Wp|Wn 29|GN 36
Kumakain sila ng crepe sa loob ng sasakyan , kasabay na nila si Justine pauwe. Ngunit nasa ibang bagay ang isip ni Angela.
Nag ce-cellphone si Justine kanina, ibig sabihin , dalawa ang cellphone nito .
Iba yung nasa bahay at iba ang dala nitong phone,pero bakit?Tatanungin nya pa sana si Blaine tungkol sa babae pero agad na sumunod si Justine sa kanila kaya naman nawalan na sya ng pagkakataon upang tanungin ang dalaga.
" Pwede mo na ihatid si Blaine pauwe sa Villa pagkatapos nito.." wika ni Justine sa driver nila.
" Wag po muna ,gusto ko pa syang kasama.." agad na sagot ni Angela.
Tiningnan agad ni Justine si Blaine na tila sinasabi nito na gumawa sya ng paraan.
Tiningnan lang ni Blaine ang binata.
SHe gave him a blank stare but deep inside pinagpapawisan na sya dahil feeling nya maiipit sya sa gitna ng dalawa." Okay, pero uuwe na sya bukas .. hinahanap na sya ni Dad." For the first time ginamit ni Justine ng maayos ang salitang "Dad".
Nasa front seat si Justine katabi ng driver ,nasa back seat naman si Angela at blaine.
Pag dating sa bahay dumiretso si Justine sa taas , hawak pa nya ang paper bag na dala. Para iyon kay Angela pero hindi pa nya nasasabi na para iyon sa kanya.
Sinadya ni Angela na ayusin muna ang mga grocery at wag tumaas.
" Kami na ni Lala ang magaayos nito, magpahinga ka na. Saka di ba nung nakaraan mo pa hinahanap si kuya?"
Wika ni Blaine." Naku hindi pa ko pagod, saka ... May itatanong pala ako, Sino si Hazzini?"
Tanong ni Angela." Si Hazzini po ay kaibigan ni kuya . Kilala ko po sya kasi nag aaral sya sa EU.." paliwanag ni Blaine.
Hindi nya pwedeng sabihin na magkaka trabaho sila." Ah studyante sya.." tatango tango ni wika ni Angela.
" Pano sila nagka kilala?"" Hindi ko rin po alam e.. nagkataon lang na kilala ko sya,tas kilala nya rin pala si kuya." Sagot ni Blaine. Totoo naman iyon ,dahil kilala na niya si Anilius bago pa nya makilala si Justine.
Hindi rin naman alam lahat ng mga taga revenant na magkapatid sila ni Justine." Ehem.." tumikhim si Justine mula sa likuran .
" Isukat mo yung dala ko sayo."Napalingon sila sa dako nito.
" Mamaya ,susunod nalang ako.." wika ni Angela .
" Kaya na nila yan.." sabay lapit nito sa kanya at binuhat na sya ni Justine dahil sigurado syang hindi ito magpapahila sa kanya.
Hindi na naka angal si Angela dahil nakahakbang na ito pataas ng hagdan.
Nang makalayo na sila" Ibaba mo ko, nakakapaglakad ako .." sabi ni Angela.
" Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko , iniiwasan mo ba ko?" Deretso ni Justine sa kanya.
" Hindi ka rin naman sumasagot sa kin two days ago." Bawi ni Angela.
" I see, bumabawe ka? " Ngisi ni Justine.
Ibinaba sya nito sa Kama.Kinuha ni Justine ang paper bag at nilapag sa tabi ng dalaga.
" Sayo yan , pwede mong isukat kung kasya sayo."Victorias secret ang nakalagay na tatak nito. Galing ito sa lingerie shop kaya malamang intimate wear ang laman nito at mamahalin.
" Para saan to? Suhol?" Taas ng kilay ng dalaga.
Nangingiting tiningnan nya ang asawa..
" Pasalubong ko yan sayo, bakit ang sungit mo ngayon?"" Dahil naiinis ako sayo!" Tayo ni Angela.
" Okay , tell me.. bakit?" Nakakaloko lang ang ngiti ng lalake.
" Bakit ka ngumingiti, natutuwa ka pa?
Are you playing games with me?"
Hindi na nakapag pigil na wika ni Angela.This man whom she trusted with herself, Is he trying to cheat on her?
" I am not playing games with anyone, my wife. " Sagot ni Justine sa babae.
Binuksan ni angela ang drawer at ini On ang cellphone.
Ini abot ito sa kanya.
" Who is she?"Tama nga ang kutob nya , nakita nga nito ang senend na picture ni Sept.
