DELILAH"Arqui, ayos ka lang?" Pagsalubong ko kay Arqui na halos hindi na makapaglakad papasok ng bahay.
Agad itong umupo sa sofa at hindi agad nakapagsalita. Dumiretso na ako ng kusina at nagsalin ng tubig sa baso.
"Uminom ka muna," Inabot ko sakanya ang isang baso ng tubig.
"Salamat," Agad nya naman itong nilagok.
"Ano ito, Arqui?" Hindi ko maalis ang tingin ko sa dala nyang kahon.
Masyadong pamilyar ang tatak nito na mas lalong nagpakunot sa noo ko.
"Sayo iyan, hindi ka pa naman nakakahanap ng iskwelahang papasukan, diba?" Nabaling sakanya ang tingin ko dahil sa naging tanong nya.
Umiling ako at nagtatakang ibinalik ang tingin sa kahong dala nya. "Hindi pa naman, bakit?"
"Nakahanap ako ng sponsor mo for scholarship, sa Freedom High kana papasok mula bukas."
Mabilis akong napabitaw sa kahon at agarang tumayo. Anong ibig nyang sabihin? Seryoso ba sya?
Ako? Makakapag-aral sa Freedom High‽
"Freedom High? Nagbibiro ka ba Arqui? Prestihiyosong paaralan iyon, hindi kaya ng pera natin kahit habang buhay tayo magtrabaho," sunod-sunod akong umiling.
Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako natutuwa o nai-excite sa ibinalita ni Arqui. Kaya pala pamilyar iyong logo ng kahon.
Logo iyon ng Freedom High.
Prestihiyoso ang paaralang iyon, ni sa panaginip man lang ay hindi ako makakapasok don. Sobrang mahal ng bayad sa tuition na hindi ko lubos maisip.
Paano makakapag-aral ang isang ulilang tulad ko sa iskwelahan na tulad ng Freedom High.
Inabot ni Arqui ang kamay ko at dahan-dahan nya akong pinaupo sa tabi nya.
"Delly, hindi ko pa maipaliwanag sayo pero pagkatiwalaan mo muna ako kahit ngayon lang," walang paligoy-ligoy nyang sabi sakin.
"Pero Arqui-"
"Let's just talk tomorrow. I'll just rest for now. This day is too exhausting for me. Save your questions for later." Wala na akong nagawa ng tumayo na si Anastasija at tahimik na pumanhik sa kwarto nya.
Napabuntong-hininga na lamang ako habang hindi mai-alis ang aking tingin sa kahon. Hindi na bago sakin ang kahong ito. Alam kong naglalaman ito ng mga gamit na kakailanganin ko sa Freedom High.
Hindi ko mapigilan ang mabahala. Matagal ko ng kilala ang pamilya ni Anastasija. Her Dad was a great prosecutor and her Mom was a housewife but I always thought that there's something peculiar about their family.
Lumaki kami sa kalye syete, isang lugar na hindi alam ng salitang ligtas. Nauunawaan ko naman ang estado ng pamilyang kinabibilangan ko kaya naiintindihan ko sila 'Nay Judith kung doon kami nakatira. Pero para sa pamilyang kasing rangya nila Arqui, hindi ko iyon maintindihan.
Mas naunang namatay ang mga magulang ko kesa sa mga magulang ni Arqui kaya matagal ko na ring nararanasan ang impyerno sa kamay ng tiyuhin kong iyon. Wala lang talaga akong nagawa kundi ang tumakbo sa silungan nila Arqui.
Ganoon kalaki ang utang na loob ko sakanya, sakanila ng pamilya nya.
Ang pamilya ni Arqui ay mga malihim na tao, mailap sila at bihira makisalamuha. Kaya kahit kilala ko na sya mula pa noong magkaisip kami, hindi ko rin masasabing kilala ko na sya ng lubos.
YOU ARE READING
The Girl Who Can't Say NO
Romance::ONGOING. "Destiny is our curse, yet faith let our paths cross. If saying no is a crime, then I'll rather be a criminal to have you." Anastasija may be a carefree, hard-headed girl yet she's both rational and logical. She's mature enough...