Chapter 10

16 2 0
                                    

Halos di na nito namalayan ang pagdating nya.

Nagulat siya ng makitang nakasuot ito ng tshirt .  Kalalabas lang nito ng Cr.
Naaninag nya ang bulto nito, nakasuot ito ng itim na tshirt.Medyo natigilan pa ito ng makitang tila nagising sya..

" Anong oras na?" Tanong ni angela..

" Mag hahatinggabi. Matulog ka na ." Sagot ni justine. Sabay patay ng ilaw sa banyo.

Madilim sa buong kwarto ,kaya di na sya maaaninag ni angela , naramdaman nalang nya ang pagsampa nito at paghiga sa kama.

"Masama ba ang pakiramdam mo?" Nagtatakang tanong ng dalaga.

" Oo,wag ka na maingay"

" Uminom ka ng gamot?" Kilos ng dalaga ,humarap ito sa kanya ngunit di nya ito maaninag..

"Oh come on. Inaantok na ko.."pikit ni Justine.
Nagulat sya ng biglang dumapo ang kamay nito sa dibdib nya at kinapa kapa ang leeg at mukha nya.

" Parang okay ka naman ,  normally malamig ka.. pero parang hindi ka ganun kalamig ngayon.." kinumpara ni angela ang temparatura nya sa katabi..

" Matulog ka na "ulit ni Justine dito.

" Basta kung di okay yung pakiramdam mo sabihan mo ako" .. wika ng babae .

Hindi na sumagot si Justine . Mukhang antok na nga talaga ito.
Inabot ni Angela ang buhok ng lalaki at sinuklay suklay nito gamit ang daliri.

Naramdaman ni Justine iyon ,ngunit hnd na sya kumilos at nagsalita .. at tuluyan ng nakatulog.

Mga bandang 3am nagising si Angela, para mag banyo. Papatayin na sana nya ang ilaw sa banyo ng mapansin nya ang tila kulay pula na bagay sa kumot nilang puti.. dalidaling tiningnan ni angelA ang pajama na suot. Wala naman syang period ngayon..

Lumapit sya sa kama at hinila ang kumot pababa saka nya napansin na tila galing kay Justine iyon, hindi nya tuloy alam kung sisigaw ba sya !

"Justine!"gising nya sa katabi..
" Theres a lot of blood.. " hindi alam ni angela kung ano ang gagawin..
"Are you hurt?"

Agad na nagising si Justine at kinapa ang tagiliran..
" Aw shit.."

" I'm gonna call a doctor-" natatarantang wika ni angela saka kinuha ang cellphone.

Ngunit mabilis na hinablot ni Justine ang cellphone nito..
"No !  Don't call anyone."

"But you're bleeding!"  

" Just get that damn medkit"  kalmadong turan nito.

Agad naman sinunod iyon ni angela.
Ini on niya ang ilaw para makita ni Justine ang ginagawa ..

" Oh my goodness, Anong nangyare jan??"  Bulalas ni angela ng makita ang sugat nito na halos isang pulgada..

Nakataas ang Tshirt ng lalake para mapalitan nito ang bandage na puno na ng dugo..

Tinanggal na ni angela ang kumot .. saka tinulungan si Justine upang linisan ang sugat nito..

Nahihirapang mag stretch ng kamay ang binata dahil sa sugat nito sa tagiliran kaya naman ,  

" Let me pull it up for you"  saka hinila ni Angela pataas ang tshirt ng asawa .

Tinulungan nya itong magwrap ng bondage . At kumuha ito ng painkiller at pinainom sa kanya  para di kumirot masyado ang sugat nito.

"Don't tell me nakipag basag ulo ka sa sa'ab 8 kanina" hula ni Angela..

" I did."
Taliwas sa inaasahan ng babae na  itatanggi ni Justine , agad  nito iyong sinagot.

When badboy meets angelWhere stories live. Discover now