habang naglalakad ako papunta sa isang convenience store.
"What a stupid girl," dinig kong bulong ng taong laging sumusunod sa akin. No! He's not a human! He's a freaking ghost!
Sa unang pagkakataon ay lumingon ako sa direksyon niya at sinamaan siya ng tingin. Ilang beses ko na siyang gustong samaan ng tingin dahil wala siyang ibang ginawa kun'di ang sabihan ako ng mga kung ano-anong salita!
"You're finally paying attention to me huh," aniya.
"Tigilan mo na ako." Sabi ko sa kaniya at muling nagpatuloy sa paglalakad.
"It's not that I want to talk to you, it's just that, I don't have a choice because you're the only one who can see me," he explained.
Nagpalinga-linga muna ako sa paligid upang masiguro na walang tao dahil baka isipin nila na nababaliw na ako dahil nakikipag-usap ako sa hangin. Hindi ko rin kasi maintindihan kung bakit ako lamang ang nakakakita sa multong ito!
"Hindi naman kita kilala kaya bakit ako lang ang nakakakita sa'yo? Maiintindihan ko pa sana na nagpapakita ka sa 'kin kung magkakilala tayo, pero hindi naman kita kilala," sabi ko sa kaniya habang nakanguso.
He looked at me with disgust written all over his face. "I don't fucking know, okay?"
Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya at pinaningkitan siya ng mata.
"Mag-uusap tayo mamaya, may bibilhin lang ako." Sabi ko sa kaniya at mabilis na lumayo para pumasok sa convenience store.
Nang mabili ko na ang gusto kong bilhin ay naglakad na akong muli, pauwi sa bahay. Madilim ang daan at tanging ang buwan lang ang nagbibigay liwanag, kung kaya't hindi ko maiwasang matakot.
"Hey clumsy girl,"
Napatigil ako sa paglalakad at sinamaan siya ng tingin, pero agad din akong tumiklop nang makita ang kaliwang kilay niya na nakataas habang nakatingin sa akin.
Bakit parang hinuhusgahan niya ang buong pagkatao ko?!
Tumikhim ako. "Natatandaan mo ba kung sino ang pamilya mo o—"
"No. Ang natatandaan ko lang ay ang pangalan ko," mabilis na sagot niya.
"So ibig sabihin, kahit isang memorya mula sa pagkatao mo wala kang natatandaan?"
"I told you, pangalan ko lang ang naaalala ko,"
Humarap ako sa kaniya at sinubukan hawakan ang braso niya ngunit tumagos lang iyon sa kaniya. Tumingala ako upang magtagpo an gaming mga mata. Gosh ang tangkad naman niya!
"So bakit ka sa akin nagpapakita? Multo ka na, so ibig sabihin ay patay ka na?" tanong ko.
"I don't know, stupid. The time when I opened my eyes, all I know is that i'm already inside your boring and disgusting room."
Lumobo ang pisngi ko dahil sa pang-iinsulto niya.
"Fine! Tutulungan na kita," sabi ko sa kaniya at nauna na sa paglalakad.
Pero agad din akong tumigil at lumingon sa kaniya na mukhang nagtataka sa ginawa ko.
"Teka,paano kita matutulungan?"
Muli, ay bumuntong hininga ako habang tinutusok-tusok ang karne na nasa plato ko. Kasabay nito ang pagpitik ni kuya sa aking noo.
"Kuya!"
"Nasa ulap yata ang utak mo? Ano bang iniisip mo?"
Bumusangot ako. Sinubukan kong sabihin sa kaniya noong gabi na iyon na may nakita akong multo pero pinagtawanan niya lang ako at hinampas-hampas, kaya walang mangyayari kung sasabihin ko sa kaniya ang totoo.
"Wala. Hindi kasi ako pinansin ni Azrael," pagdadahilan ko.
Nasamid ito kaya't mabilis ko naman siyang binigyan ng tubig.
"What?! Si Azrael?! What the fuck, Sadie! Hanggang ngayon ba ay may gusto ka pa rin sa lalaking iyon?!"
