Chapter 2

2 1 0
                                    


Chapter 2


"ISLE, nilalamig ka ba?" His voice echoed inside of the helmet. Hinintay niya itong sumagot sa halip ay naramdaman niya ang pagbigat ng kanyang likod. Maingat niyang itinabi ang scooter at panandaliang tumigil.

"Bakit tayo tumigil?"

"Akala ko nakatulog ka," he said rubbing his neck and stepping back.

"I'm tired but I can manage. Anong oras na ba?"

"Past 6."

Kahit hindi pa gaano kasyudad ang lugar—may mga nagtataasan establishimento pero hindi ganoon karami sapat lang upang maibigay ang pangangailangan ng mga mamayan. Ang mga sasakyan ay hindi ganoon ka elegante. Oo, meron man pero hindi 'yung tipong matatakot magsalubong ang dalawa ayaw lang magasgasan ang sasakyan. Typical transportation in rural area, trycicle. Hindi na ganoon kasikip dahil gabi na at nakauwi na ang mga galing sa trabaho at klase.

Nagbabalik na sila sa daan ngunit hindi pa rin mapakali si Jake. Nagbabalik-balik ang tingin niya sa braso ni Isle na nakayakap sa kanyang tiyan at sa daan kung saan ang tanging tanglaw nila ay ang ilaw ng motor.

"Jake, gising pa ako kaya sa daan ka tumingin." Suway nito sa nobyo ng maramdaman mailing ulit nitong. Hinigpitan niya ang pagkakayakap ng matahimik na ito. "Bulag ako pero ayoko pang mamatay." Habol niya.

Like reciting magic spell, the unexpected happen...

Ang tanging nasa isip lang ngayon ni Jake ay mayroong higanteng sasakyan sa harapan niya, maliwanag ang dalawang ilaw nito pero nanatiling madilim ang kayang isip. Sa oras na iyon, kahit papaano ay nagawa niyang kontrolin ang sarili at sinubukang kabigan ang mabibigat na manubela.

Kanina lamang ay tahimik pa ang mukhang inabando, luma; hindi pantay, at bitak na daan ay nagising dahil sa matinis at nakakangilong tunog gawa nang gulong dahil sa mabigat na pagtapak ng driver sa malaking sasakyan. Ang hindi mabilang sigaw ng busena na kahit sa malayo ay maririnig ito.

A loud crash brings the both party on silence...a deadly silence.

Marahas na isinarado ng driver ang pintuan ng sasakyan. "Ano bang ang ginagawa mo, ha—Ayos lang ba, hijo?" Naglaho ang pamumula sa mukha ng driver. Ang kilay na nagsalubong ay bumalik sa normal. Ang kaninang nagpupuyos sag alit ay naglaho at napalitan ito nang pag-alala ng makita ang sitwasyon ni Jake. "Hijo."

Sa gawing paanan ni Jake ay nandoon ang scooter, bali ang isang side mirror at puro gasgas ang parting nakasayad sa semento. Segundo rin siyang nawalan ng malay at nagising sa marahang pag-uga sa kanya ng driver. Sa pagdilat ng kanyang mata ay masyadong malabo pa ang at pilit iniisip ang nangyari pero ng dumako na ang tingin sa kanyang paanan...Parang ang lahat ng takot sa mundo ay naiipon sa kanya.

"Isle...Isle na saan ka?"

"Hijo, s-sandali lang."

Kahit anong pigil sa kanya ng driver ay hindi siya nagpatinag. Punit ang tuhod ng kanyang pantalon at sa mismong butas ay nandoon ang kanyang sugat na nagdurugo. May galos rin siya mag kabilang braso pero hindi ito ganoon kalakihan. Ngunit hindi niya alintana ang nakakamahid na sakit dulot ng mga 'to. Kailangan niyang mahanap ang Isle na ngayon ay hindi na matagpuan kung saan napadpad.

"Isle!"

"J-Jake, nandito ako." May mga sugat rin siyang nakuha pero hindi man Malaki pero may masakit ang katawan niya ang kanyang braso na ipinangharang niya sa kanyang ulo. Bumango siya at gumapang habang sinusundan niya ang boses ni Jake. Hindi pa siya nakakalayo ay binuhat siya ni kuyang driver at inalagay sa passenger seat.

Eye Can('t) TellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon