WP/WN 18| GN 22
Inayos ni Blaine ang suot na simpleng dress, nagpunta lang sya sa ukay para bilhin yun. Ayaw na ayaw nyang nagsusuot ng palda o dress pero kelangan nyang magmukhang simpleng mahirap, mabait, malumanay at walang gagawing masama para maging kapanipaniwala ang pag aapply nya bilang katulong sa bahay ni Cruxian Wolfe.
Nagdoorbell sya sa gate, pinagbuksan sya ng lalaking nakauniform ...driver ata ito.
"Ano yun neng?"
"Magaapply po sana akong katulong." maamong ngiti ni Blaine.Mukhang umepekto naman ang pagiging cute nya
"Ah sige halika , sandali at tatawagan ko si Ma'am Angie", paalam ng mejo may edad na lalake.
Maya maya ay bumukas ang front door ng bahay at may nakangiting babae na dumungaw doon.."Halika pasok ka .."
Maamong sumunod si Blaine at , pasimpleng inilibot ang tingin sa paligid. Agad na nakita nya ang bata sa loob ng bahay na nasa living room at nanood ng tv , may hawak itong malaking cookie.
"Mag aapply kang kasambahay? Ilang taon ka na?" tanong ng babae, maamo ang mukha nito at mukhang foreigner , palangiti ito .
hindi mapigilan ni Blaine na ma starstruck sa ganda nito , hindi nya maipaliwanag kung kahawig ba ito ni kendall jenner o ni marian rivera dahil sa malalim nitong dimples kapag ngumingiti.
Pero may hawig nga ito kay Hande Erçel.
.
"Ah ..Opo, Blaine Del Bando po ang pangalan ko" Sagot ni Blaine,ni hindi nya naintindihan yung tinanong nito ,kaya inassume na lamang nya na tinanong nito ang pangalan nya.tumano tango ang babae at ngumiti saka inulit ang tanaong,
"Ilang taon ka na?"
"Ah mag e- eighteen na po ako .." agad na sagot ni Blaine.
" Taga saan ka?" tanong muli ng babae.
"Ah taga laguna po ako, pero lumuwas po ako rito para magtrabaho.."Ngiti ni Blaine..
"Nakatapos ka ba ng Highschool?"
"Opo, magiipon po sana ako para makabalik po ako ng pagaaral , kaya po nagaapply ako rito ,nagbabakasakali po baka po nangangailangan kayo ng kasambahay. Marunong po ako magluto, maglinis maglaba at magalaga ng bata marami po kaming magkakapatid, lahat po ng mga kapatid ko ako ang nagalaga.." Ngiti ni Blaine, syempre pinagisipan nya ng mabuti ang background story nya..
Tumango tango ang babae at tila nabagbag ang damdamin nito sa sinabi nya..
"Alam mo pwede ka mag working student dito , kung kaya mo pumasok sa gabi ... hahayaan kita mag aral" ngiti ng babae..
"Talaga po? Ibig po ba sabihin nito tinatanggap nyo na ako?"may kislap sa mga mata na tanong ni Blaine.
" Oo naman , mukha ka namang okay, at magaan ang loob ko sayo. Ako nga pala si Angela Belmonte." Ngiti ng babae saka itinuro ang bata sa may couch.
" Ayon naman ang panganay ko, Si Crixan. Mejo makulit pero malambing yan."
"Kelan po ako pwedeng mag umpisa?"
"kung gusto mo pwede ka na lumipat dito bukas, bale tatlo kayo dito. Ang gagawin mo lang ay bantayan si Crixan, buntis kasi ako at mejo maselan tong pangalawa kaya kelangan ko ng tututok sa panganay ko."Paliwanag ng babae..
Biglang tumakbo si crixan palapit sa kanila,
yumakap ito sa ina, tapos ay tumingin kay Blaine.
"Tita?" turo nito kay blaine..
YOU ARE READING
When badboy meets angel
Romansa🆃🅷🅴🆁🅴 🅸🆂 🆁🅴🅰🅻🅻🆈 🅰 🅲🅷🅰🅽🅲🅴 🅸🅽 🆃🅷🅸🆂 🅻🅸🅵🅴🆃🅸🅼🅴 🆃🅾 🅼🅴🅴🆃 🅰 🅱🅰🅳 🅱🅾🆈. 🆆🅴 🅳🅾🅽'🆃 🆆🅰🅽🆃 🆃🅷🅴🅼, 🅱🆄🆃 🆆🅷🅰🆃 🅸🅵 🆈🅾🆄🆁 🆂🆃🆄🅿🅸🅳 🅷🅴🅰🆁🆃 🆆🅰🅽🆃🆂 🅷🅸🅼? 🆆🅷🆈 🅳🅾...