WP/WN 17| GN 21
Pag pasok ni Blaine sa Ark 6 alam na agad nya na naroon si Justine. Nagkasalubong sila pero nagkunware syang di nya ito napansin . Ayaw nya sanang malaman ng kahit sino nanagt.trabaho sya sa revenant. Ngunit di naman din nya akalain na ang Maven na si Jaguar ang tinutukoy ni Anilius na makakasama nya sa assignment. Ang half brother nya ay ang devil's jaguar. Napaka exciting sanang makatrabaho nito at matuto dito ,kaso hindi masaya ang jaguar ng makita kung sino sya.
Binantaan sya nitong sasabihin sa Heneral ang ginagawa nya. Kaya binantaan nya ito na hindi lang sekreto nya ang mabubunyag kundi ang sekreto nilang dalawa.
Pinagtagpi tagpi nya ang mga pangyayare .. ibig sabihin matagal ng narito si Justine. Hindi nga kaya alam ng general na ang panganay nyang anak ay nagt.trabaho sa organisasyon na to?
Hindi nya masyadong kilala ang half bro nya , wala pang isang buwan ng dumating sya sa mansyon ng mga Villafranca. At Isang beses palang nyang nakita ang lalake sa mansyon. Naekwento ng Ama nya na pasaway at matigas ang ulo ng kuya nya. Di naman nakakapagtaka.
Nadismaya sya ng makita ang party drugs sa laptop bag. Akala nya ay ganun lang kadali ang magiging trabaho nya dahil Maven ang kasama nya.Sinadya ba nito na bigyan sya ng problema ?
Pero kahit papaano bumalik naman ito para maging back up nya..Walang pagdadalawang isip na nilundag sya nito at tinalon ang over pass. Prinotektahan sya nito .niyakap sya at hinarang ang sariling katawan habang pinapaulanan sila ng bala hanggang ng bumagsak sila sa truck ay sarili nitong katawan ang ibinagsak at siniguradong nasa ibabaw sya upang di sya masaktan .
Ayaw na ayaw ni Blaine ng nahahawakan sya kaya't inis na inis sya sa Jaguar ng bigla sya nitong talunin at yakapin. Kung ibang lalake lang yun baka nagwala na sya . Mabuti na lamang at natauhan sya at naisip nyang kuya nya ito.
Nag inat ng katawan si Blaine at sinarado ang notebook na hawak... hindi na nga sya magaling sa math ,hindi pa sya makapag concentrate dahil gumagana ang utak nya sa kuryusidad nya tungkol sa Jaguar. Pakiramdam nya ay magkakasundo sila ng Kuya nya, kaso pareho silang mainitin ang ulo at walang kwentang kausap. Kaya pano sila maguusap , baka mabwesit lang sila sa isat-isa.
Napatuwid sya ng upo at napatingin sa pader , kanina pa may kumakaluskos at kumakalabog sa kabilang kwarto. Alas otso na ng gabi, may kasambahay ba na naglilinis sa kabilang kwarto?
Tumayo sya at lumabas ng kwarto para magtimpla ng kape, pagod na pagod sya sa araw na ito dahil wala pa syang matinong tulog... Pagkatapos ng assignment nya deretso sa school, may activity sila at nagdesign pa sila ng stage at paguwe nagtapos sya ng project nya dahil submission na at wala pa syang natatapos , at ngayon naman magrereview sya sa math dahil may long quiz daw bukas... dalawang magkasunod na araw syang derederetso ang gaanap , mas mabuti sana kung andito si Ranz dahil matutulungan sya nito sa mga hahabulin nyang activity...
Pagtaas at nadaanan nya ang kwarto kung san may lumalagabog pinihit nya ang pinto pero naka lock ito. kaya nilagpasan na nya ito.
Pagpasok sa kwarto ay nilapag nya ang kape sa mesa at dumiretso sa balcony, sinilip nyaang balcony ng kabilang kwarto..Mabilis na tinawid nya ang pagitan ng balconahe at hinawakan ang sliding door nito at binuksan ..
"Huh di naka lock?" tanong nya sarili .. kinapa nya ang bulsa para hanapin ang cellphone pang ilaw pero biglang nag on ang ilaw mula sa lampshade na nasa bed side table.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" bigla ay tanong ng walang expression na mukha ng lalaking nakaupo at nakasandal sa kama wala itong tshirt at naka boxer short lang ito may tattoo ito sa leeg pero malabo na at malapit ng mabura..
Munting ng mapatalon sa bigla si Blaine ng may biglang magsalita.
"Jaguar?"
pinandilatan sya ng mata ni Justine..
"ESte justine, ang ibig ko sabihin kuya .. Andito ka pala?" inilabot ni Blaine ang tingin sa paligid.
ngayon lang sya nakapasok sa kwarto na to..
" bat ka nandito?"
"aba kwarto ko to, ikaw bat ka nandito??"balik ni Justine sa kanya.
"Kelan ka pa dito? alam ba ni Papa na andito ka?"tanong ni Blaine.
"Wag ka magkakamali sabihin sa kanya na nandito ako, nagpapagaling ako ng sugat ko at hinihintay ko lang mabura tong tattoo ko para makauwe na ko ng bahay." paliwanag ni justine..
"Bakit nga ba ko nagpapaliwanag sayo?"
"Okay . Don't worry , your secret is my secret too. nagtaka lang ako kung bat may kumakaluskos dito kaya cheneck ko..sige balik na ko sa kwarto ko." paalam ni blaine ..
