GARNET
Naalimpungatan ako sa mga boses na naririnig ko. It was something like their battling for some reason while i could barely understand what they're talking about dahil parang umiikot ang mundo ko at blurry pa ang vision ko.
But later on, i can clearly hear what they are saying and they really seem to fight over something. I still can't recognize them, i'm still gathering my thoughts.
"Yani, pag nakita ka ni bossing sa ginawa mo sa babae nya, nakuuuu lagot ka talaga." i heard familiar voices. And what... Yani?
"Oo nga, Yani. Bakit naman ginanyan mo ng karga si nurse. Para tuloy syang baboy." sabi ng isa pang pamilyar na boses. I think i know them.
"Eh sabi ni boss dalhin lang daw sa kwarto nya. Wala namang sinabing specific instruction kung panu dadalhin si Gare dun. Narinig nyo ba kung meron?" nagpatuloy ang pag-ikot ng paningin ko. Nahihilo na talaga ako pero pinilit ko pa ring makinig sa usapan nila. I tried to open my eyes pero lalo lamang akong nahihilo kung binubuksan ko ito. What is happening? Anong tinutukoy nila? Palagay ko, lumilindol sa paligid dahil hindi ako makatingin ng maayos.
"W-wala naman pero ang harass mo pa rin." sagot naman ng isa. Kilala ko talaga ang mga boses na to eh. Isip. Isip. Isip, Gare.
Bumuntong hininga naman yung isa. Ba't parang mas naririnig ko ito kaysa sa dalawa? As if ang sobrang lapit ko dito? I tried to open my eyes again at para makakita lang ng blurry red color. I don't understand my vision, as if my whole world was being swayed.
"San na nga ulit daw yung kwarto ni boss?" narinig kong tanong ng lalakeng mas malapit sa akin. Medyo clear na yung vision ko and i saw that the red color i was referring kanina ay isa palang color ng tee shirt. Kaya yun lang ang nakita ko kasi nakaharap ang mukha ko dun mismo while my hands and hair are dropping downwards as i realized na likod pala to ni Yani at para nga akong towel na sinukbit sa balikat nito.
What the hell! Kaya pala hilong-hilo ako dahil ganun ang posisyon ko. I saw two pairs of legs accompanying Yani, sigurado akong si Empoy at Bentong ang mga yun. 'langya naman tong mga to. Kasabwat pala nila si Faena. Ano kayang binabalak nila? Are they going to hurt me? Knowing Faena's a master of all evil, wow! Of all evil talaga? 'kay, hindi naman but she's a gang leader and the hell na hindi ko nalaman man lang na gang member pala nya tong tatlong ungas na to'y nagmukha akong estupido sa kanilang apat.
"Sa kanang gitna daw. Yung sa master's bedroom." narinig kong sagot ni Tong.
I need to get out of here. Syempre, alive and safe. I wonder what they will do to me? Are they going to gang rape me? Magagawa ba to ni Faena sa akin? Magagawa ba to ng tatlo sa akin? Hindi ko na alam kasi nawalan na ako ng tiwala sa kanila. They probably can do that. Nagsinungaling nga sila sa akin di ba? The thought scares me but i needed to keep calm. Hindi ako makakatakas sa mga halang ang kaluluwang, mga taksil na akala ko'y mga kaibigan kong to, kung maghehysterical ako dito. So, nagpanggap pa rin akong walang malay at grabe, hilong-hilo na talaga ako. May times pa na di sinasadyang matama ako sa pwetan ni Yani. Gawd, maawa naman kayo sa akin.
"Oh, dito na ata." narinig kong sabi ni Empoy kasabay ng pagtigil nila.
"Malamang. Ito lang naman yung nasa gitnang kwarto sa kanan." bara ni Tong. Eto talagang dalawang to.
"Tss." yun na lang nasabi ni Poy.
"Buksan mo na. Ang bigat na eh." reklamo ni Yani. Hala! Ako? Mabigat? Ang sexy ko kaya! Para nya na ring sinabing mataba ako. Hmp!
"Wala akong susi. Nakalimutang ibigay ni Boss." si Poy. Nagnanakaw ako ng tingin sa mga ginagawa nila. Gosh, ang sakit na ng leeg ko. Nangangalay na ako.
BINABASA MO ANG
Calendar Girls SERIES (GirlXGirl) - JANUARY
Fantasía"Instead na paibigin yung mga tao sa mga dapat ay nagiging destiny nila, eh ang nangyayari napapares sila sa mga hindi dapat. Like Ellen and Portia, Aiza Seguerra and her partner, Charice at yung gf nya at marami pang iba. Nakuu ginagawa nyong lesbi...