Sasakalin nya talaga si Sept pag nagkita sila ulit." It is not what you think." Sagot ni Justine.
" At bakit may extra phone ka?" Tanong muli ni Angela..
He couldn't tell her the truth ,ayaw nyang sabihin dito na isa syang hunt dog ng revenant. That he just killed four people in his last assignment and save Hazen who is Anilius twin sister.
" Do you trust me?" Agad na tanong ni Justine sa kanya.
" Dahil kahit sabihin ko sayo ang totoo kung di ka naniniwala sa kin,wala ring kwenta."" Should I trust you?" Tanong din ni Angela sa kanya..
" Kung hindi mo nakikita ang sarili mo na kasama ako habang buhay, kung may iba ka pang gusto , hiwalayan mo muna ako."
She doesn't like the idea of a husband cheating on her. Mas mabuti pang maghiwalay sila kesa magsama sila sa isang loveless marriage at iba naman ang gusto nito.He is keeping every inch of his cool.
" Ayoko.Walang maghihiwalay dito."
Agad na sagot ni Justine.
" Deal with it ,Kahit mag file
ka ng divorce o annulment , hindi ako pipirma. "" Natatakot ka ba sa Dad mo?" Tanong ni Angela
..okay now she thinks kaya ayaw nya hiwalayan ito dahil takot sya sa tatay nya.
" Listen, I didn't know the girl . Nang- t.trip lang si Sept , ask him and he will tell you the same thing." Paliwanag ni Justine.
" She is the girl with you a while ago." Sagot ni Angela.
" That is her twin sister ,Hazzini . The one you saw on the picture was Hazen."
Dugtong pa ni Justine.
He can't discuss every detail to her for pete's sake." Saan ka nanggaling ,naglakad ka ba talaga ng documents? Bakit yung picture kuha sa airport 2 days ago .. bakit kasama mo si Sept?"
Ang dami nitong tanong...Nagbuntong hininga na lamang si Justine.
" Anong gusto mong sabihin ko?
Nagbakasyon ako sa boracay kasama ng babae ko at nagsama pa ko ng third wheel ,at sa lahat ng asungot si Sept pa na may gusto sayo ang sinama ko?
Ganun ba ?"Angela was silent for a while..
" Hindi ko alam .. Ewan ko".. naupo muli si Angela sa kama
She suddenly feel tired and sleepy..
" Mamaya nalang ulit , inaantok ako sobra.."Nawiwirdohan na sinundan lang ng tingin ni Justine ang asawa na nahiga sa kama.Pagpikit nito ay agad na nilapitan nya ito
" Ayos ko lang ba?" Hinawakan nya ang noo nito ..
" Tsk, wag mo kong gulohin" reklamo nito kahit nakapikit na ito..
Seryoso ba ito ? She paused their conversation at itutuloy daw nila ito pag gising nya..
Papatingnan na ba nya ito sa doctor?
Wala na ngang nagawa si Justine. Inayos nya ang kumot ng dalaga bago sya kumilos para iligpit at ayusin ang mga gamit nya .
She is acting strange. Parang ibang Angela ang kasama nya.
He kinda like how expressive she is right now, unlike before hindi nya alam kung galit ba ito, kung ayaw ba nito ang ginagawa nya or wala itong pakialam sa kanya.She is clearly suspicious and jealous.
He smiled. He could assure her that there is probably nothing to be jealous of.
Wala syang ibang gusto , he is not capable of being inlove with someone else. Isa pa hindi sya yung tipo ng tao na basta basta nagkaka interes sa kung sino sino. . .
Kahit pa na mukha syang babaero sabi ng mga di nakakakilala sa kanya." Hayy Porke gwapo babaero agad..." Nasambitla nya ang iniisip habang nagbibihis ng tshirt.
YOU ARE READING
When badboy meets angel
Romance🆃🅷🅴🆁🅴 🅸🆂 🆁🅴🅰🅻🅻🆈 🅰 🅲🅷🅰🅽🅲🅴 🅸🅽 🆃🅷🅸🆂 🅻🅸🅵🅴🆃🅸🅼🅴 🆃🅾 🅼🅴🅴🆃 🅰 🅱🅰🅳 🅱🅾🆈. 🆆🅴 🅳🅾🅽'🆃 🆆🅰🅽🆃 🆃🅷🅴🅼, 🅱🆄🆃 🆆🅷🅰🆃 🅸🅵 🆈🅾🆄🆁 🆂🆃🆄🅿🅸🅳 🅷🅴🅰🆁🆃 🆆🅰🅽🆃🆂 🅷🅸🅼? 🆆🅷🆈 🅳🅾...