Chapter 7

1 0 0
                                    


Chapter 7


"TITA!" Humahangos na sigaw ni Aria ng makita na nila akung na saan si Tita Melda. Kasama pa rin niya ang dalawa. Bakas rin sa mukha nito ang pag-aalala kay Isle, lalo na kay Aria na katatahan lang kanina sa pag-iyak pero paunti-unti itong bumabalik. "Tita, na saan na po si Isle?"

Katulad rin ni Aria ay umiiyak na rin ito. "Aria, iniwan ko lang siya doon sa lagi tagong parte sa gilid ng santan." Umalis lang ako sandali upang sagutin ang tawag. Pagbalik ko wala na siya." May hinugot si Tita ang isang cellphone sa kayang bulsa. "Hindi ko siya matawagan niya 'to."

"Subukan po nating magtanong—"

"Miss, pasensya na po wala daw pong nakapansin." Singit ng isang isang guard, na nagpaptrolya sa lugar.

"Tita, kalian pa siya nawawala."

"M-mag-iisang oras na."

Nasapo ni Aaria. Nang siusubukan na sana niyang umupos sa buhanginan ay nagpantig ang tainga niya sa ibinubulong ni Tita Melda. "Ano pong sana hindi ko na siya ibinalik. Tita, may threat ba kay Isle?"

***

A day befor Ilse gone missing...

Inangat ni Tita Melda ang kanyang tingin sa orasan. Limang minuto bago pa lumabas si Isle kaya ipinagpapatuloy niya ang kanyang binabasa libro. Nakakunot ang kanyang noo ng binabasa niya ang unang kabanata lbro. Kabibili lang nito kanina, nagandahan lang siya sa pabalat libro at binila na agad. Dahil sa pagmamadali ay hindi na niya binasa ang descption nito.

"Ano ba 'tong binabasa ko?" Tanong niya. "Horror ba 'to?" Hindi na niya itinuloy ang pag-babasa ng bumukas na ang pinto ng kuwarto ni Isle. "Aalis na ba tayo?"

"Bukas na po Tita. Dito muna ako sa village maglalakad-lakad."

Kung dati bawat araw ay mugto ang kanyang mata, ngayon ay nababawasan na. Hindi sa tumigil na siya umiyak, pero sa tuwing gabi saglit siyang umiiyak. Minsan sa banyo. Si Tita Melda ay nandiyan lang, nagbibilin na kung may kailangan sabihin sa kanya. Nahihirapan din siya sa sitwasyon ni Isle, na siyang nagsisilbing anak. Hindi n'ya rin 'to magawang sermonan baka lalo lamang lumalala. Ganito pa ang kondisyon n'ya.

"Samahan na kita."

"Hindi na muna Tita. D'yan lang ako sa gawi maglalakad."

Pumasok si Tita Melda sa kuwarto ni Isle sinimulan na ito linisin. May basurahan siya sa kuwarto ngunit ang ginamit niyang tissue at iilang pagkain ay nakakalat lamang sa iisang lugar. May nakita siyang two random type of photos and one calling card. Sa halip na pansinin niya ito ay itinabi na lamang niya ng maayos.

"Hello?" Sagot niya ng may tumawag sa kanya. Inalis niya ang pagkakadikit ng cellphone sa kanyang tainga upang alamin kung sino ang caller. Number lang ang nakalagay sa screen. "Magandang umaga po sino po ito?"

"Magandang umaga po. Imelda Mendez po 'to?"

"Opo."

"Kami po ay galing sa St. Martin Premier Hospital, gusto ko lang sabihin na available na po ang slot sa inyo para eye transplant po ni Isle Loise Mendez. Maaring pumunta na lang po kayo dito upang pag-usapan at pirmahan ang ilang papeles."

Ibinaba na ang tawag pero si Tita Melda, nasa tainga pa rin niya ang cellphone, diretso lamang ang tingin sa kama sa kanyang harapan hindi dahil may kakaiba bagkus dahil hindi na diresto ang kanyang iniisip dahil sa tuwa. Sa tinagal-tagal niyang maghanap nang donor nakahanap na siya. Nakatayo lang siya, sapo ang bibig, at naglalandas ang malakas na luha. Wala na siyang kun'dimahihiling pa ang muling makakakita si Isle. Ang nag-iisang hiling niya.

Eye Can('t) TellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon