'Callie!'
Rinig kong tawag ni Kylie mula sa dulo ng pasilyo. Napalingon pa ang iilang estudyante sa lakas ng sigaw nya. Di naman ako bingi, makasigaw eh ...
Napakalakas talaga ng boses ng babaeng 'to. Mapapailing ka nalang talaga eh tsaka matatawa. Akala mo may built-in na mic sa loob ng katawan.
Mabilis kong isinilid sa bag ang papel na binabasa ko. Mga tuntunin yun sa pinasukan kong bagong part time job. Isang kilalang restaurant at isa ako sa mga crew na magseserve sa catering service para sa kaarawan ng anak daw ng senador.
Kailangan kong magdoble kayod kasi kulang pa ang naitatabi kong pambili ng camera para sa photography class. Kailangan ko na rin kasi yun next week. Medyo magiging busy rin ang schedule ko sa mga susunod na araw dahil dalawa na ang pinapasukan kong trabaho tapos nagppractice pa ako ng swimming.
Literal na kahit anong trabaho nito, basta marangal eh papasukan ko talaga at ipipilit isingit sa oras ko dahil kailangan na kailangan. Nagpapadala rin kasi ako sa probinsya dahil naggagamot na rin si Mama. Namimiss ko na nga rin sya eh. Kung pwede nga lang mag-uwian samin, gagawin ko. Di bale, lahat naman ng sakripisyong 'to, ginagawa ko para saming dalawa. Madalas nakakapagod at nakakasuko na rin, pero pahinga lang saglit tapos laban na ulit para sa kinabukasan.
'Hey, are you alright?' tanong ni Kylie na nasa tabi ko na pala. Di ko sya kaagad napansin.
'Oo naman. Good morning.' nakangiting bati ko. Para naman di nya mahalatang ang aga aga pa eh, tulala na ako.
'Have you already read the books? How was the experience?'
Wow ha?! Good morning naman sayo 'te. Aba at inuna pa talagang kamustahin ang mga libro.
Kasalukuyan na pala kaming naglalakad papasok sa first period.'Hindi pa nga eh. Pero dinala ko ngayon para pwede kong basahin kapag vacant period natin.' sagot ko naman saka ko inangat ang dalawang libro na yakap yakap ko. Eh pa'no naman kasi hanggang ngayon di ako makaget over sa mga cover pictures, nakakahiya. Ang laswa tingnan. Pambihira kasi.
'Oh, okay. But you have to hide those. Those manga are prohibited in school, di ba?' pagpapaalala nya.
Hala? Oo nga. Ano ba kasing naisip ko at dinala ko pa ang mga ito? Ang tanga mo talaga, Callie! Kapag kasi sa bahay, hindi ko na 'to mapapansin. Napakabusy ko ba namang nilalang sa buhay. Ako lang yata ang tanging busy na hindi pa mayaman, jusko!
Pagkarating namin ng classroom, kaagad kong itinago sa ilalim ng mesa ang mga libro bago pa may makakita. Nagdala pa talaga ako ng problema sa school. Ang kakapal pa naman ng mga ito.
'Hi Callie. Good morning.' nakangiting bati ni Yvo. Sa may likuran ko ang pwesto nya.
Lumingon naman ako saka ngumiti bilang tugon.
Napakagwapo din ng isang 'to eh. Pang hearthrob ang mukha pero diko lang talaga sya type. Medyo malamya din kasi ang datingan nya. Yung tipong pag pinatid, madadapa agad. Hahaha.
BINABASA MO ANG
MASTERPIECE (ProfXStudent)
RomanceSome people are artists, but you are an art. You're a masterpiece.