Hailey's POV
Di nagtagal ay nagsimula na ang entrance ceremony, kuno.
Siyempre pag may gantong ceremony, hindi na talaga mawawala ang mga mahahabang speech ng kung sinong may mataas na katungkulan sa Academy. Normally, I would just sleep through the whole speech not caring about its content, pero ngayon di man lang ako bisitahin ng antok dahil sa mga matang kanina pa tumititig sakin
I can feel their gaze, kulang na lang ay butasin nito ang noo ko. Masiyado nilang pinapahalata na maganda ako. Joke.
I folded my arms and sighed while looking at the person on the stage
"Our Academy will be able to help you to nurture your talents, and with the help of your professors and the facilities you will be able to have a very comfortable learning environment--" bla bla bla
Sa dami ng sinabi niya ay walang pumapasok sa isip ko. I looked around and saw some students averting their gaze away from me when they saw me looking at them
Dahil nandito kami sa pinaka likod ay kitang kita ko ang mga estudyante sa harap, may ilan na katulad ko ay halatang di nakikinig, yung iba naman ay nakatuon ang pansin sa harap at talagang nakikinig sa bawat salita na sinasabi ng representative habang yung iba ay wala nang pake at talagang natulog na
Habang nagmamasid ako sa paligid ay napansin ko ang mga taga class A na grabe kung makatitig, some of them looked confused as to why I'm sitting here, while some of them looked satisfied knowing that I was kicked out of their class
Tumingin ako kina Kyran at nakita kong gumalaw ang bibig niya, I stared at him trying to figure out what he's trying to say
"Are you okay?"
Yun ang naintindihan ko sa sinabi niya kaya tumango lang ako, he sighed and looked relieved. I looked at the others and it seems like they also had something to say but kept their mouth shut.
I shrugged and looked somewhere else, napansin ko na nakatingin din sakin yung iba kong kaklase lalo na itong babae na katabi ko. I looked at her and raised my brows
"What?" naiirita na talaga ako dito, ikaw ba titigan ng maraming tao ng sobrang tagal. Nase-self conscious ako dito
She looked shocked but averted her gaze while shaking her head
Ilang dekada na ang lumipas at sa wakas ay natapos na din ang napakahabang speech na dinaig pa mga history book sa sobrang haba ng sinabi niya
Everyone clapped their hand, siyempre di ako nakisabay kase tinatamad ako. Di nagtagal ay nagsitayuan na ang mga estudyante and since class F kami siyempre kami ang huling lalabas, dami nilang kaartehan kung kami na kase pinauna nilang palabasin since malapit lang naman kami sa pinto
Naka upo pa din ako habang hinihintay na lumabas yung iba, gusto ko na sana tumayo kaso panigurado sakin nanaman mapupunta ang atensyon ng mga yan. I yawned while waiting for them to leave the room until I saw a few students stopped their tracks right in front of me
BINABASA MO ANG
Huh?!
General Fiction"We're your fiancee!" Ikaw ba pag nagising kang may limang fiancee anong gagawin mo? At pag nalaman mong madaming may galit sayo to the point na gusto ka nilang patayin, what will you do? Hailey Audrielle Mercia, that's my name. No. To be exact...