Pinamulahanan ako ng mukha. "M-Mabait kasi siya,"
Si Azrael ay isa sa pinagkakaguluhan sa school namin. Mas matanda siya sa akin ng isang taon pero, hindi iyon naging hadlang para maging crush ko siya. Mabait, gentleman, guwapo at higit sa lahat, matalino! Kaya nga lang, hindi lang ako ang nagkakagusto sa kaniya.
Nagkausap na kami isang beses dahil natamaan ako ng bola sa noo ko noong minsa'y naglalaro sila ng basketball. Sobrang sakit no'n, pero masaya ako dahil sinamahan niya ako a clinic hanggang sa maging okay ang pakiramdam ko.
"Mukha kang tanga,"
Muling bumalik ang isip ko sa kasalukuyan nang marinig ang boses ng masungit na multo. Katatapos ko lang maligo, habang siya ay nakaupo sa upuan at naka-dequatro habang pinagmamasdan akong tinutuyo ang sarili kong buhok.
Napanguso ako at muling tinuyo ang aking buhok. Pero paminsan-minsan ay hindi ko maiwasan ang sarili ko na hindi sumulyap sa kaniya.
Kulay abo ang kaniyang curtain fringe na buhok, at talagang lumilitaw ang pagka-kulay forest green ng kaniyang mga mata. Ngayon lang ako nakakita ng taong may kulay berdeng mga mata! At masasabi kong bagay na bagay iyon sa kaniya! Nakasuot din siya ng white string-shirt at brown wide pants. Mukha siyang hardinero sa isang hacienda, pero 'yung tipo ng hardinero na mai-inlove ka.
Teka, ano ba itong mga pinagsasabi ko?!
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ko nang maramdaman ko ang pag-iinit nito.
"What are you doing?" dinig kong tanong niya.
"W-Wala!" nauutal na sagot ko naman.
"Pervert,"
Nanlaki ang mata ko at mabilis na napatayo habang nakatingin ako sa kaniya. "Hindi ah!"
"Really?" He reaised his eyebrow at me. "Are you thinking of me?"
Kinuha ko ang suot kong tsinelas at ibinato iyon sa kaniya na mabilis naman niyang iniwasan.
"Assuming ka!" I scoffed.
Sinamaaan niya ako ng tingin. 'Yung tipo ng tingin na mukhang hindi ako makakatakas ng buhay. Napalunok ako dahil doon at umupong muli sa aking kama.
Sumulyap ako sa kaniya. "Hanggang ngayon ay hindi ko pa alam ang pangalan mo."
"So what?"
Wala sa sariling napangiti ako. "Edi malamang gusto kong malaman ang pangalan mo. Siyempre, paano kita matutulungan kung hindi ko 'man lang alam ang pangalan mo."
He rolled his eyes at me.
"Nikolai Lewis," tipid na sagot niya.
Mas lalong lumawak ang ngiti ko at 'tsaka ako humiga na sa aking kama para matulog, but he suddenly spoke. "What about you?"
Napabalikwas ako mula sa aking kama at ngumisi sa kaniya.
"Curious ka ba sa pangalan ko?"
"W-What?!" his eyebrows twitched. Asar itong tumayo at aalis na sana siya sa aking kuwarto mula sa binatana, pero natigil iyon nang malakas akong tumawa.
"Nagbi-biro lang ako." Tatawa-tawang sabi ko na mas lalong nagpasalubong ng kaniyang kilay. "I'm Sadie Acosta, nice to meet you Nikolai." Ngumiti ako pero mabilis na naglaho iyon at napalitan ng pag-nguso nang umalis pa rin ito sa kuwarto ko at dumaan sa may binatana.
BINABASA MO ANG
I Met A Ghost Named, Lai
RomancePaano kaya kung ang isang buhay na tao at isang kaluluwa ay maging magkaibigan, o higit pa roon? At ano ang gagawin ng isa't isa kung magpatong-patong ang kanilang mga problema at sikreto? Magkakaroon kaya sila ng tinatawag na 'happy ending' ? Credi...