ANDREIGE DENVER"Guys have you seen the latest gossip?" Ryker stormed in the room that startled the twins.
"Do you have a new girl?" Titus guessed while drinking his favorite strawberry milk.
Hindi ko nalang pinansin si Ryker dahil paniguradong tungkol lang naman yan sa babae, lagi naman.
"Kailan pa ako naubusan ng babae, Tus?" Puno ng confidence na sagot ni Ryker.
Then he shakes his head afterwards.
"But it's not about one of my girls. It's about this Schrödinger girl"
Schrödinger?
Inilabas ni Ryker ang cellphone nya at may ipinakita sa amin ang video na kakapost lang sa school portal.
"Paano ka nakapasok? The school strictly prohibit outsiders inside the campus. Leave now before I call the security. You're wasting our time."
"Pumasok sa gate malamang. Anong akala mo sakin akyat bahay na tatalon sa bakod? Kung pumuslit man ako papasok malamang kanina pako nakuha ng security."
Yung matinis palang na boses kilalang-kilala na namin. Sino bang makakalimot sa boses ni Miss Minchin na parang pinaglihi sa flash grenade diba?
"What did you just say??"
"I just answered you're question, Ma'am."
"Ohh, so you're maid of one of my students? Sino dito ang alaga mo? Do your business immediately then leave. Importante itong lesson na tinuturo ko."
Napukaw ang atensyon ko ng estudyanteng walang takot na sumagot kay Miss Minchin. Tila ang kambal ay nagka-interes rin dahil apat na kaming nakapalibot ngayon kay Ryker na pinapanood ang video.
"Kung ako mukhang katulong, kayo pala mukhang addict?" Ibang klase ang babaeng ito.
Pasalamat sya at hindi narinig ni Miss Minchin iyon, kahit na sobrang lakas ng pandinig nito. Nagsimula ring nag-ingay ang mga taga 405 at sinasabing hindi nila kilala o katulong ang babae.
So she's a new student, huh?
"Ma'am bigyan mo na ng pera. Kawawa naman ang pulubi"
"Ma'am imbitahan mo sya sa children's party ng anak mo. Makakalibre ka na sa clown"
Hindi ko na mapigilan ang tawa ko ng maging si Patricia, the alalay ng self-proclaimed Queen ay binara na rin nito.
"Bakit sya tinawag na Schrödinger girl?" Tanong ni Gavin, na kahit ako ay interesado ring malaman.
"Tignan mo ang sunod nyang ginawa." Nakangising sagot ni Ryker habang hawak na ang tyan nya kakapigil tumawa.
"Ma'am, you can continue your lesson." Umangat ang kilay ko ng parang wala lang itong umupo sa isang bakanteng upuan at inutusan si Miss Minchin na ituloy ang pagtuturo nito.
Hindi naman sya napansin ni Miss Minchin at nagturo na nga ulit.
"Schrödinger applied his equation to the hydrogen atom, for which the potential function, given by classical electrostatics, is proportional to −e2/r, where −e is the charge on the electron. The nucleus ..."
"Who's that? Sino yung humikab?"
"What are you still doing in my class?"
"Ikaw Ma'am, what are you doing in this class?"
YOU ARE READING
The Girl Who Can't Say NO
Romantik::ONGOING. "Destiny is our curse, yet faith let our paths cross. If saying no is a crime, then I'll rather be a criminal to have you." Anastasija may be a carefree, hard-headed girl yet she's both rational and logical. She's mature enough...