" Hey! Makinig ka muna.. minsan ko lang tong sasabihin at hindi ko na uulitin. Para sa ikabubuti mo, hindi mo kelangan magtrabaho sa revenant. Ilalagay mo lang sa panganib ang sarili mo, babae ka at sigurado ako na hindi ka pababayaan ng Ama mo. Ibibigay nya ang higit pa sa kelangan mo. Isa pa paalis na rin ako dahil magt.training na ko sa PDEA. Hindi mo alam kung anong pinapasok mo... taon taon may nawawala , mapa-maven o war lord yan, wala tayong kontrata kay kamatayan na exempted tayo o ligtas tayo sa kanya." payo ni justine.
"Tama ka " napangiti si blaine sa narinig, saka nilingon ang half brother..
"In short kung oras mo na , oras mo na.""hindi yan ang ibig kong sabihin" he squinted at her, na parang gusto nitong batukan sya para matauhan..
"Thank you sa concern , ramdam kong mahal mo ko wag ka magalala.." she intentionally said that to annoy him..
parang nakikita nya ang pumipitik na ugat nito sa sentido katulad ng mga nakikita sa anime series pag nab.bwesit sila.."This crazy woman..bahala ka " bwesit na wika nito saka pinatay ang lamp shade.
Natawa si blaine. " Anyway , thank you for saving me. I owe you one, so kung may kelangan ka,just let me know . Just tell me, ok?"
wika ni blaine bago sinarado ang sliding door ng balkonahe.
"Whatever.." tugon lang ng lalake..
His brother was a cold bastard ,he looks so intimidating and devilishly handsome kaya pala usap usapan ito sa ark at nababanggit ni Anilius. Hindi ata nila alam na kasal na ang kuya nya at napakaganda ata ng asawa nito.Mukha pang mabait. Bibisitahin nga nya minsan ang sister in law nya. Kung magkaka pamangkin sya siguradong magiging cute iyon.Justine is actually planning his next move , kung paano sya makakalapit kay Angela Belmonte
He check on her round ticket last time, bukas ang balik nila from there five day vacation in palawan. Crixan is just 3 years old. Ayaw na nyang makita o makausap pa sana si Angela belmonte hangga't sa maaari, matagal na nyang kinalimutan ang nararamdaman dito pero kelangan nya malaman kung ano ba talaga ang koneksyon nya kay crixan.
Isang malaking kalokohan ang hayaan nyang may maramdaman sya para kay Angela dela vega kung masasaktan nya lang ito dahil sa mga kalokohan na nagawa nya noon na hindi nya kayang ayusin.
Ipinangako nya sa sarili na hindi na nya dadagdagan pa ang kapalpakan na yun. Hanggang sa Bigla syang may maisip na ideya!
He needs to talk to Blaine tomorrow.Seven thirty na nagising si Blaine, mabilis syang nagayos at patakbong nagtungo sa gate di na nag agahan, naroon na si Ranz at nagiinat ng leeg..
"Tara na! late na tayo, may quiz pa kami sa math, ako na kaya mag drive?"
"Wag na ! mamaya makita ka pa ng kuya mo.Kanina pa ko nandito sa labas , pambira.." agad pinaandar ni Ranz ang motor at umalis.
Nakita ni Justine ang pag alis ng dalawa , agad nyang sinundan ito. Nagdrive sya papunta sa school ni blaine . Malaki ang Campus ng East heights University , alumni rin dun si justine. Marami ng bagong building , Nasa Senior high na pala , si Blaine. Nagikot ikot sa campus ang lalake at mga bandang lunch time ng makita nyang papunta sa canteen ang kapatid kasama ang kaklase nito..
pagkaupo nito sa isang table ay agad syang tumabi dito.
Gulat na napatitig ang kaklase nito sa kanya..
"kanina ka pa ba dito?"tanong ni blaine
"Hindi naman , may sasabihin lang ako.."
"Kung tungkol nanaman yan sa trabaho, manahimik ka na
ano bang gusto mong gawin ko ?"deretsa ni Blaine.
"Nice question.. May ipapagawa ako , pag nagawa mo to ng maayos , mananahimik na ko."
"sige sabihin mo na.."
" kelangan ko ng buhok,kuko ,chewing gum , tooth brush o dugo nito, kahit alin dun sa mga nabanggit ko." pinakita ni Justine ang litrato ng isang bata. May address na nakasulat dito.
"May tatlong araw ka para trabahuin yan.Siguradohin mong hindi masasaktan."
"Sino ba tong batang to?" tinitigan ni blaine ng mabuti ang bata.
" Malalaman natin pag nakuha mo na yung mga nabanggit ko." sagot ni Justine.
"Ano deal?"
"Sige para sa ikakatahimik mo.." approved ni Blaine.
YOU ARE READING
When badboy meets angel
Romance🆃🅷🅴🆁🅴 🅸🆂 🆁🅴🅰🅻🅻🆈 🅰 🅲🅷🅰🅽🅲🅴 🅸🅽 🆃🅷🅸🆂 🅻🅸🅵🅴🆃🅸🅼🅴 🆃🅾 🅼🅴🅴🆃 🅰 🅱🅰🅳 🅱🅾🆈. 🆆🅴 🅳🅾🅽'🆃 🆆🅰🅽🆃 🆃🅷🅴🅼, 🅱🆄🆃 🆆🅷🅰🆃 🅸🅵 🆈🅾🆄🆁 🆂🆃🆄🅿🅸🅳 🅷🅴🅰🆁🆃 🆆🅰🅽🆃🆂 🅷🅸🅼? 🆆🅷🆈 🅳🅾...