7 days ago...
THE ANGELS
"Oh ano? Nakita nyo ba si Faena?" inip na tanong ni Dos sa mga kaibigan. Kanina pa kasi sila naghahanap sa isa pang love interest slash past lover ni Gare. Nagpumilit kasi talaga si Uno na bigyan ito ng chance at para malaman naman ang side nito.
"Nakita ko na!" masayang wika ni Uno. Nakatutok sya sa harapan ng iphone nya. Syempre, ginamit na naman ang technology to track Faena. Ano pa nga bang gamit ng makabagong teknolohiya, di ba?
"Saan?" tanong ni Tres na lilinga-linga sa paligid na parang may hinahanap. Parang nakita kasi nya si Immaculate Concepcion sa di kalayuan kanina. Patay na patay talaga ang santang yun sa kanya. Pati ba naman dito sa lupa, sinundan sya? Hindi maaring magkamali si Tres sa nakita.
"Sa isang bar malapit lang dito. Bar's name was Pleasure. Hayaaa, interesting." excited na turan ni Uno.
"Eww. Pleasure? Ang cheap at obvious na putahan lang ang lugar na yun." Dos rolled her eyes. "Wala talagang taste yang manok mo, Uno. Manang-mana sayo."
"Kung makaputa naman tong isang 'kala mo hindi sya ganun." resbak ni Uno. Nilakihan naman sya ng mata ni Dos.
"Bawiin mo sinabi mo." banta nito sa isa.
"I wouldn't! Truth really hurts!" nakataas pa ang gilid ng labi na sabi ni Uno. "Kaya ka nga napasama dito sa mission na to dahil sa kalandian mo! Landi!"
"Kasalanan ko bang habulin ako? Na maganda ako at irresistible ako? Ha, Uno? Palibhasa, tigang ka lang. Ako pa ngayon pinagdidiskitahan mo. Tss." inis na sabi ni Dos. Kaunti na lang, makakatikim na talaga si Uno sa kanya ng 90 degrees pektus nya.
"Mahangin ba sa labas? Ang hangin mo te." inis pa rin ni Uno dito pero nagtratrabaho pa rin ang mga kamay. Nagreresearch tungkol sa pupuntahan nila. They can do multitasking anyways. "Tsaka average beauty ka lang te. Wag masyadong eksaherada." at tinignan si Dos ng head to foot look.
Tres just rolled her eyes ng narinig nyang nag-aaway na naman ang dalawang kaibigan. Isang araw pa nga lang nila sa lupa'y ganito na sila magbangayan. Napapaisip tuloy sya kung panu nila masusurvive ang 365 days na palugit sa kanila, kung lagi silang ganito.
"Aba't... Ako? Tinawag mo akong average? Hello? Magpatingin ka kaya kay Saint Doc Phillip, baka may katarata ka na." Dos blurted. Cool lang naman syang tinaasan ng kilay ni Uno. Binigyan sya ng tingin ni uno na parang nagsasabing napano-ka-dyan look. "Beauty, body, brains. Jam pack ako Uno! Kung sa term pa dito sa lupa para akong 3in1, all in 1 sachet na ako. Kaya don't you ever call me average because i'm excellent!"
Mahangin na nga. May kasama pang mabantot na amoy. Ito talagang si Dos. Tsk. Tsk.
"Hoy, di pa ba kayo titigil? Naririndi na talaga ako sa inyo. Wag nyo akong subukan." banta ni Tres sa kanila. Natahimik naman ang dalawa. "At ikaw naman Dos," at binigyan ng cold look ang tinawag. "wag kang masyadong magmaganda sa sarili mo. Alam mo bang yan ang dahilan kung ba't nasa Sheoul si Lucifer? Kaya tigilan mo na yan habang maaga pa."
Tumaas ang nguso ni Dos sa sinabi ni Tres. Uno snickered. Uno 2 points, Dos zero. Uno giggled at the thought.
"Kampihan. Tss." bulong ni Dos. Tres just rolled her eyes. Of course, narinig nila ang binubulong-bulong ni Dos.
"Punta na tayo sa Pleasure, girls! Sigurado akong maeenjoy natin dun. Hihi!" sabi pa ni Uno na nagpatiuna ng naglakad.
"Teka..." pigil sa kanya ni Tres. "Anong plano?"
Napatigil naman si Uno na waring nag-iisip.
"Psh. Yan na nga ba sinasabi ko. Sugod lang ng sugod, wala naman palang plano." hirit ni Dos.
BINABASA MO ANG
Calendar Girls SERIES (GirlXGirl) - JANUARY
Fantasy"Instead na paibigin yung mga tao sa mga dapat ay nagiging destiny nila, eh ang nangyayari napapares sila sa mga hindi dapat. Like Ellen and Portia, Aiza Seguerra and her partner, Charice at yung gf nya at marami pang iba. Nakuu ginagawa nyong lesbi...