31

3 0 0
                                    

Wp|Wn 31|GN 38

" Kuyaaa...!" Angal ni Angela ng makita ang canned beer..

Agad na naglingunan ang mga lalake sa kanya..

" Bunsoooo! " Sigaw ni Andre ,saka tumayo para yakapin ang kapatid..
" Welcome home.." buhat nya sa kapatid.

" Ano ba ibaba mo ko kuya!" Hampas nito sa balikat ni Andre

Tiningnan ni Justine ang dalawa..

Biglang nagsalita si Anjo.
" Pag pasensyahan mo na silang dalawa, ganyan talaga sila , kung di sila nagaaway ,nag gaganyanan sila.."

" Bumigat ka ha..sobrang bigat mo na" titig sa kanya ng lalake.
" Tumaba ka ba??"
Pagkababa nya dito ay tiningnan nya ang kapatid.
" Di ba may photo shoot ka pa ?
Lagot ka hahahaha.." tawa pa nito.

" Kuya,Katatapos ko lang kumain .."
Depensa ni Angela..

" Ah ,anong kinakain mo ? "
Binigyan nito ng malisyosong tingin ang tiyan ng kapatid saka tumingin sa kanila Anjo ,sabay na nagtawanan  ang mga lalake.

" Pork steak ang ulam namin" hampas nya kay Andre.

Hinawakan ni Andre ang tiyan ng babae..
" Baka kung ano na to ha??"

Kinurot nya ang kuya sa tagiliran..
" Ahhrayyuy!  Ah ah... Bakit ka naman ..ang sakit sakit" reklamo ng lalake.

" Mag iinom kayo? , " Tanong ni Angela.

" Kunti lang bunso , pampaantok lang "  Sagot ni Anjo.

" Ah okay, kung iinom si justine ..iinom din ako." Ngiti ni Angela.

" Ikaw.. " wika ni Andre..pero lihim na senesenyasan nya si Anjo na wag itong payagan..

Tig dalawang beer lang ang nasa mesa pero meron pang iba...

" Bunso, masama sa buntis ang umiimom."litanya ng kuya Anjo nya.

" Sino nagsabing buntis ako? Hindi ako buntis.." kontra ni Angela..

" Ah hindi ba... " Sabay lingon ni Anjo kay Justine.

" Hindi ako iinom,makikipag kwentohan lang ako." Sagot lang ni Justine.

Hindi na nakipagtalo si Angela , at nagpunta na sa itaas para dumiretso sa kwarto.

Pagtaas ng bunsong kapatid ay agad na nagbukas ng kanya kanyang beer ang mga lalake. Nag cheers silang tatlo ,tapos nagcheers ulit si Anjo at andre..

" Pa, happy death anniv!" Wika ni andre bago lumagok .

Tiningnan lang sila ni Justine bago lumagok.

" So death anniv ng papa nyo?" Tanong ni Justine.

" Yeah ,  we still wishing he is still alive somehow.."  sagot ni Anjo, ang panganay.

" Angela was too young noong mawala si papa , and he is one of your dads private body guard, sabi ni Ni General V. Namatay si Dad sa ambush ,nagka engkwentro.." balik tanaw ni Andre.

" Yeah but we didn't saw his remains. Walang na retrieve na katawan. Pero di rin naman sya umuwe ng buhay.So we all assumed he is dead."  Dugtong ni Anjo.

" I miss Dad.. Si Anjo lang ang tinuruan nyang bumaril at sinasama sa shooting range noon.." kwento ni Andre.

" Kasi mainipin ka , ayaw mo talaga sumama kasi puro ka takas ,kasi tinatago mo yung pag momodel mo noon .."kontra ni Anjo.

" Si Angela noon , 6 years old na, lagi pa naka karga kay Papa..  kaya kahit nung nagdalaga sya ,Baby pa rin ang turing sa kanya ni Mama, Lagi nya hinihintay umuwe si Papa. Ang tagal nyang natanggap na wala na syang papa." Kwento ni Andre.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 22, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When badboy meets angelWhere stories live. Discover now