~~••~~
NAPAPITLAG ako sa lakas ng pagpalo nang mga kamay ni Chantal sa metalled table sa loob ng investigation room. Nasa control room kami at mayroon lamang malaking window na humahati sa dalawang kwarto.
Sa loob ng investigation room, isa itong malapad na salamin, subalit sa amin banda, nakikita namin ang loob. At iyon na nga, nakikita ko ang mukha ni Chantal na hindi na masikmura ang mga tanong ng mga pulis.
"Hindi ko alam kung ano ang pinupunterya mo. Hindi ko nga nakita ang lalaking iyon pagkatapos ng away namin. I will never ruin my reputation just to satisfy my ego. Hindi ako ang pumatay sa kanya!"
"Calm down, Miss Marasigan. Hindi nakakatulong ang pag-iinit ng iyong ulo, maaari itong madagdag sa hinala namin na may tinatago ka."
"Wala nga akong tinatago! I already told you what happened," Chantal's eyebrows raised as she said that. Nagkrus ang mga braso ng dalaga dahil sa naririnig niya. "Paano niyo naman napapatunayan na ako ang pumatay? Dahil sa sinabi ko? Why would I kill him? Nagpakahirap akong abutin ang kinaroroonan ko ngayon at dahil sa galit ko sa kanya, dudungisan ko ito? Nag-iisip ka ba?"
"Just as you said, pagkatapos ng away hindi mo na siya pinapansin. Pero marami ang witness namin na nagpaparinig ka sa kanya, at humantong ito sa social media."
"Wala na ba akong freedom of speech? Bawal ba ang magrant man lang sa damdamin? Ano ba ang layunin ng social media platform? Hindi ba at mag-express?"
"Pinagdidiinan mo naman na guilty ka," banggit ni Senior Inspector. "Hindi 'yan nakakatulong sa sitwasyon mo."
Umiiling lamang si Senior Inspector Brillantes habang nakatingin sa laptop na nakapatong sa mesa. Napasabunot ng buhok ang dalaga dahil sa galit.
"Huling tanong, Miss Marasigan. May kinalaman ka ba talaga sa pagkamatay ni Gino San Isidro?"
"Wala, at kahit kailan hindi ako mamatay tao-"
"Mamamatay hayop nga lang, hindi ba?" biglang nagsalita si Klaus gamit ang intercom. "You were the representative of the Animal Welfare Program at Crestwood. Isa ka sa mga magigiting na sumasalba ng mga hayop na pakalat-kalat sa Berlin at sa unibersidad. By the looks of it, kaya kayo nag-away ni Gino dahil alam niyang may kasinungalingan ka kabila ng maamo mong mukha."
"Hindi ko alam ang sinasabi niyo."
"Animal cruelty and mistreatment are an illegal act, and if hereby proven will be punished according to the law. Do you want me to state the commission of offense?"
Napatayo si Chantal at tumingin sa amin- sa salamin. "Baliw ka ba? Wala akong alam sa sinasabi mo! I love animals, bakit ko sila sasaktan?"
"Why don't you ask yourself, Chantal. Ano kaya ang dahilan?" Ramdam na ramdam namin ang pang-aasar sa boses niya. Nakaupo si Klaus sa isang itim na mono bloc chair, habang nakatayo ako malapit sa bintana. "Did Gino find out that you killed your cats, but announce them missing?"
"T-that i-is a-absurd! Nawawala naman talaga ang mga alaga ko!" Chantal's eyes widen together with her nostrils. Nakikita ko ang nanlilisik niyang mga mata mula rito. "You are accusing me! What proof do you have that I did not abide by the law?"
"Unfortunately, Miss Marasigan, patay na ho ang witness namin," said by the Senior Inspector. "Habang ongoing ang kaso, nahagip namin na limang araw bago ito namatay ay pumunta siya sa OSA ng unibersidad para sabihin ang krimen na ginawa mo. Wala itong hawak na matibay na ebidensya pero agad pinagtuunan ng pansin ng OSA Head ang impormasyon, ngunit na isa-walang bahala ito dahil sinasabi mong nawawala ang mga pusa at labas ito sa prinsipyo ng eskwelahan dahil hindi ka naman kasama sa mga nakikituloy sa dormitoryo."
BINABASA MO ANG
✓ | The Esoteric Mismatched [D-Archives]
Mystery / ThrillerD-ARCHIVES - TEM 1 When series of issues tarnished the reputation of Crestwood University. Klaus Sandoval: the lazy genius and a walking plague of Berlin, together with Monica Mikhailuv: the infamous Crestwood troublemaker, pledged to end the turmoi...