GARNET I
Her picture was on the media ;)
Scanning profile... Loading... Project: Calendar Girls number one...
Name: Garnet Garcia
Nickname: Gare
Birthday: January 21, 1991
Sex: Female
Age: 24 yrs old
Occupation: Nurse
Vital statistics: 34-25-34
Height: 5'4"
Zodiac Sign: Aquarius
Birthstone: Garnet
Sign Characters: Knowledge, Humanitarian, Serious, Insightful, Duplicitous
Love interest: Doctor Kiko Molina
+++
THE ANGELS
At Liwayway General Hospital... 0723 hours
"Lalaki ang love interest nya?" bulalas ni Uno na inagaw ang iphone ni Dos. Inemail na lang kasi ni San Pedro yung rest of the information about sa Calendar Girls. Gumagamit rin naman ng technology ang mga taga-langit. Eh sa kanila nga nanggaling ang concept ng mga gadgets dito sa earth eh.
"Malamang. Kiko nga pangalan di ba?" pabalang naman na sagot ni Dos.
"Ito naman. Nagtatanong lang eh ang suplada na agad. May period ka ba?" pang-iinis ni Uno sa kanya.
"Nagkakaperiod ba tayo? Anghel tayo dude. Wag ka ngang shunga." Ganti naman ni Dos. Palagi nga silang ganyan. Si Uno at Dos ang laging nagbabangayan samantalang si Tres naman ay cool lang na nakatingin sa dalawa. Nasanay na rin kasi sya sa dalawang kaibigan. Tumutulong lang sya kung nagsasakitan na ito physically na so far hindi pa naman ginagawa ng dalawa. Word war lang lagi.
"Shunga? Ako? Sa ganda at sexy kong to at sa dami ng naging accomplishment ko, shunga pa sayo? Eh sa I'm getting you by tricking you a question, high blood agad ang peg." Ayan mga kaibigan, nagsisimula na silang mag-away.
"Accomplishment? Hindi mo magagawa lahat ng yun Uno kung hindi dahil sa akin." Maangas din na sabi ni Dos. Tumaas naman ang kilay ni Tres. Nakatingin pa rin sya sa labasan ng Hospital na pinagtratrabahuan ni Nurse Garnet o kilala sa nickname nyang Nurse Gare. "Kung hindi sa katalinuhan ko, malamang nasa Sheoul ka na ngayon at isa ka na sa demonyo ni Lucifer."
Sheoul ang opposite ng langit. That means hell. And doon exactly ipapatapon ang tatlo kung hindi nila magagawa ng maayos ang mission nila ngayon. Seryoso talaga si Lord sa banta nya. Sakit ng ulo rin naman kasi tong tatlo.
"Katalinuhan?" Uno puffed. "Lamang ka lang ng wampoint sa Cherub's board exam sa akin ganyan ka na kaangas? Eh sa field naman wala kang binatbat." Duro ni Uno kay Dos.
"Anong wala? All my clever plan succeeded. Kung hindi dahil sa mga idea ko hindi ka mananatili sa langit!" si Dos.
"Eh sino bang nagsasagawa ng plano di ba ako?" sabi ni Uno na tinuro ang sarili. Dun na tumikhim si Tres. Eh sa totoo lang kasi si Tres ang gumagawa ng agaw buhay na mga eksena sa missions nila. "I mean kaming dalawa ni Tres," Uno rephrase her first statement dahil natakot sa tikhim ni Tres. Ang tigre rin kasi ng anghel na to. She was refraining herself sa batok na ibibigay na naman nito sa kanya kung saka-sakali. She doesn't wanna mess with the hot tempered angel. "Kaya wala kang karapatang angkinin ang lahat ng credits Dos!"
At nagsisigawan na yung dalawa. Buti na lang naka-angel mode pa sila at ang mga taong nasa paligid ay unaware sa presence nilang dinaan-daanan lang sila. Kahit na magsisigawan pa sila'y hindi sila maririnig ng mga tao.
BINABASA MO ANG
Calendar Girls SERIES (GirlXGirl) - JANUARY
Fantasy"Instead na paibigin yung mga tao sa mga dapat ay nagiging destiny nila, eh ang nangyayari napapares sila sa mga hindi dapat. Like Ellen and Portia, Aiza Seguerra and her partner, Charice at yung gf nya at marami pang iba. Nakuu ginagawa nyong lesbi...