Chapter 23: Pierre

94 10 2
                                    

Hailey's POV


After that night, my days have become more hectic and full. Daig ko pa ang mga may full-time job sa sobrang dami ng ginagawa namin sa bahay at sa academy kaya halos hindi na rin ako nakakatulog ng maayos


"Ms. Hailey, please check these" sabi ni Elias sabay lapag ng sandamakmak na papel sa harap ko. Napatingin ako sa orasan at napahinga na lang ng malalim


"Elias... is this your way of torturing me?" halos naiinis kong tanong


"That's impossible, wala pa ito sa kalingkingan ng mga ginagawa mo dati" sabi niya habang nakangiti at sabay alis dahil marami rin akong pinapagawa sa kaniya


I sighed as I continued working, it was already the third day since my father arrived and there are 2 more days to go before the annual event. Supposedly ay dapat nasa academy ako ngayon pero nitong nakaraang araw ay parang mas dumami ang kailangan kong asikasuhin


Hindi na ito makatarungan!! Mas gugustuhin ko pang pumasok kaysa makipag-sapalaran sa ganito karaming trabaho!!! Ibalik niyo ang kalayaan ko!!!


"Are you crying?" isa pa 'to


"Ano nanamang ginagawa mo dito, Pierre?" bakit ba andito nanaman siya? 


Simula nung araw na dumating si dad ay lagi na siyang nakatambay dito, "I'm accompanying you" simple niyang sagot habang nakataas pa ang dalawang paa sa center table ko dito sa opisina ko


"Ibaba mo nga 'yang paa mo. Feel na feel mo pagtambay dito ah" inis kong sabi habang patuloy sa pagtatrabaho


Ramdam ko ang tingin niya sakin pero hindi ko ito pinansin. 


"Why are you so grumpy? Masiyado ka bang nahihirapan sa ginagawa mo?" he said as he started to walk towards me. "Hindi ba halata? Gusto mo i-try?" sarkastiko kong sabi


I heard him chuckle so I glared at him kaya napatigil naman siya "Alright, sorry" he said while grinning


Hindi ko alam kung ano bang nakain ng isang 'to at parang lagi na niya akong inaasar lately, nung una ay okay lang pero habang tumatagal ay mas lalo niyang nakukuha ang inis ko


"Ano bang kailangan mo at lagi ka na lang nandito?" I said while he was standing beside me


"Hmm..."


"I'm bored, madali ko lang kasing natatapos yung mga kailangan kong gawin" he said while shrugging


"Kaya naisipan mong ako ang guluhin?" mas lalong sumasama ang timpla ng mood ko kase buti pa siya natatapos niya agad mga gagawin niya


"Are you jealous? Gusto mo tulungan kita?" sabi niya at humila ng upuan at nilagay ito sa tabi ko sabay upo niya. Napaisip naman ako sa sinabi niya, wala naman sigurong masama kung magpapatulong ako 'di ba? Wala namang masiyadong importante dito so safe naman ata

Huh?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon