Wp|Wn 26|GN 33
Sinabi ng babae na Hazen Cay ang pangalan nito. Kaano ano naman kaya nito si Anilius? Tatawagan nya ba si Anilius para ipaalam ito?
Dalawa lang ang option nya.
Kung bubuhayin nya ito magiging sagabal ito sa seguridad nila.
Kung papatayin naman nya ito ,wala itong kinalaman nadamay lamang ito.As long as hindi nito makikita ang mukha nya,at hindi ito magsasalita.
Biglang tumunog ang cellphone na galing sa revenant, akala nya ay si Heron.
"Problema?" Tanong agad ni Jaguar.
" Jaguar, si Anilius to . . Pinatay mo ba si Hazen?" Agad nitong tanong.
" Sino ba yun?" Kunware ay tanong niya.
" Jaguar , N-nasaan siya? Kasama ba sya sa pagsabog?"
Narinig ng Jaguar ang tila pag garalgal ng boses ng babae sa kabilang linya.
Mahabang katahimikan bago sinagot ni Jaguar ang mga tanong niya.
" Actually.. pinagiisipan ko pa, pagsasamantalahan sana sya ni Chi ,sakto lang ang dating ko at nakita nya kung anong ginawa ko."" Buhay sya??" Sumigla ang boses ni Anilius.
" Kasama ko sya , pinagiisipan ko kung patatahimikin ko sya.Pwede syang magsalita dahil may alam sya." Sagot ni Jaguar.
" Matagal ko na syang binabantayan, please wag mo syang gagalawin , ipaubaya mo na sya sa kin.Ako na bahala sa kanya.." wika ni Anilius.
" Pano kung magsalita sya?" Tanong ni Jaguar.
" Siya, kapalit ng buhay ko Jaguar. I' ll take responsibility." Paglilinaw nito.
" Ayoko sumabit dito, Anilius. Kung ako ang tatanungin wala akong bubuhayin.
At pag nalaman ng Revenant , sigurado akong ganun din ang sasabihin nya."
Pagtatapat ni Jaguar." Sya na lang ang natitira sa kin Jaguar.
Hindi ko hahayaan na sumabit ka , kung tayong tatlo lang ang makakaalam.
At kung darating ang punto na magsasalita sya ,ako mismo ang magpapatahimik sa kanya. " Nagbitaw ng salita si Anilius.Huminga ng malalim si Jaguar.
" Aasahan ko yan. At hindi ako magdadalawang isip na patayin sya kung hindi mo magagawa."Hindi sigarado si Hazen kung sino at ano ang pinaguusapan ng lalakeng nagmamaneho at ng kausap nito .
Pero mukhang may balak itong patayin sya dahil sa mga nakita at alam nya.Kanina pa sya nagkamalay pero ayaw nyang kumilos . Nakahiga sya sa backseat, patalikod sa nagmamaheho kaya di nya makita ang itsura nito.
Pagbaba ng lalake sa cellphone . Ilang sandali lang ay tumigil ang sasakyan.
" Ikaw, kung ayaw mong matulog
habang buhay.
Gumising ka na jan .. subukan mong tumakas . At siguradong hahanapin ka ng mga tauhan ng Boss Chi na yun .More or less kung di kita papatayin, sila ang makakapatay sayo."
Pagbibigay alam ni Jaguar sa babae, alam nyang gising ito .Lumabas si Jaguar sa sasakyan at dumaan sa convenience store , bumili ito ng pagkain . Kelangan nya din ng damit pamalit para sa babae dahil may talsik ng dugo ang damit nito..
Pag alis ni Jaguar ay agad nagbukas ng mata si Hazen , kung tatakas sya saan sya pupunta at magtatago? Tama ito hahanapin lang sya at papatayin ng kampo ni Chi. Kung lalapit sya sa pulis anong sasabihin nya ,ni hindi nya alam kung anong itsura ng lalaking nakabonet na pumatay kay Chi,kahit nakaharap sya.
Kung talagang gusto syang patayin bakit pa sya pinatakas nito?
Kung prinoprotektahan naman sya nito ,ano namang dahilan?Pagbalik ni Jaguar ay naroon pa rin si Hazen , at ganun pa rin ang posisyon nito . Suot ang bonet , lumipat sya sa back seat . At cheneck ang paghinga ng babae.. tinapik nya ang pisngi nito.
YOU ARE READING
When badboy meets angel
Romance🆃🅷🅴🆁🅴 🅸🆂 🆁🅴🅰🅻🅻🆈 🅰 🅲🅷🅰🅽🅲🅴 🅸🅽 🆃🅷🅸🆂 🅻🅸🅵🅴🆃🅸🅼🅴 🆃🅾 🅼🅴🅴🆃 🅰 🅱🅰🅳 🅱🅾🆈. 🆆🅴 🅳🅾🅽'🆃 🆆🅰🅽🆃 🆃🅷🅴🅼, 🅱🆄🆃 🆆🅷🅰🆃 🅸🅵 🆈🅾🆄🆁 🆂🆃🆄🅿🅸🅳 🅷🅴🅰🆁🆃 🆆🅰🅽🆃🆂 🅷🅸🅼? 🆆🅷🆈 🅳🅾...