GARNET III: Ang Nakaraan

4.9K 141 32
                                    

Gare's FPJ was on the media. :D

DD na to sayo @bluelove_15 dahil sa tamang sagot mo last time and I used your name without consent so... bleeehhh XD ... Alam kong maligaya ka naman. Haha! Wag pa-choosy... XD

+++

Still on Day One...

(Epal ni San Pedro: "Ang slow ng progression. Tsk. Tsk. Tsk.")

+++

THE ANGELS

"Ano bang pinagsasabi nyo?" nagtatakang tanong ni Uno sa dalawang, di mapuknat-puknat ang ngiti sa labi. Nang di sumagot ang mga ito ay biglang inagaw ni Uno ang iphone ni Tres, kung saan naroon nakasave ang kaninang iniisip ni Gare.

"Bantayan nyo si Nurse Gare ha." Hirit pa nya at puwesto na sa malapit na upuan para panoorin ang memory ni Gare.

"Uie patingin rin." Hirit naman ni Dos. "Oh Tres, toka mo muna ha." Utos ni Dos sa napasimangot na anghel. Wala namang magagawa si Tres kundi sundin ang mga ito.

Ang flashback ay nagsisimula na...

"Miss Garcia? Will you answer the question please?" walang sagot mula sa tinawag... "Miss Garcia?" ulit na tawag ng teacher.

"Gare, tawag ka ni Mrs. Blanca." Siniko ng lalaking nerd ang kaibigang katabi, na gayon nga'y nakatulalang nakatingin sa labas ng classroom. Nasa tapat kasi ng room ang open court nila sa school kaya malaya itong nakakasilip mula sa second floor na room nila doon sa court.

Natauhan naman ang siniko at hinarap ang galit na mukha ng teacher sa harapan.

"Sorry teacher. A-ano po u-ulit yun?" natarantang sabi ng 17 yrs old na babae. She's in the senior year sa high school pero hindi sya yung typical na estudyanteng malaya at happy-go-lucky. Member sya ng nerd students na laging nakayuko lang kung naglalakad, super mahiyain at ang kaibigan lang ay ang mga libro.

Ahh may kaibigan nga pala sya. Si Elijah, ang nerd bestfriend nya. Lagi nga silang tinutuksong bagay sila dahil para daw silang si Betty La Fea at yung kaibigan nya. Nakabraces rin kasi ang magkaibigan at may bangs rin si Gare. She's not ugly pero her nerd look ang binabasehan nila para tuksuhin ito.

Member rin si Gare sa mga nakahiligang tuksuhin ng mga kaklase. Sa madaling salita, bullied sila. Dalawa sila ni Elijah at marami pang weaklings sa Victoria Boarding School.

(A/N: VBS? Hehehe. Opo, ginamit ko na rin dito. Napagod na akong mag-isip pa ng mga lugar at pangalan kaya expect na lang po ninyo na mabubuhay lahat ng mga characters at lugar na nabasa nyo sa stories ko, in this story. Enjoy reading! *grin*)

"Are you day dreaming on my class Miss Garcia?" medyo galit na tanong ng teacher kay Gare.

"Nagdeday dream na naman sya kay Elijah, teacher!" sigaw ng isang kaklase nila. Siniship talaga kasi sila ni Elijah ng mga classmates nila.

"T-talaga Gare?" bulong naman ni Elijah sa kaibigan. Tukneneng namang naniwala si Elijah sa mga kaklase. Pulang-pula naman si Gare while shooking her head at napayuko.

Narinig yun ng mga kaklase nila at naging tampulan na naman sila ng tukso. Namumulang kamatis ang dalawa. Hiyang-hiya sa nangyayari. Buti na lang napatigil ang mga ito ni Mrs. Blanca. Pinaupo na ni Mrs. Blanca si Gare na namumula pa rin mula sa pagkakapahiya.

Yes, she was day dreaming. Tama naman sila dun pero hindi dahil kay Elijah. Kundi sa taong nagbabasketball kanina. Sa long time crush nya at badass sa school. Hindi alam ni Gare kung bakit sa gang leader pa sya nagkagusto.

Calendar Girls SERIES (GirlXGirl) - JANUARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon