THE ANGELS
"Nagugutom ako. Dos, bili mo ko donut." parang batang demand ni Uno. "Pwease." at nagpapuppy pa sa ikalawang anghel. Nasa isang karnibal sila sa bayan at dun naisipan mag-stroll, nagbabakasakaling mahanap ng detector yung susunod na Calendar Girl sa lugar na yun.
Oo, ikalawang calendar girl. Okay na kasi sina Gare at Faena. Lumabas na lang nga yung tatlo ng bahay dahil nakakainggit na nakakainis na yung kasweetan nung dalawa. Daig pa ang bagong kasal. Kain lang ang break at nagkukulong na sa kwarto. Sabi pa nga ni Faena, making up with the years that they have been wasted daw. Gawd, grabe, walang mga consideration lang kasi. Alam naman nilang nasa iisang bubong lang sila ng mga anghel, yung mga ungol at mga lampungan, di mapigilan. Kaya, lumabas na lang uli yung tatlo at nagpasyang hanapin si Calendar Girl #2.
Hindi pa naman masyadong required na hanapin ang next subject dahil di pa tapos ang mission nila kay Garnet. Hindi nila alam pero yun ang sabi ni San Pedro. Hindi pa nga nito tinatatakan yung profile ni Gare ng mission accomplished. Basta, may kailangan pa daw gawin yung tatlo para kay Gare.
As for Tres, kakalimutan na lang daw nya ang paghihiganti kay Kiko alang-alang sa kapatid. Oh? Di nyo alam kung sinong kapatid nya ano? Well, malalaman nyo sa takdang panahon. Basta nabanggit na sya sa istoryang to nung karaan.
Anyway, yun nga, nagugutom nga daw si Uno. Kaya nagpatianod na lang si Dos habang nakasunod lang si Tres na busy rin na kinakalikot ang phone. Probably researching sa whereabouts ng naulilang kapatid.
Nga pala, they were in human form. Syempre, as Faena's gang pa rin.
"Bili mo ko donut. Bili mo ako. Pwease. Pwease. Pwease." kulit ni Uno kay Dos.
"Wag kang magpout! Ampanget mo." sabi ni Dos na iningusan si Uno pero hinayaan naman nitong kaladkarin sya nito patungo sa donut vendor.
Malapit na rin sila sa tindahan ng donut at naririnig na nila ang pagsigaw ng naglalako para mabilis na maubos yung tinda nya.
"Ay wag na lang." biglang tigil ni Uno at mas humaba pa ang ngusong masamang nakatingin sa vendor. Takang napatingin naman si Dos sa kaibigan.
"Anong kaartehan yan, aber?" taas kilay na sabi ni Dos. Samantalang si Tres? Busy sa phone. Hayaan nyo na. Naglalaro ata ng zombie tsunami.
"Wag na. Nakakainis si manong vendor eh!" maktol ni Uno na parang maiiyak pa.
"Potek. Ano ba? Gusto mo ba talaga ng donut o hinde?" inis na tanong ni Dos. Ngayon pa kasi nagmaktol si Uno, eh wala rin sa mood si Dos. Panu ba naman kasi, mag-iisang buwan na rin syang, you know, hindi nakapag-hmm, s-sex. Kaya ganyan ang attitude nya. Bawal pa kasi silang makipags-sex kung di pa natatapos ang misyon nila sa isang subject. Sumpaan yan ng tatlong anghel para makapagconcentrate sila pero si Dos, na natural na malandi at mahilig, syempre, naghahanap talaga.
"Eh ayaw ni manong ipabili yung donut nya!" naiiyak na nakanguso si Uno.
"Anong drama yan?" naiinis na talaga si Dos. Si Tres naman, chill lang. Pangiti-ngiting nakatuon na rin sa cellphone na nasa likod nila.
"Pakinggan mo kase yung senasabe nya!" pinunasan pa ni Uno yung invisible tears nya, at kinusot-kusot ang mata tapos sisinghot-singhot. O, sya na ang madrama. "Sabi ni manong, Do not buy! Do not buy! Anong klaseng tinda yan? Di pinapabili!"
Salubong ang kilay na pinakinggan ni Dos si Manong vendor tsaka binatukan si Uno ng 360 degrees pektus nya.
"Awwwieeee! Anshaket! Naman Dos!" nagpapadyak na reklamo ni Uno.
"Bobo ka talaga! Panu mo nakuha yang mga achievement mo ngayon kung ganyan ka katanga? Nakakagigil ang kabobohan mo ha!" Inaksyunan ni Dos na susuntukin si Uno. Napaatras naman si Uno na krinus ang kamay sa bandang mukha.
BINABASA MO ANG
Calendar Girls SERIES (GirlXGirl) - JANUARY
Fantasía"Instead na paibigin yung mga tao sa mga dapat ay nagiging destiny nila, eh ang nangyayari napapares sila sa mga hindi dapat. Like Ellen and Portia, Aiza Seguerra and her partner, Charice at yung gf nya at marami pang iba. Nakuu ginagawa nyong lesbi...