Chapter 5

3 0 0
                                    


ANDREIGE DENVER

"Kulang tayo ng substitute players, tapos dalawa lang ang tatanggapin sa recruitment?" Titus is still bugging me because of what happened.

Pinaki-usapan ako ni Kuya Mavy na h'wag muna sabihin sa team ang tungkol dito dahil alam nyang ganito ang mangyayari. Masyado na nya kaming kilala kaya alam nyang ganito ang magiging reaksyon ni Titus.

Kuya Mavy or Coach Maverick Peinvrox is a professional coach personally hired by the school board. Magmula noong sumali kaming Kings sa soccer team at nirepresent ang school hanggang National Championships that changes history, si Kuya na ang naging trainer namin.

From diet to workouts kontrolado na ang lifestyle namin to ensure the standing of the school in the competitions.

Some already called us professional players. When in fact we are just bunch of high school students who find leisure in kicking and chasing balls.

"Akala ko ba bubuo na ng Team B? That's what Kuya Mavy said last time diba?" Si Kyle naman ang nagsalita.

"Andreige, we are already third years. Kailangan na natin mag-train ng new players para ma-ensure na mapapatuloy ang legacy na ito ng soccer club at Falcon Kings" Ryker also stated.

Alam ko naman ang punto nila. Pero hindi ko rin naman kase kontrolado ang lahat. Hindi kontrolado ni Kuya Mavy ang lahat.

I don't know kung bakit biglaan nalang na-decline ng board ang proposal ni Kuya Mavy dahil hindi ko pa nakakausap si Evian tungkol dito.

She's the acting Head hanggang hindi pa dumadating ang pinsan nya from France na magiging bagong Dean ng school after my dad handed it to Tito Andy.

"It's about the archery club,"

Lahat kami ay napunta ang tingin kay Plight na kalalabas lang ng shower.

Archery? Akala ko ba hindi na iyon pag-aaksayahan ng panahon ni Evian?

"Wala ng archery club diba? Tumigil na silang magcompete last year"

"Tumigil na sila but walang issue of disbandment from the school board. Nag-hiatus lang sila dahil kulang sa players and walang budget dahil nga wala naman silang activities at hindi rin sila nakakasali sa tournaments." Paliwanag ni Plight habang pinapatuyo ang buhok nito.

"But this morning, Mina said na nakausap nya si Evian and had a deal with her. Kailangan nyang makumpleto ang teams sa magaganap na tryouts ngayon. And if their teams won even a single match in the upcoming Archery Invitationals, papayag itong ma-reinstate ang Archery Club even it's funds."

Mina is Plight's girlfriend, she is a talented archer pero hindi naman nya kayang ipanalo ang team sa tournament ng mag-isa.

Sa ngayon mayroon silang apat na babae at tatlong lalaki sa team. Which means kailangan nila ng isang babae at dalawang lalaki para ma-meet nila ang club requirement.

"Seryoso ba yang girlfriend mo pare? Alam naman ng lahat na Archery Club ang ace and trademark ng Freedom High but that was years ago! Kailangan nya ng skilled archers that is atleast on par with her para maibangon muli ang club," Ryker said, bakas ang pagkamangha sa nukha nito.

Maging ako ay may alinlangan din. Pero kilala ko si Mina, hindi sya susugal sa isang bagay na hindi sya sigurado. There's something we didn't know.

"Dre, gaano katagal ang ruling ni Anastasija?" Tanong ni Ryker habang nakatingin sa cellphone nya.

The Girl Who Can't Say NOWhere stories live. Discover now