'Hey, what are you thinking?' pagpuna nya sakin kasabay ng paghawak ng kamay ko.
Ang kaliwa naman nyang kamay ay nakahawak sa manibela. Napakahot naman ng girlfriend ko jusko. One hand driving yan?
Oo kasalukuyan kaming nasa sasakyan at ihahatid nya daw ako sa apartment. Nagiging clingy na ang bebe ko na yan.
Umiling ako.
'Wala. Stress lang ako sa sobrang dami ng projects. School stuff. Patapos na kasi ang taon. Pasuko na rin ako.' pagrereklamo ko. Sumandal ako sa car door paharap sakanya para makita ang magiging reaksyon nya.
Bumaling sya saglit sakin tapos ay binalik din agad ang focus sa pagddrive.
'Can I help you with something?' biglang nagliwanag ang mukha ko pagkarinig nun.
'Yung pafinal project mo samin, isa yun sa nagpapahirap sakin. Ang hirap ng sculpture... ang sakit sa kamay.' nakasimangot kong tugon.
'Nah... you can't use your girlfriend card on this. I won't tolerate it. You have to do it. If your work is terrible, I would still fail you.' nangingiti nyang komento.
Napakaganda naman ng mahal ko. Sana lagi nalang syang nakangiti.
'Grabe ka! Ibabagsak mo pa talaga ako...' nagtatampo kong sagot.
Kala ko makakalibre na ako ng project, di pala. 😅
'Im just teaching you how to be responsible. I know you can do it. I believe in you. On monday, I'll be in the Art room. I suggest, you do your project at that time. I'll watch you and check your work too. Let's see what is this you're doing wrong that makes it very difficult for you.' suhesyon nya.
'Okay. But please don't be so hard on me. Wag mo ko masyadong pagalitan ah? Oh inunahan ko na sya. Mabilis kasi mag init yung ulo. Perfectionist amp.
'We'll see about that. ' matipid nyang tugon.
Tingnan mo 'to. For sure, magkakamali ako at mapipikon na naman sya.
Nanahimik nalang ako at umayos ng upo.
'Syanga pala. Pag natapos na ang semester, uuwi muna ako ng probinsya para magbakasyon.' naalala ko lang. Di ko pa kasi nabanggit sakanya.
Namimiss ko na si mama sobra.
'Good. I'm coming with you.' seryoso nyang saad.
Nanlaki ang mga mata ko. Akala ko ba magiging busy sya sa kumpanya nila buong bakasyon?
'Hm... sobrang payak lang ng pamumuhay namin sa probinsya. Tsaka napakaliit at napakasimple lang din ng bahay namin..' nahihiya ko pang tugon.
Sinamaan nya ako ng tingin.
'I'm not coming because of the house. I'm coming because I want to spend time with you, dummy.' Oh tingnan mo, pikon na sya nyan.
Namumula tenga nya sa inis. Pikunin pa natin lalo.
'Eh sabi mo magiging busy ka sa company nyo nitong bakasyon...' dahan dahan ko pang sinasabi yan habang unti unting sinisipat ang magiging reaksyon nya.
Nagulat ako dahil bigla nyang hininto ang sasakyan.
Humarap sya sakin na nakakunot noo pa. Wala na. Sagad na to. Galit na ang ating bida.
BINABASA MO ANG
MASTERPIECE (ProfXStudent)
RomanceSome people are artists, but you are an art. You're a masterpiece.