Chapter 11

1 0 0
                                    


Chapter 11


BIGLANG nag-init ang tainga ko.

Kaya ba?

Lahat ng sinabi niya at lahat na nangyari ay parang unti-unting nilinyahan ng puang tali at napagtugma-tugma ko. Ang ibig lang sabihin noon ay matagal na siyang may gusto kay Jake. Hindi lang niya magawang gawin dahil kami ba.

Kaya ba sapilitan na niya kaming pinaghiwalay?

Pinunasan ko ang mga luha at muli ko sisyang hinarap. Prente lang siyang nakaupo at pinapanood ang paglapit sa kanya. I look her straight to her eyes. I found it intimidating and starting to look big creater inside.

"Tell me the truth, nothing but the truth?" I demanded forgetting to blink.

"What truth?" Kumunot na lang ang noo ko ng nagbago kaagad ang kanyang mukha. Kalmado na siya ngayon. Bigla siyang pumikit. "Wala akong sinabing kasinungalingan, kaya wala akong dapat sabihin na totoo."

"You're not telling truth," bulong ko.

"Leche! Ano bang katotohanan ang gusto mo?! Isle, bulag ka pa rin ba? Mas gusto mo pang kampihan 'yung taong na nakit sayo kaysa sa mga taong tinutulungan, ginagabayan ka?"

"Hindi na ako bulag! At alam ko ang ginagawa ko. Binibigyan ko lang 'yung tao ng chance kayo lang ang ayaw. Paano kung pwede pa? 'Di ba ikaw na rin ang nagsabi, na kung binigyan mo ng chance sana maayos kahit papaano. Pero you force him, because you like him!"

Nanlaki ang kanyang mata sa sinabi ko.

I knew it.

"Kaya ka nakipaghiwalay kay Dominic dahil wala na kami. You take advantage!"

"Isle, h—"

"Shut up!" I screamed. "Hindi mo ako mapipigilan kung kasama kita ay susuportahan mo ako sa kung anong gusto ko."

"Fvcking no. Hindi ko alam kung saan mo naimbento o saan mo nakuha ang kwentong 'yan pero hindi kita susuportahan. Sinabihan, pinaalalahan, binalaan na kita huwag bumalik sa kanya. Then deal with it. Don't fvking ask for help when you go home crying like a stupid baby, who doesn't even listen and chose her own ego!" Padabog niyang kinuha ang mga gamit niya at tumalikod na.

Gusto ko siyang sampalin. Nakakakulo ng dugo. Nakakasira ng araw. Ego ko? O sadyang buking lang siya sa sinabi ko?

***

Nakarating ako sa parke nang kalmado na. Iniwan ko lahat ng galit ko sa bahay upang masabi ko lahat ng gusto kong sabihin. Nabawasan kahit papaano ang kaba sa dibdib ko ng makitang isang tao lang ang nandito ngayon. 'Yung babae sa may bench abala sa ginagawa niyang pagpinta.

Nakaupo lang ako at inaaliw ang sarili ko sa makukulay na lantern na nakasabit sa taas. Noong nakaraan lang nung nakita ko ulit ang kulay mundo ay dito ako agad dinala ni Tita. Dito pa kami naghapunan.

"Isle, hindi ka ba nasakit iyang batok mo. Simula nung dumating tayo dito hindi ko pa 'yan nakitang bumaba," sabi ni Tita. Hinila niya ako kung saan ang pwesto namin. Nandoon na si Aria nakaupo sa ibabaw ng banig kasama ang dinala naming pagkain.

"Aria!"

Kumawala ako sa pagkakahawak sa akin ni tita at mabilis kong niyakap si Aria. Ngayon ko lang ulit siya makita pagkatapos tanggalin ang benda sa mata ko.

Eye Can('t) TellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon