'Tuloy po kayo.' masiglang bati ng guard sa isang camera shop na pinasukan ko.
Kailangan ko nang makabili ng camera para sa photography class namin.
Sana naman ay sumapat yung kaunting naipon ko at yung sahod sa event kagabi.
Napakamot ako ng batok nang maalala ko na naman yung kahiya hiyang nangyari. . Nakakainis talaga.
Buti na nga lang at sinahuran pa rin nila ako sa kabila ng kapalpakan.
Naaalala ko pa rin ang dismayadong mukha ni professor. Bakit ba kasi ako nakakaramdam ng guilt eh tama lang naman yung ginawa ko?!
Bakit naman kasi ganun yung ekspresyon ng mukha nya? Akala mo naman eh pinagbagsakan ng langit at parang natalo sa kung ano mang hamon ng buhay ang reaksyon nya.
Eh sya nga dyan, wala rin namang pakielam sakin kung ano man ang maging reaksyon ko tuwing masasaktan nya ang damdamin ko, tapos ako heto, parang tangang iniintindi pa ang nararamdaman nya, jusko. Napakarami ko ng pinoproblema, hayaan mo na yun Callie at lilipas din.
Para kasing sobrang offended sya kagabi dahil nga sumama ako kay Rackie samantalang todo tanggi naman ako sa kanya.
Ayoko na ngang isipin pa. Bahala sya dyan.
Pero sobrang thankful talaga ako sa pagtulong nila ng kaibigan nya. Si Miss Brynn. Hindi ko yun malilimutan.
'Magandang araw po.'
Nakangiting bati ng staff sa loob ng shop na nakaagaw ng atensyon ko.
Nakangiti rin naman akong lumapit.
'Miss, ano po yung cheapest camera nyo dito na maganda rin yung quality ng kuha? Para sa photography class po kasi.' medyo nahihiya kong tanong.
'Hanapan po kita ma'am.' nakangiti nyang tugon bago mabilis na tumalikod.
Inikot ko muna ang tingin sa paligid habang naghahanap si ate ng camera para sakin.
Sobrang laki rin pala nito sa loob saka napakadami rin ng mga namimili.
Napukaw naman ang atensyon ko ng nakadisplay na camera sa may unahang shelf.
Wow! Napakaganda naman talaga nito. Isa ito sa mga expensive at magagandang camera. Nikon Z8. Nakakalula din yung presyo nya.
'Gusto nyo po ba ang isang yan?' nagulat naman ako kay ate na bigla nalang sumulpot mula sa likuran.
'Ah, hindi po. Masyadong mahal. Tinitingnan ko lang po.' saan naman ako kukuha ng pambili? Mukhang mas mahal pa yata sa buhay ko ang camera na ito?
'Heto na po pala yung pinakacheapest yet good quality camera dito sa store namin. Good grip din po.' paliwanag nya saka inabot sakin ang hawak na box.
Kaagad ko naman itong kinuha at tiningnan ang kabuuan pati ang mga parts na nakakabit dito. Grabe, napakaganda rin. Ang gaganda lahat ng mga products nila.
'Magkano naman po ang presyo nito?' kaagad na tanong ko.
'₱25,000 pesos po yan, ma'am.' magalang nyang sagot.
BINABASA MO ANG
MASTERPIECE (ProfXStudent)
RomanceSome people are artists, but you are an art. You're a masterpiece.