ANASTASIJA"Tasija, ginabi ka ata ngayon?"
"Marami lang aktibidad sa iskwelahan, 'Tay Pedring"
"Tasija, nainom kana ba? Shot ka naman!"
"Hindi pa ho ako umiinom. I-shot mo nalang ako 'Tay Jose!"
Nasa bungad palang ako ng eskinita namin ay marami na agad ang bumati sa akin.
Gaya ng sinabi ko nung una, ang kalye syete ay isang eskinita kung saan laganap ang mga drug addict at kung ano-ano pang ilegal na gawain.
Ilang beses na ring natokhang ang lugar na ito, pero gayunpaman, mas gusto kong manatili sa lugar na ito kesa sa mapanlinlang na mundo na kinabibilangan ni Tanda.
Sa kalye syete na ako lumaki, nagkaisip at sa kalye syete na rin ako namulat.
Hindi lahat ng gumagawa ng ilegal masama, dahil ang buong eskinita ng kalye syete ay isang pamilya. Nagdadamayan at nagtutulungan.
"Delilah," Dali-dali kong naibagsak ang bag ko at tinakbo si Delly na nasa isang sulok ng bahay ko.
Nakahalukipkip ito, basang-basa at puno ng pasa.
"A-Arqui, gin-ginawa na naman nya. B-Binugbog na naman nya a-ako" Nanginginig at puno ng takot na sumbong nito.
Nakuyom ko nalang ang kamao ko habang nasa braso ko si Delly. Niyakap ko ito at marahang inalo.
Kababata ko si Delly at gaya ko, ulila na rin sya. Nasa puder sya ngayon ng Tito nya na nasa kabilang eskinita. Naging magkaibigan kami dahil dito rin nakatira ang mga magulang nya bago ito namatay dahil nadamay ito sa tokhang na wala naman silang kaalam-alam.
Kinupkop si Delly ng tiyuhin nya pero kapalit naman nito ang pang-aalipusta at panggagahasa sakanya.
"Delilah! Lumabas ka dyan alam kong nasa loob ka!"
"Lintek kang bata ka, anong oras na lakwatsera ka pa rin!"
"Magsasaing kapa. Umuwi kana malandi ka!"
"A-Andyan na sya, A-Arqui," nanginginig pa si Dehlia habang humigpit ang yakap nito sa damit ko.
Huminga ako ng malalim bago binitawan si Delly, "Pumasok ka muna ng kwarto, Delly. H'wag kang lalabas kahit anong mangyari"
Tumango ito at dali-daling umakyat sa taas at nagtago sa kwarto ko.
"Delilah, alam kong andyan ka sa loob. Umuwi kana, anak!"
Anak? Nakaka-puntangina ang pagtrato nya tapos, anak?
"Sino ka?" Patay-malisya kong tanong.
Hindi pa ako kilala ng Tito nya kaya hindi ko alam kung paano nya natunton dito si Delly.
"Nasa loob ang pamangkin ko si Delilah. Tito nya ako, nag-aalala kase ako sakanya. Gabi na at hindi pa rin umuuwi" Napaka-plastic pala ng makapal na mukha ng tiyuhin mo, Delly.
"Wala ako kilalang Delilah. Nagkakamali ka ng pinuntahan" Isasara ko na sana ang pinto ngunit pinigilan nya ito. Nakipagmatigasan pa sya sa'kin.
"Hindi ako pwedeng magkamali, hija. Nakita ni Berto na pumasok dito si Delilah kanina. Dito rin sya palaging tumatakbo tuwing ..." Natigil ito sa pagsasalita. "... dito sya palaging tumatakbo tuwing-"
YOU ARE READING
The Girl Who Can't Say NO
Romance::ONGOING. "Destiny is our curse, yet faith let our paths cross. If saying no is a crime, then I'll rather be a criminal to have you." Anastasija may be a carefree, hard-headed girl yet she's both rational and logical. She's mature enough...