WP/WN 25|GN 32
Naka simangot na lumabas ng ng Hidez si Hazen.
Hanggang Ala una lang ang shift nya ,over time nanaman sya eh may pasok pa sya bukas.." Nakakainis!" Sipa ni hazen sa bato na muntik pa sya matapilok.
Matutulog sana sya sa isa sa mga lodging rooms ,kaso mas mabuti pang umuwe nalang sya at baka istorbohin lang sya at gisingin dahil lagi syang nirerequest ng boss chi na yun . Mga 20 minutes walk at lampas ala una na din ng gabi kaya sigaradong tulog na ang mga tao sa liblib na lugar na yun.
Kung may tao man sa daan , malamang kapre,pugot o maligno na lang siguro..
Tahimik na binabagtas nya ang madilim at malamig na daan pababa ,nang biglang may humila sa kanya mula sa kung saan at tinakpan ang bibig nya ng tela na hnd nya maipaliwanag na amoy.
Nagpumiglas sya hanggang sa huling lakas nya ngunit mas malakas ang lalake ,ang huling naramdaman nalang nya ay binuhat sya nito bago sya tuluyang nawalan ng malay.Mabilis na pinaharurot ng driver ang sasakyan at ipinarada iyon sa isang malaking bahay na may mataas na gate ngunit walang katao tao..
Mukhang hindi sila lumabas sa bundo kung nasa kabilang dako lang sila ng liblib na lugar na iyon." Tara ,buhatin mo nalang yan at ipasok na natin sa bahay ni boss,siguro dalhin nalang natin sa kwarto yan.."
bumaba ang lalake at ibinukas nito ang gate .Binuhat ni Jaguar si Hazen, at sumunod sa maliit na lalake na syang tagabukas ng pinto..
Malaki ang bahay kaso halos walang kailaw ilaw at madilim .
Binuksan ng lalake ang mga switch ng ilaw na madadaanan nito.
Saka sila tumaas sa kwarto na may malawak ng pinto.
Ini On ng lalaki ang ilaw sa kwarto at itinuro ang kama .." Sige baba mo na jan , tawagan ko na sila.." sabay hubad ng lalake ng bonet nito at tawag sa cellphone..
" Hello pre , andito na yung regalo. Sabihin mo kaya boss may naghihintay sa kanyang regalo sa kwarto hahaha"
Tawa pa ng lalake.
" Sus ako pa ..walang kahirap hirap .."Pagkatapos ng tawag ay nilingon nito ang babae sa kama .
" Ang ganda talaga ng babaeng ito.."
Nakangising wika ng lalake..
Akmang ipapatong nito ang kamay sa dibdib ni Hazen ng biglang hawakan ni Jaguar ang kamay ng lalake upang pigilan ito." Ano bang ginagawa mo?!" Nagtatakang tanong ng lalake sa Jaguar..
Hindi na ito sumagot ,mabilis ibinalibag nya ito at sinuntok sa ngala ngala, na agad ikinawala ng malay nito.
Mabilis nyang hinila ang katawan nito at itinali, saka inilagay sa lugar na hindi ito magiging sagabal sa kanya.
Bumalik sya sa kwarto kung nasaan si Zen. Inayos nya ang pagkakahiga nito sa kama . Ito ang magsisilbing pa-in nya kay chi. Ayaw nya sanang madamay ito sa kagulohan kaya mas maigi siguro na hindi ito magkamalay agad agad. Piniringan ni Jaguar ang mata ng babae saka itinali sa ulohan ng kama ang dalawang kamay nito. Walang dapat na makakita sa kanya o mukha nya,lalo na ang babae dahil sisiguraduhin nya na hindi masasaktan at uuwe ito ng buhay walang galos at buo.
Nilabas nya ang lighter at sinindihan ang mga kandila na nakadisplay sa kwarto ganun din sa sala na nadaanan nya kanina,bago sya tuluyang
Lumabas at hinanap ang main switch ng kuryente at pinatay iyon." Jaguar asan ka? , Bakit malayo ka sa pwesto ni chi. Saka yung sasakyan nila papunta sa lokasyon mo. Naghahabulan ba kayo?" Tanong ni Heron.
" Thats good, makikipaglaro lang muna ko ng taguan.." sagot ni Jaguar.
YOU ARE READING
When badboy meets angel
Romance🆃🅷🅴🆁🅴 🅸🆂 🆁🅴🅰🅻🅻🆈 🅰 🅲🅷🅰🅽🅲🅴 🅸🅽 🆃🅷🅸🆂 🅻🅸🅵🅴🆃🅸🅼🅴 🆃🅾 🅼🅴🅴🆃 🅰 🅱🅰🅳 🅱🅾🆈. 🆆🅴 🅳🅾🅽'🆃 🆆🅰🅽🆃 🆃🅷🅴🅼, 🅱🆄🆃 🆆🅷🅰🆃 🅸🅵 🆈🅾🆄🆁 🆂🆃🆄🅿🅸🅳 🅷🅴🅰🆁🆃 🆆🅰🅽🆃🆂 🅷🅸🅼? 🆆🅷🆈 🅳🅾...