Hailey's POV
"Hailey, did you finish your work?" tanong sakin ni Kyran habang kumakain kaming dalawa
It's been 2 weeks since he started teaching me, at sa dalawang linggo na yun ay naging pamilyar na ako sa mga dapat kong gawin sa bahay na to. Pero may isa pa akong pinoproblema... di ko pa din nasasaulo lahat ng rooms sa buong mansion.
Nakakaiyak na to, nagpagawa ako ng mapa kay Ria kase ilang beses na akong naligaw sa mansion na to.
"Yeah, btw, kailan ang start ng class sa academy?" it's been a week pero di ko pa din alam kung kailan ba kami pupunta ng academy
"We're still in vacation, may isang buwan pa bago tayo babalik sa academy" tumango ako sa sinabi niya
Hmm, ang sarap talaga ng pagkain dito. Baka naman maging glutton na ko nito
"Hailey!!!" nagulat ako nang biglang may sumigaw ng pangalan ko
Siyempre alam na natin kung sino yan "Carrion stop running" saway sa kaniya ni Kyran pero hindi siya nakinig at lumapit sakin at umupo sa tabi ko
"Good morning Hailey!" masayang bati niya sakin
"Hm, good morning Carrion" bati ko sa kaniya at nakita ko kung pano lumiwanag ang mukha niya
"Yey! Binati niya ako ulit Kyran" parang bata na sabi niya habang nakataas ang mga kamay niya
For the past two weeks nasanay na ako sa pakikitungo nila sakin, clingy si Carrion habang si Kyran naman ay mabait lang, gentleman din.
Si Louille, ayun ang sungit at ang sama pa din ng ugali. Neutral lang si Zakariya tapos si Pierre naman lagi pa din nakikipag-away kay Louille pero mabait din naman siya sakin minsan, mukhang nagtataka din sila sa sudden change of personality ko.
Madami din akong nalaman tungkol sakin, or to be exact sa dating Hailey, she's a wise and -intellegent girl, magaling din siya sa pag-handle ng weapons and may control din siya sa ENS(ensorcellment) niya which is Binder.
I can bind things and people with strings, matibay yung strings hindi siya tinatalaban ng kung anong matutulis na bagay. May iba pa akong ENS pero yan pa lang ang alam ko sa ngayon.
Random ang ens na nakukuha namin, meron sa amin na in born na yung ens and meron naman na nakukuha yung ens through fighting or hunting. Naka depende sa mga ginagawa namin and experiences kung ano bang makukuha namin
"Hailey, nakikinig ka ba?" tulad na lang ng isang to, isa sa ens niya ang 'charm'. He can charm or win people over
"Hindi. Ano ba yun?" he sometimes uses his ability unconsciously
"Eh? Hailey naman..." he complained like a kid. Kung yung target niya ay matibay ang mentality at mataas ang tingin sa sarili ay di sila maaepktuhan nito, and since di ako affected, it's either matibay mentality ko or narcissist ako
BINABASA MO ANG
Huh?!
General Fiction"We're your fiancee!" Ikaw ba pag nagising kang may limang fiancee anong gagawin mo? At pag nalaman mong madaming may galit sayo to the point na gusto ka nilang patayin, what will you do? Hailey Audrielle Mercia, that's my name. No. To be exact...