A/n: New characters to remember, and konting info dump for this chapter. Kayanin niyo mga beh ha, konti lang naman sila. Enjoy reading <3
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Hailey's POV
Kinabukasan ay maaga akong gumising para magready for the second day of class.
"Haaa, it feels so nostalgic" I mumbled while Ria brushed my hair. I would always wake up early to prepare to go to school back in my world. Nakakamiss yung mga sermon ni mama sakin pag di ako agad bumabangon, yung paghatid-sundo sakin ni papa sa school tapos yung mga events sa school... pati yung mga pagsulyap ko kay crush kahit na may iba na siya...
Nakakamiss na din yung pagpapaalam ko na gagawa kaming group project pero gagala lang talaga, tapos pag nalaman ni mama hinahampas niya ako ng hanger or tsinelas minsan nga walis tambo
"Miss Hailey, tapos na po ako. Hinihintay ka na daw po sa dining room" I blinked my eyes when I heard Ria's voice
"Alright. Thanks" sabi ko at tumayo na para pumunta sa dining area
Pagdating ko ay nakita kong nakahanda na ang mga pagkain at ako na lang ang hinihintay. Umupo na ako at agad naman akong binati ni Carrion
"Good morning Hailey" as usual, he's wearing his cute smile
I nodded my head and greeted him back, susubo na sana ako ng bigla kong narinig na nagrereklamo si Louille
"Tch, gutom na gutom na ako tapos yung isa naman diyan ang bagal mag-ayos. Pa special" umirap ako dahil alam ko na ako yung pinapatamaan niya
Di na lang ako nagsalita dahil wala din ako sa mood tsaka busy ako alalahanin yung past ko. Natapos kaming kumain at naghanda na kaming umalis ng mansion.
Pagdating namin sa Academy ay agad akong humiwalay sa kanilang lima, pero dinig ko pa ang reklamo ni Carrion dahil hindi ko siya pinayagan na ihatid ako sa class ko. Pagbukas ko ng pinto ay medyo konti pa lang ang mga estudyante na nandoon
Agad na nakuha ng atensiyon ko si ms. freckles, tinitigan ko muna siya bago ako pumunta sa upuan ko. I put out my notebook and started sketching habang hinihintay kong dumating ang prof namin
Habang nililibang ko ang sarili ko ay pilit kong inaalala yung mga nangyari kagabi, feeling ko talaga may nakakalimutan ako
"Good morning class. I will be your professor for this year, Glydel Herrice. You can call me Prof Gly." agad akong napatingin sa unahan at doon nakatayo ang prof namin
"Today, you have to introduce yourselves. After that I will introduce to you our topic that will be discussed this school year" she said while scanning the whole room
BINABASA MO ANG
Huh?!
General Fiction"We're your fiancee!" Ikaw ba pag nagising kang may limang fiancee anong gagawin mo? At pag nalaman mong madaming may galit sayo to the point na gusto ka nilang patayin, what will you do? Hailey Audrielle Mercia, that's my name. No. To be exact...