Nitong mga nakaraang araw, wala akong ginawa kun'di ang mag-aral, at mangalap ng impormasyon tungkol kay Nikolai.Kaya ngayon, naisip ko na gumala muna sa kung saan man.
At siyempre, hindi dapat mawala ang kaluluwa na laging bumubuntot sa akin.
Yup! Hindi ko na siya tatawaging multo, dahil hindi naman siya patay.
"What the hell, clumsy girl?! Are you really serious about this stupid shit date?!"
Napangiti na lang ako habang pinapakinggan siyang magmura at sumigaw nang sumigaw. Kahapon pa siya ganiyan, simula noong sinabi ko na magd-date kami ngayon.
Friendly date lang naman ito, kaya wala namang masama ah?
"Hey, I'm just a lost soul—"
"You're Nikolai, not just a lost soul." Pagputol ko sa kung ano man na sasabihin niya.
Mygosh! Kagabi pa rin niya sinasabi na paano daw kami makakapag-date kung isa lang siyang kaluluwa, kaya ayon tinukso ko na gusto rin naman pala niya, and guess what? Naging sobrang pula ng tainga niya!
Napahagikhik ako.
"Nahahawakan mo naman ako 'di ba?" I asked him.
He raised a brow. "Yeah? And so?"
"You can hold my hand if you want to—"
"I'm leaving!"
Natawa ako nang makita na muli itong dadaan sa bintana. Pansin ko na dumadaan ito sa bintana 'pag nahihiya siya o kinikilig. Napaka-sungit, pero marupok naman!
"Are you making fun of me?"
Napalunok ako sa sobrang seryoso ng boses niya, hanggang sa unti-unti itong lumapit sa akin. Mas dumoble ang aking kaba nang ma-corner niya ako.
Ilang minuto kaming nagka-titigan.
Napatingin ako sa mga mata niyang, lubos kong kinahu-humalingan. Sobrang ganda nito, at parang malalim, na 'pag sumisid ka ay hindi ka na makakaahon.
Sinubukan kong hawakan ang kaniyang pisngi ngunit tumagos lang ito. "Gusto kitang mahawakan, Lai." I smiled sadly.
The real reason why I invited him for a date, is that, alam kong nasasaktan at nalulungkot siya sa mga nangyari sa kaniya. Hindi niya iyon pinapakita sa akin, kaya't lagi niya akong sinusungitan.
I want to hug him so bad.
Gusto kong iparamdam sa kaniya na nandito lang ako para tulungan siya.
Ang tanging gusto ko lang, ay muli siyang bumalik sa katawan niya.
Ngunit, hindi pa namin alam kung paano iyon mangyayari.
His face soften.
Yumuko ito, at naramdaman ko ang kaniyang noo sa leeg ko.
Walang ibang nagsasalita sa amin, at ang tanging naririnig lang namin ay ang bilis at ang lakas ng pagtibok ng aming puso.
"Why are you being like this, Sadie?" Namamaos na tanong niya, tila nahihirapan.
"W-What do you mean?" kinakabahan kong tanong.
Gosh! I can feel his warm breath on my collarbone!!
"You're too nice... for me,"
I am too nice for him? What does that mean?
Before I could even speak, he immediately raised his head, as he looked at me, intently.
"You're ugly." He said, smirking.
Ngumuso ako, pero wrong move pala dahil muntik nang maglapit ang mga labi namin!
BINABASA MO ANG
I Met A Ghost Named, Lai
RomansPaano kaya kung ang isang buhay na tao at isang kaluluwa ay maging magkaibigan, o higit pa roon? At ano ang gagawin ng isa't isa kung magpatong-patong ang kanilang mga problema at sikreto? Magkakaroon kaya sila ng tinatawag na 'happy ending' ? Credi...