'Calliope!' napalingon ako sa direksyon ng tumatawag sa pangalan ko.
There I saw Kylie. Nakasabay ko syang mag enroll at pareho din kami ng course. Sya lang din ang kakilala ko dito sa Yale. Di naman ako pwede makipagsabayan sa mga mayayamang estudyante dito. Hindi madaling makipagkaibigan kasi napakahigh profile nila. So far, si Kylie pa lang yung nakilala kong kahit mayaman eh napakahumble at napakabait pa.
'Kanina ka pa?' tanong ko sabay upo sa upuan na nireserve nya para sakin.
'Quite a bit. What took you so long? Our class will start in two minutes. Good thing you made it before the professor arrives.' nakangiti nyang tanong habang tinitingnan ang kanyang relo. Rolex be. Di ko keri.
Yun nga lang, dahil mayaman eh englishera rin tong si Kylie. Halos lahat naman yata ng mga mag aaral dito eh. Mukhang mapapasabak ang english vocabulary ko. Huwag lang sanang dudugo ang ilong ko.
Napabuntong hininga ako bago sumagot.
'I just ran into a spoiled bratt student earlier. I bumped into her causing my coffee to spill on her shoes.'
Tangina. Ang hirap pag di sanay mag english ah. Mukhang kailangan ko na ng practice. Mapapalaban ako sa mga english speaking people dito. Pambihira.
Naputol yung pagrarant ko nang magsitayuan na ang mga kaklase namin. Ibig sabihin nandito na yung professor.
Meet and greet with the class adviser yung first period namin.
'Good morning everyone. I'm Professor Cassandra Pineda. I will be your class adviser and your photography class instructor. So today, we'll gonna do the usual meet and greet. You will introduce yourself to the class so we can get to know each other.' pagpapakilala nya sa sarili bago sya maupo at saglitang tumingin sa laptop nya.
The meet and greet went on until it's time for my turn. I stood up in front trying to sound confident. All eyes were looking at me.
'Hi everyone. I'm Calliope Hernandez. You can just call me Callie. I took up this course because I really love art. Everything about it—-' pinutol ni professor Pineda ang sasabihin ko.
'Excuse me, miss Hernandez. Sorry to interrupt you but where is your ID? Why are you not wearing it inside the school premise?' seryosong tanong nya.
Hala! Ngayon ko lang din napansin. Oo nga, hindi ko suot ang ID ko.
'Sorry professor.' yun nalang ang tanging nasagot ko.
Mabilis akong bumalik sa upuan at hinalungkat ang bag ko pero hindi ko mahanap. Bakit wala dito yun?
Kunot noo akong pinagmamasdan ni Kylie.
'Hey, Is everything alright? Looks like it's not there. You've already taken out all the things inside your bag. Baka naiwan mo somewhere? Di mo maalala?' biglang tanong nya.
Pambihira. Marunong naman palang magtagalog to. Pinapahirapan pa ako.
'Marunong ka naman palang magtagalog?' nagulat pa ako ng bahagya pero slang ang pagkakabigkas nya ng mga salita.
'Of course naman. I speak the language. Mas comfortable lang akong magsalita ng english pero naiintindihan ko no.' nangingiti nyang tugon.
BINABASA MO ANG
MASTERPIECE (ProfXStudent)
RomanceSome people are artists, but you are an art. You're a masterpiece.