Chapter 22

4 1 0
                                    

WP/WN 22|GN 28-29

" Blaine, listen . I will take over,   pwede kang tumanggap ng black card but more than that I beg you  wag mong hayaang malagyan ng dugo ang kamay mo para sa revenant." Huling mensahe iyon ni Justine bago nila isarado ang usapan nila na walang ibang makakaalam ng sikreto nila sa kondisyon na hindi darating sa punto na kelangang kumitil ng buhay ni Blaine .

Nagbuntong hininga si Blaine.
" Okay Deal."

Tumango si Justine at kinuha  ang red card kay Blaine.
Dalawang araw na ang nakalipas , bukas na ang lakad nila,kaya't pupunta sya sa Ark six para tingnan ang mga gamit na kelangan nya .

" Ark six Rc-18 " lapit ni  Justine sa isang lalake.

Inilabas ng lalake ang isang lagayan ,
Binuksan iyon ni Justine.

" This is new.."  may silencer ang baril,halatang bago iyon.

" Can I try it?" Tanong ni Justine.

" Sa underground nalang may tao dun.." bigay alam ng lalake.

Pumasok sa isang pinto papunta sa basement si Justine. Narinig nyang may tao nga dun dahil gumagalaw ang target board , nasa dulong cubicle ang bumabaril.

Curious na pumwesto si justine sa pang gitnang cubicle .

Gusto nya lang malaman kung gaano kaswabe ang tama ng bagong baril na to at kung gaano ba ito katahimik..

He tried aiming and shooting  twice.
And he is satisfied with the result ,swift and smooth.

He notice that the man at the last cubicle stopped, narinig nya ang yabag ng paa nito papalapit.  It feels unusual and not familiar.

" Did you like it?" Malalim ang baritonong boses ng lalakeng nag salita.

Justine turn around and saw a man as tall as him .   The man is wearing dark shades  , there is an authority in his voice and he is somewhat scary and intimidating.

" Hi, Im Jaguar .. " inabot ni justine ang palad dito..hindi nya ito kilala at ngayon nya lamang ito nakita sa Ark six..

" The devil's Jaguar.. " ulit ng lalake.Na parang kilalang kilala sya nito
"  Pwede mo kong tawaging El padre"

"El padre.." ulit naman ni Justine, nagtataka sya dahil iba ang pangalan nito.  Ito kaya ang warlord na hahalili habang wala si Syrahn ? Nakipag kamay sya dito bilang pagbibigay galang sa nakakataas sa kanya.

Bahagyang pinisil ng lalake ang kanyang kamay , tila may galit ata ito sa kanya..
Nakita nya kung paano nag angat ng tingin ito ,his dominant strong jaws showed up..

" Kamukha mo si Juan Enrico. "  Komento nito.

Nagsalubong ang kilay ni Justine ,tama ba ang pagkakarinig nya ,binanggit ba nito ang pangalan ng ama nya?

" Nabanggit mo na ito na ang huling trabaho mo.  " Bigla ay wika ng lalake.

" Affirmative." Tugon ni Justine.

" Bakit ka pumayag magpakasal kung labag sa kalooban mo?" Tanong nito.

Panong nalaman ng lalake ang mga impormasyon na ito, mukhang kilala nga sya nito.. pero bakit interesado sa kanya?

" Walang kinalaman ang personal kong buhay sa trabahong to." Hindi napigilang  sumagot ni Justine , labas si Angela sa trabaho at ayaw nyang madamay ito .

" Hiwalayan mo sya ,kung gusto mong hindi sya madamay "  turan ng lalake sa kanya.

Nagsalubong ang kilay  ni Justine.
" Kung ano man ang problema mo sa kin,  wag mo syang pakikialaman. Gagawin ko lahat ng utos mo basta wag mo syang gagalawin. Wala syang alam."

When badboy meets angelWhere stories live. Discover now