Chapter 18

1 0 0
                                    


Chapter 18


"MERON?!"

Siguro kung sa movie lang 'to, ipapakita 'yung gubat nagliliparan palabas ang maraming uwak.

Katatapos lang naming magdrama, tapos ganoon na lang siya maka-react. "Huwag ka naman sumigaw. At saka ano naman kung meron?"

Pinalakihan lang niya ako ng mata.

Doon ko nakuha kung ano gusto niyang sinasbi. Umiling ako. "It's misunderstanding." Bahagya akong tumawa. "Walang special feeling. Ang tingin ko sa kanya ay kapatid. Iyon lang 'yon, wala ng iba. Kung gusto mo akong lumayo, ang sagot ko ay hindi."

"Isle..." hindi ko na siya pinatapos.

"Aria, nagtitiwala ako kay Finn. Uulitin ko, kung may balaka man siyang masama sa akin matagal na niyang ginawa. Ang tagal naming nasama sa kuwarto, wala akong lakas kung may masama man siyang balak. Pero, tignan mo, nakakakita na ako kaso ayos lang ako 'diba." Muli ko siyang niyakap. "Subukan mo ulit magtanong."

"Paano kung hind dati, paano kung ngayon may plano na siya. Tandaan mo plano niya ito lahat. Isle, pwedeng magbago ang tao sa dalawang paraan, aatras o susulong." Umiling siya. "Basta, Isle lumayo ka kay Finn kahit papaano."

Tumungo kami sa may kubo at may lababo rin na kung saan maaring magluto ng pagkain. Saktong pagdating namin ay ganoon din ang dalawang lalaki dala ang mga kanilang lulutuin. Pinapanood ko lang sila sa kanilang paglapit, naagaw ng atensyon ko ni Jake, na naka-bebbue ngayon. Nagtama ang mata naming ngunit una na akong pumutol nang tumili si Aria.

"'Yung phone ko!"

Huli na upang habulin ko dahil nakalapat na sa sanhig ang screen ng cellphone. Pinulot ko at agad kong binuksan ang screen upang masigurado kung may sira o nabasag. Pero hindi doon ako natuon dahil nabigla ako sa dami ng text at reply. Unang bumungad sa akin ay galing unknown number tinatanong bumalik na sia. Hindi ko na lang pinasin at umaktong walang nakita.

"Pakilagay doon sa may taas.," turo niya taas ng haligi ng kubo. Sinunod ko lang at umaktong walang nakita.

Nagtulong-tulong lang kami sa paghahanda. Abala man kami at nagpapalitan ng salita, pero iniiwasan ko pa rin si Jake. Hanggang sa matapos ang aming paghahanda ng aming hapunan ay never ko siyang kinausap, hindi ko kaya. Hindi pa ako handa. 'Yon nga kahit na animo'y masaya ko silanng pinapanood at tinitignan parang may puppeteer sa taas tapos ang pangalan ay awkwardness.

Napailaing na lang ako ng maiwan na akong mag-isa sa may table habang abala sa nginunguya kong marshmallow.

"Ano ang bubuhatin ko?" tanong ko at inikot ang tingin, maliban kay Jake.

Saktong pagsubo ko ng huling piraso, akmang kukuha ng maaring dalhin pabalik sa tent dahill doon kami kakain ay wala na akong makitang dadalhin ko. At mukhang binitbit na nila lahat.

"Ito oh."

Nagdadalawang isip pa ako kung tatanggapin ko ba ang ibinibigay niya sa akin. Sana hindi na lang pala ako naghanapa. Nahihiya na lang akong napangiti ng abutin ko ang basket ng prutas na inaya aya sa aking sa pangalawang pagkakataon. Nanginginig pa ang mga kamay ko. Pagkaabot ay lumagpas na ako sa kanya ay sumingit ako sa pagitan nina Aria at Finn.

"B-Bakit?" tanong ko ng bahagya akong sikuin ni Finn.

"Ha?"

Umiling lang ako.

Eye Can('t) TellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon