Chapter 20: Arrival

197 13 6
                                    

Magtiis kayo sa Filipino words dito di ko alam bakit puro Filipino words yung POV ni Elias...


~~~~~~~~~~~

Elias' POV

"Mr. Elias!" agad akong napatigil sa pagaayos ng mga documents sa opisina ni Hailey nang may sumigaw. Agad ko itong nilingon at nakita ang isa sa mga empleyado na hingal na hingal

"Bakit?" kalmado kong tanong at pinagpatuloy ang pag-aayos ng mga dokumento

"Si... si Lord Mercia!" nabitawan ko ang mga papel at napatingin sa kaniya

"What about him?" I asked nervously 

"Dumating... na po siya" hinihingal nitong sabi at naramdaman ko ang gulat sa sinabi niya. Sinabi nga niya na babalik siya ngayong linggo pero hindi niya sinabi na ngayong araw na mismo

Nagmamadali akong lumabas ng opisina at gayundin ang empleyadong nagbalita sakin. Habang naglalakad ako sa pasilyo ay nakasalamuha ko si Kyran "Greetings, Mr. Kyran" pagbati ko sa kaniya at tumango siya

Mukhang nalaman niya din ang pagdating ni Lord Mercia "Nasaan si Dad" tanong niya sa empleyadong kasama ko

"Nandoon po siya sa audience room ngayon" sabi nito habang nakayuko

"Si Hailey?" tanong ulit ni Kyran

"Sa pagkakaalam ko po ay nandun pa din po siya sa kwarto niya at natutulog. Ginigising pa po siya ni Ria" tumango naman si Kyran at pinaalis ito

"Come with me" sabi niya habang nakatingin sa akin kaya sumunod ako ng walang imik

Pagdating namin sa harap ng audience room ay naramdaman ko na agad ang isang malakas na awra na nagmumula sa loob. Kung isa akong normal na tao ay baka kanina pa ako hindi makahinga sa sobrang lakas ng presensiya na nagmumula dito

Tumingin sa akin si Kyran at tumango. Agad ko namang naintindihan ang gusto niyang iparating at agad akong nagsalita "Lord Mercia, Mr. Kyran has arrived" I announced

Pinakiramdaman namin ang nasa loob ng biglang bumukas ang pinto senyales na pinapapasok niya kami

Naunang pumasok si Kyran at sumunod ako sa likod niya. Unang tapak pa lamang namin ay agad kong naramdaman na para bang may nakadagan sakin na isang malaking bato

"Tsk" napatingin ko kay Kyran at kita sa mukha niya ang hirap at inis

Di nagtagal ay nakita namin si Lord Mercia. Kampante itong nakaupo sa sofa habang umiinom ng tsaa


"Greetings, Father" magalang na pagbati ni Kyran at yumuko

"Kyran... why don't you sit down" saad nito at umupo si Kyran sa harapan nito


Nalipat ang tingin niya sa akin kaya agad akong yumuko "Greetings, My Lord"


"Hm... looks like my daughter's still keeping you around" sabi niya


" Yes, My Lord" sagot ko. Kilala ko siya, ang ayaw niya sa lahat ay yung mga taong madaling magpakita ng kahinaan nila. Sa oras na ipakita mong mabilis kang maapektuhan ng mga salitang binitawan niya, panigurado ay mas lalo ka nitong papahirapan


Di nagtagal ay bumukas ulit ang pinto at agad na pumasok ang apat na kasintahan ni Hailey

"Greetings, Father" sabay-sabay nilang bati sa kaniya

Pinaupo sila at agad naman silang tumalima

"To think that my daughter would still keep all of you around. All of you must've kept her entertained" he said maliciously

Huh?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon