Chapter 19

1 0 0
                                    


Chapter 19


Plan? So, ibig sabihin nagsisinungaling siya.—Nakasandal lang ako sa pader sa gilid ng pintuan ng banyo. Sinamahan ko si Aria, nagbibihis. Binabagabag pa rin ako ng mga sinsabi niya kanina. Hindi pa rin ako naniniwala, pero may parte na pumapabor kay Aria.

Ano at sino ba ang totoo?

"Kailangan na ba nating umuwi? Pwedeng patapusin muna natin, o kaya tanungin natin bakit ganoon ang plano niya."

"We already asked. Tayo na mismo ang lumapit. Mukha akong lasing pero hindi ko makakalimutan kung ang pinagsasabi niya."

"Maybe, we tried to ask him again."

"Uuwi na tayo bukas."

"Wala tayong sasakayan."

"Maglalakad tayo."

Natapos ang gabi ko nang kahit papaano ay naging maayos. Mukhang ganoon din si Aria. Nauna pa akong magising sa kanya. Paglabas ko, bukas na ang tent ng kabila at walang tao. Mukhang naramdaman na rin ni Aria ang pagbangon ko, dahil paglabas ko ay nasa likuran ko na siya. Nag-iinat.

Gumuguhit ang sariwa at malamig na hangin sa umaga, paibaba ng aking lalamunan. Good day for a perfect coffee. I raised my arms pull them backwards and I feel my arms and shoulder muscles were stretched.

"Tara magkape," aya ko kay Aria. Hindi lang siya kumibo at tinignan lang ako. "Ayaw mo ba magakape?"

"Uuwi na tayo."

"Aria, baka pwede namang pag-usapan natin. Sayang 'yung hiking mamaya kung uuwi lang rin tayo."

"Pero hindi ka na ligtas dito." Pumasok siya sa loob ng tent at kinuha ang mga gamit. Sabay-sabay. Iilan lang naman 'yon. Tatlo.

"Paano kung mali lang pagkakarinig mo."

"Narinig ko ng maayos. Ilang metro lang ang layo lang nito sa tent. Imposibleng mali ang pagkakaintindi ko.

Umagang-umaga, ang sama na agad ng simony ng hangin. Sa halip na malamig ay maiinit na agad. Wala namang pagtatalo ang mangyayari kung papaya lang siya sa gusto ko. I'm not getting bias here. Pinapaliwanag ko na sa kanaya kagabi pa pero tinulugan lang niya ako.

"Basta uuwi tayo," sabi lang niya.

Masama man ang loob ko, inabot ko pa rin ang bag ko. Babawi na lang siguro ako next summer. Nandito naman na. Para na rin siguro kay Aria. She's struggling since then, umalis siya doon ng mayroong problema. Kaya kibit-balikat na lang ako pumayag sa gusto niya.

"Saan kayo pupunta?" rinig kong sigawni Finn.

"Huwag kang lilingon," suway naman ni Aria. Kinuha pa niya ang braso ko at binilisan ang paglalakad.

"Aria..."

"Isle, please huwag mo pairalin ang katigasan ng ulo mo ngayan. Please lang."

Gusto ko man bagalan maglakad dahil nakita ko nang natakbo bi Finn papunta sa amin, kaso tumatakbo na rin si Aria at mahigipt ang pagkakahawak sa palapulsuhan ko. Hirap na hirap na si Aria sa mga bitbit niya. Kasama na ako doon.

Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakadapa sa buhanginan. Ayos lang sa kung puro buhangin kaso may mga nakausling mga bato at ang masama ay gumasgas ang palad ko bilang pantuon at tumama naman ang tuhod ko sa isa.

Eye Can('t) TellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon