Kinabukasan, nagising na lamang ako dahil sa mainit na hangin na aking naramdaman sa aking tainga.Mabilis ang tibok ng puso na bumangon ako, sabay takip sa tainga na hinipan ni Nikolai.
"A-Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kaniya.
"Ginigising ka," simpleng aniya. "Kung hindi mo alam, ay late ka na."
Dahil sa sinabi niya ay mabilis akong bumangon at naligo. Ito na yata ang pinakamabilis na pagligo na nagawa ko sa buong buhay ko!
"Bakit kasi 'di mo ako ginising?" Muling tanong ko habang nagsusuklay.
Lumapit ito sa akin at pinitik ang noo ko. "I did kaya!"
Ngumuso ako habang hinihimas ang noo ko na pinitik niya. "Panggigising ba 'yung nang-hihipan ng tainga?"
"Yeah." He smirked.
I just rolled my eyes at him as I touched my ear that he blew. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang mainit niyang hininga rito!
"Aalis na po ako 'ma, 'pa." Tipid na sabi ko kina mama at papa na nagka-kape sa kusina.
Hindi na ako nag-expect na babatiin nila ako pabalik, kaya naman lumabas na ako ng bahay para maglakad papunta sa school.
May kotse naman kami, pero mas gusto ko ang maglakad, para na rin lumakas ang nga buto ko. At isa pa, malapit lang ang school namin sa bahay namin.
Nang mapansin na panay ang sulyap sa akin ni Nikolai, ay agad ko siyang tinanong. "Bakit ba tingin ka nang tingin?"
"I'm just wondering if you're already....okay," pahina nang pahina na aniya.
I chuckled. "Worried ka ba, Lai?"
His eyebrows furrowed. "What? You're crazy!" He exclaimed.
"Defensive masyado," panunukso ko. "Why don't you just admit that you're worried abot me—"
"So what if I really am?" Panghahamon niya.
Hindi ko iyon inaasahan, kung kaya't naudlot ang panunukso ko at bigla na lamang akong natahimik.
"H-Hmph!" Mabilis ko siyang inunahan sa paglalakad, na siyang ikinangisi niya.
Hindi ko maipaliwanag ang pagkahiya na nararamdaman ko ngayon!
Muli kong nilingon si Nikolai nang marinig ang paulit-ulit nitong pagsipol. Sinamaan ko siya ng tingin dahil ang ingay niya, at nakakainis siya!
Kumurba ang ngisi sa labi niya at sabay niyang itinaas ang dalawa niyang kamay, bago lumapit sa akin. "Mabilis ka naman palang tumiklop, clumsy girl."
Nag-init ang aking pisngi sa narinig at 'tsaka ako naglakad ng mabilis, papalayo sa kaniya.
Inaasar niya ako!
Gayunpaman, bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?
Sakit lang 'to sa puso. Tama, tama.
"Ano 'yan?" Turo ni Axel sa dala-dala kong paper bag, nang magkita-kita kami sa classroom.
Ngumiti ako at proud na nagsalita. "Blazer ni Azrael," mahinang sabi ko.
"Huh?! May nangyari ba sa inyo?! Bakit nasa iyo ang—"
Mabilis na tinakpan ko ang madaldal na bibig ni Axel. "Ano bang iniisip mo? He just gave me his blazer yesterday, dahil natapunan ng spaghetti ang uniform ko. At nagkataon lang na nandoon siya," paliwanag ko.
Napasipol siya. "Wews, gentleman pala ang gago?"
"Sinong gentleman?" Biglang pagsulpot ni Charli sa tabi ko. Mukhang kagagaling lang nito sa club niya.

BINABASA MO ANG
I Met A Ghost Named, Lai
RomancePaano kaya kung ang isang buhay na tao at isang kaluluwa ay maging magkaibigan, o higit pa roon? At ano ang gagawin ng isa't isa kung magpatong-patong ang kanilang mga problema at sikreto? Magkakaroon kaya sila ng tinatawag na 'happy ending' ? Credi...