Chapter 6 : The Accident Happened In Mendiola's Street

148 14 0
                                    


Ilang araw ang lumipas, ay muli nang bumalik sina mama at papa sa ibang bansa para mag-trabaho. Kaya naman, nandito na ulit si kuya!

"Good morning, kuya!" Masayang bati ko at niyakap siya.

"Geez! May kailangan ka ba, Sadie?" tanong niya.

Ngumuso ako at humiwalay sa kaniya. "Hindi ba puwedeng na-miss lang kita?"

Tumawa siya at ginulo ang buhok ko.

"Na-miss ka rin ni kuya," he said with a smile on his face.

Masaya ang mukha habang naglalakad ako papunta sa school. Magkakasunod ang magagandang nangyayari sa buhay ko, nitong mga nakaraang araw. At, simula noong tinuruan ako ni Azrael sa pagre-review ay mas naging close kami! Mataas din ang nakuha kong score noong kumuha ako ng pangalawang test.

"You seemed happy," komento ni Nikolai. Nakasanayan na yata naming dalawa na sabay kaming naglalakad kahit saan man ako magpunta. Masaya naman ako dahil nandito siya sa tabi ko, bilang kaibigan. Ewan ko, magaan ang loob ko sa kaniya kahit masungit siya!

Mas lalong lumawak ang ngiti. "Halata ba?"

"Yeah." He said, frowning a little.

"Lagi na lang gusot ang mukha mo. Laging magkasalubong ang kilay mo, o 'di kaya'y lagi mo akong tinatarayan. Subukan mo kayang ngumiti?"

"Wala naman akong rason para maging masaya," he answered.

Nakangiting siniko ko siya, pero mahina lang. "Tutulungan kita sa paghahanap ng impormasyon tungkol sa pagkatao at sa nangyari sa'yo, hanggang sa tuluyan nang bumalik ang alaala mo."

"You don't have to go that far for me," mahinang aniya pero sapat na para marinig ko.

"Why not? We're friends after all!"

He paused. And then, he looked at me. "Are we?"

Ngumuso ako. "Oo! Bakit, ayaw mo ba?"

I saw how his lips formed into a thin and cute little smile!

Yumuko ito at pinisil ang pisngi.

"Aww!" daing ko.

"I don't do friends, Sadie." Aniya habang pinipisil ang pisngi ko. Doon ko nakita ng malapitan ang kaniyang mukha. Gosh! Napaka-clear skin! Ay—he's a ghost nga pala! But still, malakas talaga ang karisma niya!

Pero ang mas naakit ng pansin ko ay ang nakaangat na sulok ng kaniyang labi na para bang pinipigilan ang pag-ngiti!

Ngumiti ako. "Ayaw mo bang maging friends tayo?"

Mas lalo niyang diniinan ang pagkaka-pisil sa pisngi ko. "Gusto."

Tinusok-tusok ko ang tagiliran niya. "Ikaw ha, gusto mo rin naman pala!"

He chuckled, for the first time.

"Omygosh! You laughed!" Masayang sabi ko habang nakaturo sa kaniya.

"I did?" Bumalik sa pagiging masungit ang kaniyang mukha, sabay bitiw sa pisngi ko.

"Oo kaya!" I pouted. "You should try to smile more, mas lalo kang gumu-guwapo—"Mabilis kong tinakpan ang bibig ko dahil baka ano pa ang aking masabi.

Ngumisi siya. "Ah, lalo akong gumu-guwapo?"

"Bakit ang lakas mong mang-asar ngayon?"

He just shrugged his shoulders which made me pout even more.

"Sadie, sinong kausap mo?"

Napako ako sa kinatatayuan ko at napalingon kay Charli na takang nakatingin sa akin. Ngayon ko lamang din napansin na halos lahat ng mga dumadaan ay nakatingin sa akin!

I Met A Ghost Named, LaiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon