Chapter 12: Elixir(Part 2)

353 27 4
                                    

Hailey's POV


Tahimik kaming nakaupo sa may damo habang nakatingin sa isa't-isa


"Tsk, ang malas ko naman" dinig kong sabay na pagsabi nina Jovanni at Luciana


They glared at each other, napasapo ako sa noo ko dahil sa kanilang dalawa "Okay, anong type ng elixir ba ang gagawin natin?" I said and they both looked at me


Both of them have this unsatisfied look. Sana lang matapos namin to ng maayos.


"Just decided on whatever and let's get the ingredients already" walang ganang sabi ni Jovanni habang nakahalukipkip 


Tumingin naman ako kay Luciana "Whatever, just decide already para matapos na to" 


"Group activity to, we need to voice out our opinions para madali tayong matapos. Don't let me decide on this alone. Pano pala kung elixir of life yung napag-desisyonan kong gawin natin?" sa mga gantong ma-attitude na tao, dapat mahaba talaga pasensiya mo kase kung hindi mas magkakagulo talaga kayo


"Let's go with internal then" suggest ni Jovanni


"What? We're newbies in this field and besides wala satin ang expert pagdating sa mga herbs and such. I say we should just do the external" bigla namang sabi ni Luciana


"Hmm, Luciana has a point. Hindi pa tayo ganun kagaling sa paggawa ng elixir and kulang pa tayo sa experience" sabi ko naman 


"Tsk edi external na lang" and so, we reached an agreement to just make an elixir for external injuries


Pinagusapan namin yung mga ingredients na kakailanganin namin pati na din yung mga equipments na available. 


"Alright, listen up everyone! Once you're done deciding on what type of elixir you want to make, you can gather the ingredients you need. The equipment and tools are in the laboratory so you can go there after gathering your ingredients" sabi ni Prof Amari kaya nagsitayuan na kami 


We made preparations to gather the ingredients "I'll take the herbs out, you guys can go buy the other ingredients" fortunately may bilihan dito sa loob ng campus ng mga ingredients na ginagamit sa paggawa ng elixir.


"Bilisan niyo baka maubusan tayo ng ingredient" sabi ko at wala silang nagawa kundi umalis


Expected na madaming gagawa ng elixir for external injuries kaya may chance na maubusan kami ng ingredients sa store. Sana lang may matira pa samin


I focused on taking out the herbs. Herbs are delicate so they should be treated with care, kapag nagkamali ka ng pagbunot nito sa lupa ay may malaking chance na mawala yung effect nito kaya kailangan talaga na maingat ka sa pagkuha nito.


Mabuti na lang at tinuruan ako nung nagtatrabaho sa bahay ng tamang way sa pagkuha ng mga herbs.

Huh?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon