Chapter 2

702 35 3
                                    

Hailey's POV


Napahilot ako sa ulo ko dahil sa mga nalaman ko. Here's the summary:


Una, lumaki akong spoiled brat at dahil na din mataas ang posisyon ko sa buhay ang sama ng ugali ko.


Pangalawa, nagustuhan ko yung limang lalake kaya binili ko sila sa magulang nila.


Pangatlo, okay lang ang polygamy sa mundong to as long as kaya mong buhayin ang mga asawa mo.


Pang-apat, mayaman kami... anak daw ako ng isang sikat na sorcerer. Ayokong maniwala pero wala akong magagawa.


Pang-lima, may tinatawag na ensorcellment sa mundong to. Kung sa earth, magic. Proven and tested na may magic dito by Ria.


Panghuli, galit sakin ang mga fiancee ko. Bakit? Ikaw ba naman bilihin tapos mawawalan ka pa ng freedom na gawin ang mga gusto mo at dapat may permission ka galing sa asawa mo or fiancee mo.


"Ms. Hailey, ayos lang po ba kayo?" I looked at Ria, kaya pala mukhang takot siya sakin dahil na din sa ugali ng dating Hailey


"Uh yeah, ayos lang. Pwede mo ba akong dalhan ng pagkain? Nagugutom ako" I said and she immediately left the room


"Haha, anong kalokohan ba to. Yung nabulunan lang ako ng fried chicken tapos paggising ko may lima na akong fiancee..." scam ba to? 


Habang naghihintay ako ng pagkain ko napag-desisyonan ko na maligo muna, ang baho ko na ata since according kay Ria 1 week na daw akong tulog.




Pagkatapos kong maligo, saktong dumating na din yung pagkain ko "Ms. Hailey nandito na po yung pagkain mo" umupo ako sa couch habang inilalagay niya ang mga pagkain sa may table, pagkatapos niya itong ayusin ay tumayo lang siya sa gilid ko habang tinititigan ko lang ang mga pagkain.


Wala namang pinagkaiba sa dati kong kinakain, pero masiyado atang madami to para sa isang tao lang


Oh well, hayaan na natin. Gutom naman na ko kaya siguradong mauubos ko to


Pero ang awkward, di ako makakain ng maayos "Ria, bakit nakatayo ka lang diyan?" she flinched so I sighed 


"P-para po kung may k-kailangan pa kayo--" I stopped her from talking


Her voice was shaking so much that I'm the one who was getting frustrated "Ayos lang Ria, pwede ka nang lumabas. Salamat" she froze and look at me with horrified eyes


Pati ba naman pagpapasalamat ko nakakagulat na? Di ko na lang pinansin ang reaksiyon niya at kumain na lang.


"Mhm, ang sharap" napangiti ako dahil sa sobrang sarap ng pagkain 


Huh?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon