'Kamusta naman ang inlove kong kaibigan, hmm?' bulong ni Kylie habang nag aayos ng kanyang gamit para sa klase namin.
Ngumiti lang ako sakanya bilang tugon.
'Huwag mo akong idaan sa pangiti ngiti mong yan. Marami kang utang na kwento sakin.' nakasimangot nyang tugon.
'Oo alam ko ...' sagot ko naman.
Naputol ang pag uusap namin dahil nandito na si professor Elle.
Saglit syang tumingin sa direksyon namin bago mag umpisang magsulat sa board.
Sa kalagitnaan ng klase, bigla nalang akong tinawag ni Yvo.
'Good morning, Callie.' nakangiti nyang bati.
Ngumiti rin naman ako bilang tugon.
Bigla syang may inabot na card sa mesa ko.
Napatawa ako dahil medyo nanginginig pa ang kamay nya pagkapatong ng card.
'What's that noise all about? Mr. Alejandro? Ms. Hernandez?' seryosong tanong ni professor.
'Are you even listening to the class?'
Napayuko ako sa hiya at takot na rin. Napakacold ng boses nya. Ang talim din ng tingin nya samin.
'Sorry professor. Its my fault.' paumanhin ni Yvo.
She sighed.
'Miss Hernandez, meet me in my office after class.' diretsa nyang sabi.
'Pero professor, ako po yung may kasalanan...' tugon ni Yvo.
'You heard me.' tipid nyang sagot bago muling humarap sa board.
'Sorry.' bulong sakin ni Yvo.
Tumango lang ako bilang tugon.
Hinawakan naman ni Kylie ang kamay ko at nagpatuloy na kaming nakinig sa klase.
'Samahan na kita sa faculty?' alok ni Kylie pagtapos na pagtapos ng klase.
'Hindi, okay lang. Salamat.' tugon ko.
'Oh sige. Balitaan mo ako ah? See you tomorrow.'
'Ingat.' tipid kong tugon.
Kinuha ko na yung card na nasa ibabaw ng mesa at dumerecho nako sa office ni professor.
Patindi ng patindi ang kabang nararamdaman ko habang palapit ako sa office nya.
Kumatok muna ako bago buksan ang pinto.
Tumambad sakin si professor na sobrang abala sa kanyang computer.
Saglit syang nag angat ng tingin sakin.
'Have a seat.' casual nyang alok.
Sumunod naman ako kaagad.
Umupo na sya ng maayos at hinarap ako.
'Ah .. professor, tungkol po dun sa --'
Hindi nya ako pinatapos sa sasabihin ko.
'Is that the card that he gave you? May I see?' tinuro nya ang hawak ko.
Inabot ko naman ito kaagad.
Binuksan nya at binasa ng malakas.
'Dear Callie,
You're one of the reasons why I'm inspired to go to school everyday.
Just wanna remind you that you're always beautiful. Always.
BINABASA MO ANG
MASTERPIECE (ProfXStudent)
RomanceSome people are artists, but you are an art. You're a masterpiece.