Hailey's POV
"Ms. Hailey, may letter po para sainyo"
"Come in"
Ibinaba ko ang libro na binabasa ko nang inilagay ni Ria ang letter sa table ko. Tiningnan ko ito at nakita ang isang pamilyar na seal.
ENS Trinity Academy
Yan ang nakalagay sa dulo ng envelope "Ria, may dumating din bang envelope para sa kanilang lima?"
"Opo" tumango tango ako at kinuha ang envelope, grabe ang bongga ng pangalan ng academy. Pati tong envelope ang ganda din, itago ko nga to
Dear Ms. Hailey Audrielle Mercia;
On behalf of ENS Trinity Academy, I am pleased to congratulate you on your acceptance in our Academy. We are glad to accept another talented and skilled student in our Academy, if you have any concerns please do not hesitate to call or leave us a message. Thank you for choosing our institution to help you improve and widen your knowledge.
Yours sincerely,
Mya Dillon
School Administrator
Fancy. Mukhang may bago nanaman akong poproblemahin.
"Ria, prepare to go out" sabi ko at itinago ang letter sa drawer ko bago lumabas ng office.
"Good morning Ms. Hailey" bati sakin ng mga empleyado at tinanguan ko lang sila. Habang tumatagal ay mas umaayos ang atmosphere sa paligid ko, mukhang nasasanay na sila sa presensiya ko
"Ms. Hailey saan ka pupunta?" tanong sakin ni Elias
"Lalabas ako, bakit?"
"Anong gagawin mo sa labas?"
"Secret, bakit ko sasabihin?" sabi ko na parang nang-aasar kaya napabuntong-hininga na lang siya
"Anyway ikaw na muna bahala, tapos ko naman na yung mga dapat kong gawin. Pag may naghanap sakin sabihin mo naglalakwatsa ako" sabi ko at tumango naman siya
"I understand" pagkatapos nun ay tumalikod na ako at lumabas ng mansion at pinuntahan ang garahe
Mukhang sinabihan naman na sila ni Ria at nakita kong naka prepare na ang paborito kong sasakyan "Valor, ikaw ba ang magmamaneho?" tanong ko kay Valor ng makita ko siyang pinupunasan ang mga side mirror ng sasakyan
"Yes po ma'am Hailey" tumango ako at pumasok sa loob ng sasakyan
"Hintayin muna natin si Ria" sabi ko at natahimik siya saglit bago tumango, hindi nagtagal ay dumating na si Ria at umupo siya sa may shotgun seat
BINABASA MO ANG
Huh?!
General Fiction"We're your fiancee!" Ikaw ba pag nagising kang may limang fiancee anong gagawin mo? At pag nalaman mong madaming may galit sayo to the point na gusto ka nilang patayin, what will you do? Hailey Audrielle Mercia, that's my name. No. To be exact...